Chapter 36

1.6K 66 4
                                    

                                                                Chapter 36

                                                                    Luther

            Nakarating na kami ni Officer Perez sa Soccer Field. Wala kahit isang tao ang nandito, ilang saglit nalang ay magsisimula ng lumubog ang araw.

            “Unti-unting lumulubog ang liwanag, at ang berdeng paligid ay unti-unting dumidilim.” “Sa likod ng tatlong sungay ay may magliliyab na buhay.” Ito na iyon Luther! Unti-unti ng lumulubog ang araw…..” Sabi ni Officer.

            “(Tumuro) At iyon na ang tatlong malalaking puno na tinutukoy ni Tom! Tara na, lapitan na natin!” Sabi ko.

            Dali-dali kaming tumakbo papunta sa mga puno, at ng makalapit na kami ay napansin namin na may lubid na nakatali sa puno na nasa gitna.

            “(binunot ang baril) Maging alerto ka Luther…” Paalala niya, at dahan-dahan na niyang sinilip kung ano ang nasa likod ng puno.

            Labis ang aming pagkagulat dahil isang matandang lalake pala ang nakatali sa puno. Agad namin itong sinubukang tanggalin sa pagkakatali pero biglang may humatak kay Officer Perez at itinapon siya palayo.

            “Luther! Alis na!” Sigaw ni Perez habang tumatakbo siya papunta sa nabitawan niyang baril pero bigla nanamang may dumating at mabilis nitong sinipa palayo ang baril.

            “What the……… Dalawa na kayo ngayon!” Sabi ni Officer Perez.

            Si Mr. Loomis ang nasa harap ngayon ni Officer, samantalang ang naghagis naman sa kanya kanina na ngayon ay nakatingin sa akin ay isang malaking tao na nakasuot ng pang kulto.

            “Nagtawag ka na pala ng kasama mo Mr. Loomis.” Sabi ko sa kanya.

            “(Smiling) Kailangan na kasi naming kumilos para masunod ang oras ng pagsasakripisyo….. Oo nga pala, iyang nasa harap mo ang tinatawag naming Anghel ng kamatayan…. Tandaan nyo siyang mabuti dahil siya ang babawi ng buhay ninyo. (Evil Laugh)” Tugon ni Mr. Loomis.

            Aatakihin sana ni Officer si Mr. Loomis pero sadyang may sa hayop kung gumalaw si Mr. Loomis kaya madali lang niya itong naiwasan. Ngayon ay si officer Alejandre na ang sinugod nito at agad niyang napatumba.

            “(Pain) H---hindi kayo……M---magtatagumpay.” Nanghihinang sambit nito habang namimilipit sa sakit.

            Nawala ako sa concentration ko sa kaharap ko, dahil sa nangyari kay Officer Perez. At nang muli akong tumingin sa matangkad na kulto ay isang malakas na suntok sa mukha ang inabot ko.

            “Aarrrrghh….”

            Ang lakas ng pagkakasuntok niya, halos hindi ako makatayo sa sobrang pagkahilo na nararamdaman ko.

            Hanggang sa kinuha nila kami at itinali na rin sa magkabilang dulo ng malalaking puno.

                                                                    Alejandre

            Nahirapan ako sa paghahanap ng ikatlong blood key, wala kasi akong ideya kung saang parte ng ferris wheel ito matatagpuan.

            “Fuck! Kapag hindi ko kaagad nahanap iyon, siguradong mabibigo na kami sa pagpigil sa ikalimang sakripisyo…. Pero sana ay mailigtas nila Perez ang nasa soccer field……”

Unfinished 2Where stories live. Discover now