Chapter 35

1.7K 73 19
                                    

                                                            Chapter 35

                                                           Bernadette

            Tama si Trevor, maaaring magtuloy-tuloy na ito. At pwede naming mapigilan ang pagpatay sa mga isasakripisyo kung mauunahan namin itong makarating sa tinutukoy na lokasyon bago sumapit ang itinakdang oras.

            “Alejandre, kanina ka pa nakatingin sa mapa. Nakuha mo na ba ang ibig sabihin nila sa pagbibigay sa atin ng mapa?” Tanong ni Perez.

            “Mukhang itinuturo nga nila sa atin kung saan tayo susunod na pupunta!” Sagot ni Alejandre.

            Inilatag ni Smith ang mapa sa lamesa, inilabas din niya ang kanyang ballpen at sinimulang bilugan ang Fildenthon University.

            “Ito ang lugar na tinutukoy na pinagsimulan ng lahat…… (Binilugan ang abandonadong gusali) Dito natin natagpuan ang unang blood lock, sa North part ng bayan natin. At ang ikalawang blood lock ay sa sementeryo na nasa South West…… At kung pagbabasehan ang imahe sa ikatlong riddle, ito ay Circle….. Sa lugar natin, isa lang ang may bilog na structure, (Binilugan) Ang Main Park na nasa East. Paliwanag ni Alejandre.

            “At yung ikaapat naman na riddle, may tinutukoy na berdeng paligid, ibig sabihin ba nito ay gubat? At ang gubat lang dito ay malapit sa abandonadong gusali sa North.” Sambit ni Perez.

            “Sa tingin ko ay hindi doon ang tinuturo ng Riddle….” Tugon ni Alejandre.

            Sa tono ng pananalita niya at sa mga ikinikilos niya, mukhang nalutas na ni Smith ang lokasyon ng mga blood lock. Ano pa nga ba ang aasahan ko, siya ang pinakamagaling na pulis sa lugar namin at humahawak din siya ng mga paranormal cases. Hindi na bago sa kanya ang mystery solving na katulad nito.

            “Nakikinig kami Smith, ano ang natuklasan mo?” Sabi ko sa kanya.

            “Maliban sa gubat, meron pang isang lugar dito na puro berde ang paligid! (Binilugan ulit ang mapa) Sa soccer field sa West.” Paliwanag ni Alejandre.

            “Oo nga! Puro berde nga ang buong lugar na iyon. Nakatambay na ako doon. (Biglang may naisip) Shit…… May tatlong puno na magkakatabi sa bandang dulo ng soccer field….. Ibig sabihin, iyon ang………… Tatlong sungay! Sambit ni Tom.

            “Ngayon malinaw na sa atin kung nasaan ang mga susunod na lokasyon, but how about the 5th Riddle?” Tanong ni Kimberly.

            “(Smile) Simple lang, ang sabi sa riddle ay sa tuktok ng kaharian, at ang image nito ay reverse star………… Siguradong alam nyong lahat ang lugar na ito. Isa ito sa mga tourist spot, at 20 floors ang katumbas ng gusali na ito. Nasa pangalan na din niya ang sagot….” Pabitin na paliwanag sa amin ni Alejandre.

            At biglang nagsalita si Alex para ituloy ang sagot. “Star Tower!”

            “Tama ka Alex, sa Star Tower, na nasa South East! (Binilugan ang star tower sa mapa)” Sabi ni Alejandre.

            “Tara na! Pumunta na kaagad tayo sa ikatlong lokasyon.” Pag-aya ni Luther.

            “TEKA lang Luther! Hindi ba kayo interesado sa huling symbol?” Pagpigil ni Alejandre sa amin.

Unfinished 2Where stories live. Discover now