Chapter 15

1.8K 73 7
                                    

                                                Chapter 15

                                                      Tom

            “Ikaw nga pala yun HuH!!!! Humanda ka sa akin!” Sinugod ni Trevor ang kulto.

            “Huwag Trevor!!!” Pagpigil ni Luther.

            Pero hindi parin siya nag paawat….. Tumakbo ang kulto papunta sa hallway na nagdudugtong sa Old Building at hinabol parin ito ni Trevor.

            “IDIOT!!!!” Wala na akong ibang nagawa kung hindi sunadan din si Trevor.

            “Luther, Kimberly…. Madali kayo sa mga guard! Alex sunadan natin sila Tom.” Utos ni Ma’am Berndatte.

********************************

          “Shit! Saan na napunta si Trevor? Ang bilis nilang nawala…..”

            Nagpatuloy ako sa paghanap pero biglang may umatake sa akin galing sa sulok ng mga locker room.

            Tinulak ako nito sa pasimano ng hall way at tinatangka niya na ihulog ako. Mabuti nalang at nakahawak ako sa poste kaya hindi niya ako basta-basta mai-hulog…

            “(Sinakal na niya ako) A…..uhm……”

            “Marami na kayong nalalaman!!!!! Dapat na kayong mawala!!!!!” Sabi nito sa akin…. Hindi ko maaninagan ang mukha niya dahil patay ang ilaw sa buong hallway ng Old building 3rd floor. Pero nakita ko ang mga mata niya…. Namumula ito at nanlilisik.

            Lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin, at unti-unti na din akong nahihirapang huminga.

            “Ito na ba…… ang katapusan ko?” Tanong ko sa aking sarili.

            Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin, ilang saglit nalang ay malapit na akong tuluyang mawalan ng hininga.

            Biglang dumating si Trevor at mabilis niyang hinatak ang kulto pagkatapos ay sinuntok niya ito sa mukha.

            “(Humahabol sa paghinga) T---trevor…… You…i---idiot!!!”

            “(Demonic Laugh) Sa tingin nyo ba ay mapipigilan nyo kami? Nagkakamali kayo!!!! Mamamatay lang kayo sa ginagawa nyo! Ito na ang una at huling babala ko sa inyo!!!” Tumakbo na ulit palayo ang kulto.

            “Ayos ka lang ba Tom?” Tanong ni Trevor habang inaalalayan ako nito sa pagtayo.

            “Mukha ba akong okay (Heavy Breathing) Dahil sayo muntik na akong mamatay!” Sagot ko sa kanya.

            “Trevor! Tom! Okay lang ba kayo?”  Papalapit na tanong ni Alex.

            “Nasaan na yung kulto?” Tanong naman ni Ma’am Bernadette.

            “Tumakbo na siya palayo Ma’am.” Sagot ni Trevor.

            “At may mensahe siya para sa ating lahat!!!” Dugtong ko pa.

Unfinished 2Where stories live. Discover now