Chapter 26

1.5K 64 41
                                    

                                                           Chapter 26

                                                           Bernadette

        Nang makarating kaming lima sa ospital ay nakita kaagad namin sila Arvine na nasa labas ng isang kwarto.

        “Arvine!!!”

        “Ma’am! Nagawa po namin! Natapos na namin ang Ouija board!”Tugon ni Arvine.

        Habang yinayakap ko sila isa-isa ay hindi ko mapigilan ang aking pagluha, marahil dahil ito sa tuwa sa pagkakaligtas nila.

        “Ada, ikaw pala yung isa…… Siyam kasi yung nasa balita, hindi ko akalain na nadamay ka.” Sabi ko ng makita ko siya.

        “Ako daw po kasi yung gagamitin na bagong katawan ni Sierra….” Sagot ni Ada.

        “At buti nalang ay napigilan nyong lahat ang plano ni Mr. Rodrigez. Teka nasaan si Von……… (Nakaramdam na ako ng kaba) T---teka, si Vonjo ba yung tinutukoy na na-baril?”

        Biglang nalungkot ang mukha nilang lahat, lungkot na hindi lang basta nabaril si Vonjo. Pakiramdam ko ay may mas nakakagulat pa na nangyari sa kanya.

        “(Natataranta) Nasaan si Vonjo? Kumusta na siya?” Tanong ko.

        “(Maiyak-iyak) Ma’am……………. Na………..na co……….. na Comatose po si VonjoAt hindi na napigilan ni Chryztyn ang pag-iyak.

        “L---linigtas kaming lahat ni Vonjo, kahit sarili niyang kaligtasan ang kapalit” Umiyak na rin si Clarissa at yumakap ito kay Chryztyn.

        “N---nasa loob po siya ng kwarto…..” Sabi ni Rodylien.

        Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila kaya tinignan ko kaagad si Vonjo sa loob ng kwarto, ang daming galos at benda sa katawan niya. Kitang-kita sa kanya ang hirap na pinagdaanan niya sa misteryong nilutas ng grupo nila. Pero mukha lang siyang mahimbing na natutulog, at kahit na ganon ang nangyari sa kanya bakas naman sa mukha niya na masaya siya sa pagtatapos ng kanilang kwento.

        “(Crying) M---magpahinga ka lang ng maigi Vonjo…….. Hihintayin ka naming lahat.”

                                                          Abbygale

        Medyo nag-aalala din naman ako kahit papaano sa pinsan ko kaya mas minabuti ko nalang na mag-desguise para makabisita ako sa kanya sa ospital.

        “Ayos ba yung scoop na binigay ko sayo Huh???” Nakangiting tanong sa akin ni Jack.

        “(Smile) Okay na okay… Ako ang pinaka-una sa lahat ng reporters. Salamat Jack.”

        “Wala yon Abby, tatawagan ka nalang ni Alejandre kapag may bagong balita……. Pero bakit malungkot parin yang mukha mo?” Nag-aalalang tanong niya.

        “(Nalungkot) Nakaka-asar ka kasi, mag-ingat ka naman sa susunod…… Alam mo na nga na tayong dalawa nalang ang nandito! Ikaw nalang ang pamilya na natitira sa akin….”

Unfinished 2Where stories live. Discover now