Chapter 5

2.1K 71 6
                                    

                                                    Chapter 5

                                                       Luther

        Nakita ko kung ano ang nakita ni Kimberly sa loob ng library. Nakakita siya ng maamong imahe ng kaluluwa pagkatapos niyang tignan ang librong hawak niya. Pagkatapos ay nagmadali na siyang umalis ng library. Pumunta ako sa pwesto ng kaluluwa ng ito ay magpakita sa kanya, at dito ko napansin ang libro ni Mr. Rodriguez. May kakaibang presensya na bumabalot sa libro kaya kinuha ko ito. Nag-iba ang ihip ng hangin at lumamig sa buong paligid, hanggang sa mapansin ko nalang ang isang nakakatakot na imahe ng kaluluwa na nakatayo sa aking tabi. May ibinubulong siya sa akin na mga salita pero hindi ko ito maintindihan dahil ito ay latin.

        Isinama ko sila Kimberly sa rooftop ng makuha ko ang kanilang atensyon dahil sa libro. Dito ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat. Pero bago ako magsimula ay inayos ko muna ang aking itsura, naiirita na kasi ako na magpanggap na Nerd. Ginulo-gulo ko ang napaka ayos kong buhok, pagkatapos ay tinanggal ko sa pagkaka-butones ang aking polo. At tinanggal ko na rin ang walang grado na suot kong salamin. Napansin ko sila na para bang natulala sa biglaang pagbabago ng aking itsura.

        “What?” Tanong ko.

        “Hot…..” Nakatulalang sabi ni Alexandria.

        “Hindi ka na nakakahiyang kasama sa campus.” Biro ni Tom.

        “(Smiling) Wow, hindi ko naisip na iyan pala ang totoo mong porma. Bakit ka naman nagpapanggap na Nerd?” Tanong ni Kimberly.

        “Ayaw ko kasing lapitan ako ng maraming tao, mapapabagal lang kasi nito ang pag –iimbistiga ko. Kaya nagpanggap akong Nerd. Pero kailangan kong ipakita sa inyo kung sino talaga ako, para pagkatiwalaan nyo rin ako. Ms. Madoxx, kailangan ko ang hawak mong libro, iyan ang susi para mahanap ko ang aking ama.” Paliwanag ko sa kanila.

        “Imbistiga? Detective kaba? Anong kinalaman ng librong hawak ko sa pagkawala ng ama mo?” Tanong ni Kimberly.

        “I’m sorry pero Classified Information iyon. Sana ay maintindihan nyo ako, please just give me the book.” Paki-usap ko sa kanya.

        “Not so fast Mr. Keegan. Kailangan din namin yung librong hawak mo para malaman kung ano ang gagawin sa librong hawak namin. Dahil gusto rin naming malaman kung ano ang dahilan kung bakit nagpakita sa akin si Tamara Ashford, isa sa mga members ng Ghost Club. Kaya kung hindi mo sasabihin ang nalalaman mo, kainin mong mag-isa iyang Classified Information mo!” Mataray na sagot sa akin ni Kimberly.

*****Kriiiiinggggggggggg!!!*****

        “Oooppss….. Time is up! Break time is over. Bye Mr. Keegan, sayang ang Hot mo pa naman.” Pang-aasar ni Alexandria.

        “Tara na Kim at Alex. Wala naman pala tayong mapapala sa Luther na iyan.” Pag-aya naman ni Tom.

        “Okay fine! May magagawa pa ba ako sa inyo? Magkita-kita tayo mamayang uwian sa canteen.” Pagpayag ko sa gusto nilang tatlo.

        “Gusto pa kasing magpapapilit. Papayag din naman pala.” Masungit na sabi ni Kimberly pagkatapos ay tumalikod na sa akin.

        “Wow. Ako pa ang nabaliktad ni Kimberly, matapang na masungit pa. (Smiling) Interesting.” Bulong ko sa aking sarili.

                                                         Tom

        Sa wakas ay natapos na ang klase namin. Sa totoo lang na boring ako sa mga subjects, mas excited na kasi ako sa posible naming matuklasan tungkol sa dalawang libro. Para sa akin na mahilig ng katatakutan, mas mahalaga ang misteryo na ito kaysa sa mga matututunan ko sa subjects. Kahit alam kong mali ang sinasabi ko wala naman akong magagawa, dahil ito ang totoong ako. Naabutan namin si Luther na naghihintay sa canteen. Hindi ko mapigilang mapabungisngis ng makita ko nanaman ang Nerd niyang mukha.

