Chapter 9

1.7K 68 5
                                    

                                                   Chapter 9

                                                      Luther

        Nagmadali kaming tumakbo ni Kimberly papuntang main building para makahanap ng pagtataguan, pero may mga guard na din na nag iikot sa main building.

        “Mukhang corner na tayo..” Bulong ko sa kanya.

        Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at tinitigan ko siyang mabuti.

        “Dito ka lang Kimberly, magpapahabol ako sa kanila. At kapag sumunod na din sa akin yung mga guard na nasa likod ng building, iyon na ang pagkakataon mo para gamitin ang escape route na ginawa ko.” Paliwanag ko sa kanya.

        “P---pero paano ka Luther? Baka mahuli ka? ” Tanong niya.

        “Hindi ako mahuhuli, promise!” Nakangiting tugon ko.

        Pina-upo ko siya sa tabi ng cabinet ng mga cleaning materials. Pagkatapos ay tinakpan ko siya ng white bulletin board na hindi natapos ikabit ng isa sa mga sub-org sa school.

        “Pssstt!” Nakuha ko ang atensyon ng mga guard na nasa likod ng building pati na rin ang mga guard na nasa main building. Bago pa man sila makalapit ay nagpahabol na ako sa kanila papunta sa gym.

        “May isa pa akong escape route sa likod ng gym, pero mas mataas iyon kesa sa escape route na nasa likod ng old building. Siguradong isa sa amin ang mahuhuli kung isasama ko pa siya doon.” Bulong ko sa aking sarili habang tumatakbo.

        “Ikaw na ang bahala Kimberly…. Sana ay magawa mo ang sinabi ko sayo…..”

                                                    Kimberly

        Katulad ng sinabi ni Luther, hinabol nga siya ng mga guard na naglilibot sa school. Kahit kinakabahan at nag-aalala ay sinunod ko pa rin ang sinabi ni Luther.

        “Hindi pwedeng masayang ang pagpapahabol ni Luther, dapat ay makatakas ako dito.”

        Nagmamadali akong bumalik sa likod ng building pero napatigil ako ng may makita akong nakatayo sa tapat ng bakal na pinto ng Underground Basement.

        “Shit…” Nakasuot ito ng mahabang itim na tela na nakatakip sa buo niyang katawan at nakatakip naman ng hood ang kanyang ulo. “K---kulto?” Unti-unti akong nakakaramdam ng kilabot sa aking katawan, dahil kakaiba ang presensya ng taong ito. Malakas ang pakiramdam ko na hindi siya guard ng school at siguradong may iba siyang pakay.

        Mas nadagdagan ang aking kaba at takot ng unti-unti na nitong iangat ang kanyang pagkakatingin sa akin. Umabante siya ng isang hakbang. “Huwag kang lalapit sa akin..” Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay tila nanigas na ang aking buong katawan. Kaya kahit gusto kong tumakbo ay hindi ko magawa. Nagpatuloy siya sa pag abante papunta sa akin..

        “K---Kim… Ano bang ginagawa mo? K---kailangan mong tumakbo…” Gusto kong tumakbo, iyan ang sinasabi ng isip ko. Pero pinipigilan ako ng takot na nararamdaman ng puso ko.

        “Ayokong mahuli! Ayokong may mangyari sa aking masama! Makakatakas ako!” Dahil sa matinding pag kumbinsi ko sa aking sarili ay nagawang manalo ng utak ko, kontra sa naduduwag kong puso. Nakatakbo ako pabalik sa main building, pero………

        “Amfffff….” May kung anong nilalang na biglang lumabas sa cabinet ng mga cleaning materials. Tinakpan nito ang aking bibig pagkatapos ay hinatak ako papasok sa loob ng cabinet.

Patuloy ako sa pag piglas pero lalong humihigpit ang pagtakip niya sa aking bibig.

        “(whispering) Sssssshhhh…. Huwag kang maingay Kim, si Trevor ito.” Pagpapakilala niya sa akin.

        Natigilan ako sa pagpiglas, dahil kahit papaano ay mukhang safe naman ako. “Trevor….” Muling tinakpan ni Trevor ang aking bibig.

        “Ssshhh, dadaan na…” Bulong niya habang nakasilip sa butas ng cabinet. Maging ako ay sumilip na rin sa cabinet para makita ang nangyayari sa labas.

        Dahan-dahan na naglalakad ang lalakeng mukhang kulto habang tumitingin-tingin sa paligid. At mukhang ako nga ang hinahanap niya. Nanlaki ang aking mga mata at nagsimula nanamang bumilis ang pagtibok ng aking puso ng biglang tumigil ang lalake sa tapat ng pinagtataguan namin.

        “Bakit siya tumigil? Alam nya bang dito kami nagtatago?” Mga tanong na pumapasok sa aking isip. Hanggang sa lumingon na ang lalakeng naka hood sa cabinet na pinagtataguan namin ni Trevor. “A---alam na niya na nagtatago kami dito…… H---huli na kami… Please….. Umalis ka… Umalis ka…..Umalis ka na……” Nakapikit na bulong ko sa aking sarili.

        “(Tinanggal ang pagkakatakip sa aking bibig) Linagpasan na niya tayo Kim….. Lumiko na siya papunta sa main building.” Bulong ni Trevor.

        “(Sighs) Muntik na tayo…. Thanks Trevor.” Pasasalamat ko sa kanya.

        “Masyado pang maaga para magpasalamat, kailangan pa muna nating makalabas ng school.” Paalala nito sa akin.

        Hindi na namin sinayang ang pagkakataon. Nagmadali na kaming tumakbo papunta sa escape route ni Luther. “Ikaw na ang maunang umakyat Kim. Itutulak kita pataas.” Sabi sa akin ni Trevor. Pagkatapos ay siya na ang sumunod na umakyat.

                                                   Tom

        Natanaw na namin si Kim na umakyat sa bakod kaya nag madali kami ni Alex na lumapit para alalayan siya sa pagbaba. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod kong nakita na bumaba galing sa bakod.

        “What the….. Nasaan si Luther? At anong ginagawa ng hambog na iyan, bakit kasama mo siya Kim?” Naiiritang tanong ko sa kanya.

        “Stop it Tom! He saved me… Kaya kung ano man ang nangyari kaninang umaga, please kalimutan na natin.” Paki-usap ni Kim.

        “Okay Tom and Alex, sorry sa nagawa ko kanina. Pagpasensyahan nyo na rin ako pero natural lang kasi talaga sa akin ang pagiging mayabang.” Paghingi ng paumanhin ni Trevor.

        “Hindi ako sanay na nag so-sorry ka, pero para kay Kim kakalimutan ko na iyon.” Sagot ko sa kanya.

        “Teka Kim, Nasaan si Luther?” Tanong naman ni Alex.

        “Nagkahiwalay kami nung nagpahabol siya sa mga guard, hindi ko na…..” Naputol ang sinasabi ni Kim ng biglang dumating si Luther.

        “Nandito na ako… Buti naman at nakatakas rin si…… Teka bakit nandito si Trevor?” Gulat na tanong ni Luther.

        “Iyan ba yung nerd na si Luther? Bakit iba na ang itsura nya ngayon?” Hindi makapaniwala si Trevor sa bagong itsura ni Luther.

        “Trevor, Si Luther nga iyan pero mamaya ko na ipapaliwanag. ……At Luther, kaya nandito si Trevor dahil tinulungan niya ako kanina sa loob ng school ng may nakita akong lalake na para bang pang kulto ang kasuotan.” Sagot ni Kim sa dalawa.

        “Kulto?” Sabay na tanong namin ni Alex.

        “Ipapaliwanag ko sa inyo pero lumayo na muna tayo dito sa school…” Paki-usap ni Kim.

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon