Chapter 40

1.4K 60 26
                                    

                                                                  Chapter 40

                                                                      Trevor

            Tapos na ang pagkumpleto sa susi, kaya siguradong kamatayan na ang sasapitin ng buong Mystery Club. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari iyon, napa-mahal na sa akin ang mga bago kong kaibigan. Nag text ako sa kanya, para mapigilan pansamantala ang kanilang pagsugod. At sabi niya hihintayin niya ako sa sarili kong bahay. Nakahanda na ako, gagawin ko ang lahat para ma-protektahan ang taong mahal ko.

            Binuksan ko na ang pinto, nakita ko ang isang lalake na nakasuot ng pangkulto na naka-upo sa mahabang sofa.

            “Supremo…..”

            “(Tumingin sa akin) Trevor, halika, maupo ka…..” Pag-aya nito sa akin.

            Pero sobra ang kaba na aking nararamdaman, kaya hindi ako basta-bastang makagalaw sa aking kinatatayuan.

            “Anong problema? Nahihiya ka bang pumasok sa sarili mong bahay? Huwag kang mag-alala, tayong dalawa lang ang nandito.” Dagdag pa nito.

            Pumasok na ako at umupo sa tapat niya.

            “Kung ano yung message na nareceive mo kanina, seryoso ako doon. Pro-protektahan ko sila. Nanginginig na sabi ko sa kanya.

            “Pagmamahal! Ang isa sa mga kahinaan ng tao…. Hindi ko alam na uubra sa iyo ang bagay na ito Trevor. Pero malaki ang naging pakinabang mo sa akin nung mga nakaraang taon kaya pagbibigyan kita sa gusto mong mangyari.” Tugon ng Supremo.

            “(Smile) M---maraming salamat Supremo!”

            “Pero alam mo naman ang kabayaran ng pagtalikod sa ating samahan, lalo na at may hinihingi ka pang paki-usap sa iyong supremo…. Nakahanda kaba para dito?” Paalala nito sa akin.

            “Hindi ko po iyon nakakalimutan. Alam ko din na may isang salita kayo sa mga pangako ninyo sa aming mga anak nyo. Kaya nakahanda ako para dito.” Tugon ko sa kanya.

            “Kung gusto mo talaga ng kaligtasan nila, kailangan mong sirain ang librong hawak nila upang mapigilan sila sa pagnanais na ipagpatuloy ang paghahanap sa totoong kasagutan… Oras na magawa mo ito, simulan mo na ang iyong kabayaran!” Paliwanag niya sa akin.

            “Masusunod! Supremo!” Sambit ko.

            Lumapit siya sa akin at humalik sa aking noo.

            “(Whispering) Napakatapang mo Trevor Alcantara, pero hindi ka nararapat sa samahan na ito. Pinapakawalan na kita, munting ibon.” At tuluyan ng umalis ang Supremo.

 

                                                                    Tom

            “Pahiram muna nitong Truth beyond the eyes. Akyat muna ako sa kwarto ko, pag-aaralan ko lang maigi ito. At kapag dumating na sila tawagin mo nalang ako.” Sabi ko.

Unfinished 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant