Chapter 41

1.4K 62 10
                                    

                                                      Chapter 41

                                                        Kimberly

            Naabutan namin si Officer Alejandre at Perez na nasa loob ng selda.

            “Officer anong nangyari?” Tanong ko.

            “Mahabang kwento Kim.” Tugon ni Perez.

            “Delikado kung tutuloy kayo sa school ng kayo lang, wala kayong maaasahan sa buong kapulisan ngayon.” Sabi ni Alejandre.

            “P---pero bakit?” Nagtatakang tanong ni Luther.

            “Dahil sarado na ang kasong ito!” Biglang sagot ni Chief Bernabe habang papalapit ito sa amin.

            “Huwag nyo ng idamay ang buhay ng iba dahil sa kalokohan na linulutas ninyo!” Dagdag pa nito.

            “Kung ganon, alam mo din ang tungkol sa Red Blood Organization, pero bakit nanahimik ka lang?” Buong tapang na tanong ko.

            “Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan. Kung ayaw mong sumama kina Alejandre sa loob ng selda…… Umalis na kayo dito!” Banta nito sa akin.

            Malaking problema ito, wala kaming proteksyon na manggagaling sa kapulisan. Pero kailangan parin naming ituloy ito kahit kami nalang.

            “Kim! Mag-iingat kayo!” Pahabol ni Alejandre.

            “Salamat Officer!”

            “Tara na Kimberly.” Pag-aya ni Luther.

            Pero bago kami tuluyang makalabas ay nagpahabol pa ng salita si Chief Bernabe.

            “Isang grupo ng college student, pilit na linalabanan ang malaking grupo na katulad ng Red Blood Organization! Hindi nyo alam ang kinahaharap nyo…. Goodluck nalang sa inyo!”

            Matapos namin itong marinig ay lumabas na kami ng head quarters…. At habang pinapaandar ni Luther ang kanyang motor ay naka-receive ako ng message galing kay Alex. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking nababasa.

            “Bakit Kimberly? Anong problema?” Tanong ni Luther.

            “(Crying) Si Tom, na-aksidente dinala siya sa ospital!”

                                                          Bernadette

            Nagmamadaling lumapit sa amin sila Kimberly at Luther ng makita nila kami sa ospital.

            “(Yumakap habang umiiyak) Kim….. Si Tom…..T---tumama yung ulo niya…. S….sa lamesa…. Kagagawan ito ni Trevor…” Nauutal na paliwanag ni Alex.

            “Si Trevor? P---pero imposibleng gawin niya iyon…” Hindi makapaniwalang tugon ni Kimberly.

            “Umamin siya…… H---hindi daw niya sinasadya….” Patuloy sa pag-iyak si Alex.

            “Pero ano ang dahilan ni Trevor para gawin niya iyon?” Maging si Luther ay hindi makapaniwala.

            “(Tulala) Ang sabi niya, kailangan daw niya ang libro….. Para iligtas tayong lahat… Sagot ko sa kanya.

            “(Nanginginig) Iligtas para saan? At a---anong kailangan niya sa libro? N---nahanap na natin lahat ang clue na nakatago doon….. (Shouting) A---ano bang iniisip mo TREVOR?” Patuloy na din sa pag-iyak si Kimberly.

            Hanggang sa lumabas na ang doctor na nag-asikaso kay Tom.

            “Nagkamalay na ang pasyente.” Balita niya.

            Makalipas ang isang oras matapos ma-operahan si Tom ay laking pasasalamat namin na agad na siyang nagkamalay. Para kaming nabunutan ng tinik dahil ligtas na siya. Agad kaming pumasok sa loob ng kwarto para kumustahin si Tom.

            “(Smile)(weak) Alex, Kim…. Sobrang lungkot nyo naman. Buhay pa ako.” Bungad ni Tom.

            “Nakaka-asar ka talaga Tom! Pinag-alala mo kaming lahat.” Sabi ni Alex.

            “Pasensya na, nag re-review kasi ako para sa final exam natin ngayong first sem ng madulas ako.” Sagot ni Tom.

            “Huwag ka na ngang magpatawa Tom! Matagal ng nangyari ang bagay na iyan.” Sabi naman ni Kimberly habang pinupunasan niya ang kanyang luha.

            “(Tumingin sa akin) Teka, Girls… Diba si Ma’am Bernadette ito? Bakit kasama nyo siya? (Smile) Ang duya ninyong dalawa, hindi nyo ako sinabihan na magpapaturo pala kayo sa kanya.” Sabi ni Tom.

            Nakaramdam na ako ng kakaiba…. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya.

            “Ano bang sinasabi mo Tom? Okay ka lang ba?” Tanong ni Luther.

            Pinagmasdan siyang maigi ni Tom. “Huh? Sino ito? (Smile) Aba! Aba! Kim may boy friend ka na pala… Paano yung hambog mong manliligaw na si Trevor? Hindi ka nag sasabi, pero okay lang, gwapo naman ang lalakeng ito at bagay kayo.”

            “(Shouting) Tama na Tom! Itigil mo na ang pagbibiro mo! Matagal ng tapos ang 1st sem! Nakapasa na tayong lahat at November na ngayon! Ilang linggo ng nagsisimula ang 2nd sem… Kaya please tumigil ka na sa biro mo.” Maluha-luhang paki-usap ni Alex.

            “(Nagtaka) Ah…eh… sorry na Alex, pero hindi kita maintindihan…. Huwag mo akong pag tripan, hindi pa nga tayo nakakapag-exam…” Sagot ulit ni Tom.

            Mukhang hindi nga siya nagbibiro, mukhang naapektuhan ang memory niya dahil sa aksidente.

            “Doc! Anong nangyayari sa kanya? Kilala niya sila Kimberly at Alex pero sa amin ni Luther ay wala siyang matandaan?” Nag-aalalang tanong ko.

            “Sa mga sinasabing ito ngayon ni Tom, walang duda na nag karoon siya ng amnesia dahil sa pagkakatama ng ulo niya…… At ang tanging naapektuhan lang ng pagkawala ng memorya niya ay simula nung bago sila mag exam hanggang sa kasalukuyan…….. Sa sitwasyon niya ngayon ay para lang siyang bumalik sa nakaraan.” Paliwanag ng doctor.

            “Pumunta na tayo sa school Luther!” Biglang pag-aya ni Kimberly.

            “P---pero Kim, delikado.” Pag-aalala ni Alex.

            “Gusto kong malaman ng personal kay Trevor kung bakit niya ginawa ito.” Kitang-kita sa mga mata ni Kimberly ang pag nanais na malaman ang kasagutan.

            “Ma’am Bernadette, Alex. Maiwan nalang kayo dito. Kayo ng bahala kay Tom. Mas makakabuti kung kaming dalawa nalang ni Kimberly ang pupunta sa school.” Mungkahi ni Luther.

            “Sige! Mag-iingat kayong dalawa. Nawa’y gabayan kayo ng may kapal.” Pagkatapos ay yinakap ko na silang parehas. At ganon din ang ginawa ni Alex.

            Hanggang sa tuluyan ng umalis sila Kimberly at Luther.

Unfinished 2Onde histórias criam vida. Descubra agora