Chapter 37

1.5K 70 10
                                    

                                                           Chapter 37

                                                            Kimberly

            Si Officer Perez muna ang nag drive ng motor ni Luther. Si Alex at Tom naman ang kasama ni Trevor sa sasakyan. At kami nila Ma’am Bernadette at Luther ang kasama ni Officer Alejandre. Papunta na kami ngayon sa huling Blood Lock, ang pag-gaganapan ng huling sakripisyo. Sa Star Tower!

            “Luther, wala kaming nakitang bakas ng kulto sa main park ng maganap ang sakripisyo. (Nagtaka) At ang sabi ng operator ng ferris wheel, nung sumakay daw yung lalake, mukha na daw itong wala sa sarili at matamlay ang mga mata.” Paliwanag ni Officer Alejandre.

            “Posibleng mangyari iyon Officer, may mga taglay silang kakayahan na wala ang normal na tao…. At malamang ay hipnotismo ang sagot sa nangyari.” Tugon naman ni Luther.

            “Kaya naman pala kusang tumalon ang lalakeng ito…. Sadyang delikado ang Red Blood Org. At mabuti nalang ay wala silang ginawa sa inyo ni Officer Perez.” Nag-aalalang sambit ni Ma’am Bernadette.

            “Hindi nya po kami ginalaw dahil kailangan nya pa tayo.” Tugon ni Luther.

            “Napansin ko kanina, yung lalakeng pumana, matangkad siya. Parang hindi siya si Mr. Loomis.” Nagtatakang sabi ko.

“Tama ka Kimberly, dahil hindi lang si Mr. Loomis ang gumagalaw ngayon, may kasama siya kanina…. Yung lalakeng pumana sa matanda, ang tawag sa kanya ni Mr. Loomis ay Anghel ng Kamatayan. (Smile) Tandaan daw natin siya dahil siya ang babawi sa buhay nating lahat.” Paliwanag ni Luther.

“(Smile) Talaga lang! Subukan niya.” Kampanteng tugon ni officer.

            Mahigit 30 minutes ang naging byahe, at sa wakas ay nakarating na din kami sa Star Tower. Katulad ng inaasahan, maraming turista ang namamasyal sa buong lugar.

            “Wow! Ang ganda talaga sa lugar na ito!” Bungad ni Trevor.

            “Tuluyang sasapit ang dilim, at sa tuktok ng kaharian ay bababa ang isang anghel” “Siya ang huling sasalba sa lahat at magsasara ng kababalaghan.” At ngayon ay tuluyan na ngang sumapit ang dilim…. Ilang saglit nalang magaganap na ang huling sakripisyo.” Paalala ni Tom.

            “Tignan nyo itong flooring……….. Isang malaking star! Pero diba ang sabi sa image reverse star?” Nagtatakang tanong ni Alex.

            “Oo Star nga yan Alex, kapag nandito ka sa baba at nakaharap ka sa Tower. Pero kapag umakyat ka sa tuktok at tumingin ka sa ibaba magiging Reverse Star na ang makikita mo.” Tugon ni Perez.

            “Malamang ay nasa star na ito ang Blood Lock!” Pagkasabi ay pumunta na si Ma’am Bernadette sa gitna ng image ng star sa flooring.

            “(Smile) Sabi na nga ba! Ito na ang Blood Lock. Nakangiting balita ni Ma’am Bernadette.

            Lumapit kaagad si Luther at inilusot ang susi.

            “TSK! Walang tumutunog!” Sabi ni Luther.

            “Siguro……… Dahil wala pang sakripisyo na nagaganap…” Tugon ko.

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon