Chapter 42

1.5K 65 15
                                    

                                                            Chapter 42

                                                             Kimberly

            Umabot na kami sa pinakahuling simbolo na itinuturo ng libro. Ang magbibigay ng kasagutan sa aming mga katanungan at ang posibleng tumapos nitong lahat. Ngunit kakaibang presensya ang sumalubong sa amin sa pagpasok namin sa school.

            “May kakaiba dito, nakabukas ang gate at masyadong nakaka-irita ang presence ng buong paligid.” Sabi ko.

            “Tama ka Kimberly, hindi ito pangkaraniwan. Wala akong nakikitang kaluluwa o kahit na ano man. Malakas ang kutob ko na kanina pa nila tayo inaabangan.” Sabi naman ni Luther.

            Tumakbo na kami papunta sa likod ng Old building. Kahit dito ay wala din ibang tao.

            “Mukhang papabayaan nila tayo na malaman kung ano ang nasa loob ng basement.” Sambit ko.

            Inilusot na ni Luther ang susi, at sa pagkakataong ito ay nabuksan na ang pinto.

*****CLICK…. (Kasabay ang paglabas ng mga usok)*******

            Inangat na ni Luther ang pinto at pumasok na kami sa loob. Masyadong madilim at ang tanging ilaw lang namin ay ang flash light ng aming mga cell phone. Nakakakilabot ang nasa loob, bago ka palang pumapasok ay puro rebulto na ng mga alagad ng kadiliman ang iyong makikita. May mga naka-ukit din sa pader na mga symbols na ginagamit sa ritwal at halos lahat ng hidden image na nasa libro ay naka-ukit din dito.

            “Kimberly, tignan mo iyon.” Tinapatan ni Luther ng ilaw ang isang maliit na puwang.

            “Daanan…” Sambit ko.

            Hinawakan ni Luther ang aking kamay at pinasok namin ang maliit na daan.

            Punong puno ng crystal ang buong paligid, at ang liwanag na lumulusot sa maliit na butas sa itaas ay nag re-reflect sa mga crystal kaya maliwanag sa buong lugar. Pero ang mas nakapagpakilabot sa aming dalawa ay ang pinaka laman ng sekretong lugar na ito.

            “Oh my God! Mga kabaong na gawa sa bato. Pero anong ginagawa ng mga iyan sa ilalim ng school? ” Pagtukoy ko sa pitong kabaong na nakatayo.

        Tatlong kabaong sa kaliwa at Talong kabaong sa kanan, nakatayo ito at nakatapat sa isa’t-isa. Samantalang ang nasa pinakadulo ay isang kakaibang kabaong. Ito ang pinaka maganda sa lahat, para bang isang Royal Blood ang nahihimlay dito. Lalapit sana ako pero bigla akong hinatak ni Luther.

        “Wait Kimberly…….” Pag-awat niya sa akin.

        Tinignan ko si Luther, pinagpapawisan na siya at nakatulala lang siya sa mga kabaong.

        “Hindi basta-basta ang mga kabaong na iyan. May nagbabantay sa kanila.” Seryosong sabi ni Luther.

        “(Kinakabahan) A---anong ibig mong sabihin Luther? A---anong nakikita mo?”

        “(Whispering) Sa unang dalawang kabaong ay may dalawang bata ang nakahawak sa mga ito. Nakakatakot ang mga mukha nila. Isang babae at isang lalake, pero parehas lang silang nakakatakot………. Sa ikalawang magkatapat na kabaong naman ay parehas dalawang babae, magkahawig sila, kambal! Nakangiti sila sa atin, ngiti na nakakakilabot, lumuluha sila ng dugo at pinapalapit nila tayo.” Pagbubunyag ni Luther.

Unfinished 2Onde histórias criam vida. Descubra agora