Chapter 33

2K 75 24
                                    

                                                           Chapter 33

                                                            Alejandre

            Martes ng hapon, nagkita-kita kami sa bahay nila Trevor para pag-usapan at pagsama-samahin ang lahat ng impormasyon na nakuha namin, na posibleng maka pagbigay sa amin ng lead.

            “(Biglang pasok) Okay Guys….. Ito na ang dalawa nating officer.” Sabi ni Trevor.

            “Good morning…..” Nakangiting bati ni Perez.

            “Mag start na tayo para mahanap na kaagad natin ang susunod na location.” Pag-aya ko sa kanila.

            “Okay Officer.” Sabay-sabay na sagot nila na para bang nasa loob lang ng class room.

            “Ako na ang magpapasimula, tungkol sa natuklasan ko kahapon. Sa back ground ng Occult na hinaharap natin ngayon.”

            Halata sa mukha nila na sabik na silang malaman kung ano ang aking natuklasan.

            “Ang pangalan ng hidden organization na ito ay RED BLOOD ORGANIZATION! Itinatag taong 1684

            “1684? Ibig sabihin may kinalaman talaga sila sa school. Nung first time na nag investigate kami sa school nakakita kami ng 1684 na nakaukit sa pader.” Sabi ni Alex.

            “Tama ka Alex, malaki talaga ang kinalaman ng RBO sa Fildenthon University…. Year 1960 ng maganap ang Massive Killing sa ating lugar. Ang mga biktima ay puro kabataan…. Ayon sa files na nabasa ko bigla nalang natagpuan ang mga bangkay ng mga batang ito na malawak na nakabilog sa isang bakanteng lote…………. At ang lugar na iyon ay kasalukuyang tinatayuan ngayon ng Fildenthon University!

            “Iyon pala ang dahilan…… Kung bakit sobrang daming kaluluwa na nagpapakita sa school……. Marami na palang sinakripisyo doon kahit hindi pa sinisimulang gawin ang school. Kaya naman pala ang karamihan sa kanila ay hindi naka school uniform.” Sabi ni Luther.

            Biglang nag react si Perez. “(Kinilabutan) Wa…..wa……what the??? Paano mo nalaman ang bagay na iyan? M……may ano ka ba?”

            “Tama ang iniisip mo Officer Perez! May Third eye nga si Luther. (Smile)” Tugon ni Trevor.

            “FUCK!!!” Pahabol ni Perez.

“May mas nakakakilabot pa na pangyayari, sa gitna ng nakabilog na bangkay ng mga kabataan ay may nakasulat na Red Blood Organization, gamit ang kanilang mga dugo.”

            “Simbolo ito ng pagpapakilala nila sa buong bayan! Hindi naisara ang kaso dahil lahat ng pulis na magtatangkang lumutas nito, ay agad nilang pinapatay.”

            Kinilabutan silang lahat sa aking sinabi, lalo na si Perez.

            “P---partner, sigurado kaba? B---bakit pa natin itinutuloy ito? Kamatayan lang pala ang sinapit ng ibang nagtangkang lumutas ng kasong ito.” Natatakot na tanong ni Perez.

            “Wala akong paki-alam sa kamatayan Perez! Ito ang trabaho natin, kaya kung hindi ka pa handang mamatay hindi kita pipilitin na ituloy ang kasong ito.”

Unfinished 2Where stories live. Discover now