        “(Whispering) Naka Nerd outfit nanaman siya. Kapag lumapit tayo sa kanya magiging losers na rin tayo.” Natatawang sabi ko kay Kim at Alex.

        “Ang sama mo talaga Rustom! Inggit ka lang sa kanya, kasi malayo ang pagkakaiba nyo. Super hot nya pero ikaw….. Hindi ko maipaliwanag!” Pang-aasar ni Alex sa akin.

        “Tumigil nga kayong dalawa. Mamaya marinig kayo ni Luther. ” Pagpigil ni Kim sa amin habang lumalapit kami kay Luther.

        “Halatang-halata sa kinikilos nyo na pinag-uusapan nyo ako. At siguradong tungkol iyan sa itsura ko. (Umiiling) Doon tayo sa dulo, simulan na nating pag-aralan ang libro.” Sabi sa amin ni Luther.

        Nang maka pwesto na kami sa lamesa ay sinimulan na ni Luther ang pag kwento tungkol sa libro at sa kanyang sarili.

        “Kagaya ng naunang sinabi ko sa inyo kanina sa rooftop, kailangan kong ipakilala sa inyo ang totoong ako para pagkatiwalaan ninyo ako. Bukod sa nakita ninyo ang totoo kong itsura, meron pa kayong dapat malaman tungkol sa akin. Hindi kapani-paniwalang katotohanan.” Panimula ni Luther.

        “Hindi kapani-paniwalang katotohanan? Bakit ano ka ba?” Tanong ni Alex.

        “Hindi ako pangkaraniwang tao, nabigyan ako ng kakaibang abilidad na makita ang mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao. May third eye ako!” Sagot ni Luther.

        Napansin kong nagulat si Kim at Alex sa narinig nila, kahit ako ay nagulat din pero natuwa ako sa sinabi niya. Ang astig kaya nun! Ibig sabihin ay nakakakita siya ng mga multo. Sa wakas! Nagkaroon na ako ng kaibigan na may third eye. Lagi na akong sasama sa lalakeng ito.

        “Ibig sabihin, nakita mo din yung babaeng nagpakita sa akin sa library?” Tanong ni Kim.

        “Oo nakita ko siya, at hindi lang siya ang nakita ko. Marami pang iba, at kahit sa oras na ito ay may mga kaluluwa din na gumagala sa loob ng canteen. Meron pa ngang isa na kasama natin ngayon sa lamesa.” Kampanteng sagot ni Luther.

        “Shit! Please stop! Huwag mo ng ituloy ang pagkwe-kwento tungkol sa kanila. Kinikilabutan na ako, at para bang unti-unti ng gumiginaw.” Hindi mapakaling pagkontra ni Alex.

        “Sige, hindi na muna ako mag kwe-kwento tungkol sa mga kaluluwa. Pero ito lang ang masasabi ko Ms. Madoxx tungkol sa pagkakakuha mo sa libro. Hindi lang basta nagkataon na nakita at nahawakan mo ang mga ito. Sa tingin ko ay pinili ka nila para tuklasin ang kababalaghan na laman ng mga libro.” Nananakot na paliwanag ni Luther.

        “Sinong sila?” Tanong ni Kimberly.

        “Silang lahat! Ang lahat ng namatay sa loob ng paaralan na ito!” Pagbubunyag ni Luther.

        “Oh shit! Paano mo nalaman na marami na ang namamatay dito? Sinabi ba sayo ng mga kaluluwa na nakikita mo? Sa pagkakaalam ko si Tamara palang ang namatay sa school na ito, tapos yung ibang nagpaparamdam ay mga kaluluwang-ligaw lang.” Tanong ko sa kanya.

        “Hindi ang mga kaluluwa ang dahilan kung bakit ko ito nalaman. Dahil ang aking ama ang siyang nagsabi sa akin ng mga katotohanang ito bago siya maglaho. At isa lang si Tamara sa mga taong namatay sa loob ng paaralang ito.” Sagot ni Luther.

Unfinished 2Where stories live. Discover now