Chapter 31

1.6K 67 2
                                    

                                                           Chapter 31

                                                            Kimberly

            8 pm ng magkita-kita kami nila Officer Alejandre at Officer Perez sa abandonadong gusali. Mabuti nalang at kasama na naming sila sa imbistigasyon na ito, mas madali kaming makakapasok sa crime scene at mas safe kami kahit papaano.

            “Mukhang may natuklasan nanaman ang grupo nyo Ma’am…” Bungad sa amin ni Alejandre.

            “Meron nga…. At nasa crime scene ang sagot.” Tugon ni Ma’am.

            “May nadiskubre din po ako…………..”

            “Alejandre! Tara na pumasok na tayo sa loob! Bago pa sila mapansin ng ibang kasama natin!” Pagputol ni Perez sa sinasabi ni Alejandre.

            “Mamaya ko nalang sasabihin, pumasok na tayo sa loob.” Pag-aya ni Officer Alejandre.

            Nang makapasok na kami sa loob ng underground basement, bakas pa dito ang mga dugo ni Mr. Rodriguez na pumatak sa lupa. May walong nakatayong kahoy at sa gitna nito ay isang bilog na lamesang gawa sa bato.

            “Mukhang sa mga kahoy na iyan itinali ang mga kasama ni Vonjo.” Sabi ni Tom.

            “Oo! Sa mga kahoy nga na iyan. Nakakakilabot ang pangyayaring iyon, nakita ko silang lahat, duguan at hirap na hirap na sa kanilang sitwasyon……. Si Ada naman, diyan itinali (Tumuro sa kinatatayuan ni Alex)” Tugon ni Alejandre.

            “Grabe! Masyadong nakakakilabot ang pangyayari na iyon…. (Humawak sa magkabilang braso) Nag sisimula nanaman tuloy akong kilabutan.” Sambit ni Alex.

            Napansin ko si Ma’am Bernadette na para bang naluluha nanaman. Kaya lumapit ako sa kanya.

            “Okay lang kayo Ma’am?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

            Tumingin lang siya sa akin at nagbigay ng pilit na ngiti.

            “Teka, saan bumagsak si Vonjo?” Tanong naman ni Trevor.

            “Sa kinatatayuan mo…” Sagot ni Alejandre.

            Dali-daling umalis si Trevor sa kinatatyuan niya at kasabay naman nito ang biglang paghagulgol ni Ma’am.

            “Ma’am, bakit po?” Tanong ni Alex.

            “(Crying) N---naalala ko lang si Vonjo…. Ang kundisyon nya ngayon!!!” Tugon ni Ma’am.

            “Tsk! Bakit mo pa kasi tinanong ang tungkol doon Trevor?” Galit na sabi ko kay Trevor.

            “S---sorry, hindi ko naman sinasadya…..” Paumanhin ni Trevor.

            Maya-maya pa ay naglakad si Luther papunta sa lamesang gawa sa bato. May tinitignan siya sa gitna nito.

            “May nakita ka ba diyan Luther?” Tanong ni Perez.

            Tumingin sa aming lahat si Luther…. “Nakita ko na ang makakatulong sa atin.”

            Tinignan namin ang tinutukoy ni Luther. May hugis triangle na butas sa gitna ng lamesang bato. Kasukat nito ang hawak naming susi.

            “(Inilabas ang susi) Mukhang ito na ang sagot!” Nakangiting sambit ni Luther, pagkatapos ay pinag-isa na niya ang susi at ang bato.

******* CLICK! ********

            Narinig naming lahat na may tumunog, para bang may nabuksan ang susi sa loob ng bato. Tumingin kami sa buong paligid pero wala naman kaming napapansin na ipinagbago sa lugar.

            “Anong nangyari? Wala namang nabuksan!” Sabi ni Trevor.

            “TSK! Hindi ko na maintindihan kung ano ang gustong palabasin ng susi na ito! (Hinugot ang susi)” Sambit ni Luther.

            “T---teka Luther, tignan nyong lahat ang susi………” Sabi ko sa kanila ng mapansin kong may kakaiba sa susi.

            “Ang unang layer ng susi na katabi ng handle…… Yung kulay puting bilog…… N---naging kulay PULA….. Hindi makapaniwalang description ni Alex.

            At bigla ng nagsalita si Tom. “Ngayon naiintindihan ko na! Kaya ayaw gumana ng susi nung ginamit natin sa basement. Kailangan muna nating papulahin yung limang kulay puti na bilog ng susi….. At ang mga symbols at riddles sa libro ang makakapagturo sa atin kung nasaan ang location ng iba pang BLOOD LOCK!” Paliwanag ni Tom.

            “Kung ganon…. Mapa nanaman yung mga symbols at riddles…. (Biglang nagtaka) Teka Tom, anong blood lock? Iyon ba ang tawag sa batong ito na makakapagpapula sa susi?” Tanong ni Trevor.

            “(Laughing) Imbento ko lang yung Blood Lock! Mahirap banggitin kung wala tayong itatawag sa bagay na iyan. (Smile) Para kasing iyan yung mga nagsisilbing padlock para makumpleto natin ang limang layer ng susi…… At ang itatawag na din natin sa susi ay BLOOD KEY!Tugon ni Tom.

            “Ito pala ang ibig sabihin ni Mr. Loomis, na kailangan nating punan ang panganga-ilangan ng susi…………Kailangan nating makumpleto ang lahat ng Blood lock.” Dagdag pa ni Luther.

            “May apat pang layer na kailangan nating gawing kulay pula, may idea ba kayo kung saan ang susunod na lokasyon?” Tanong ni Alejandre.

            “Alex! Ang libro!” Paalala ko sa kanya.

            Tinignan niya ang ikalawang Symbol sa dulo ng libro…

            “Kamatayan na may hawak na death scythe.” Sambit ni Alex. Pagkatapos ay itinapat niya sa ilaw isa-isa ang mga pahinang susunod sa naunang riddle hanggang sa matagpuan niya ang ikalawa.

            “Ito na! Page na may hidden image ni kamatayan……… (Binasa ang riddle) “Sa mundo ng mga patay ay may panibagong mahihimlay.” “Dugo’y unti-unting gagapang, upang mapunan nito ang pangangailangan.” “At ang siyang liwanag ang may dala ng pahamak.” Pagbasa ni Alex.

            “Kamatayan? Mundo ng mga patay? Hindi kaya sementeryo ang tinutukoy ng Riddle na iyan?” Tanong ni Alejandre.

            “Iyan din ang iniisip ko…..” Pagsang-ayon ni Luther.

            “Pumunta na kaagad tayo doon!” Sabi ni Ma’am.

            “COOL……” Sabay na bigkas ni Trevor at Perez.

Unfinished 2Where stories live. Discover now