Chapter 25

1.6K 66 9
                                    

                                                         Chapter 25

                                                          Kimberly

        Matapos ang nangyari kagabi, bumalik nanaman kami sa pangkaraniwang buhay namin bilang estudyante. Sama-sama kaming kumain nila Alex, Tom at Trevor sa canteen ng sumapit ang lunch break.

        “Ano kayang problema ni Luther? Mag-isa siyang kumakain doon sa sulok.” Tanong ni Alex.

        “Baka dahil sa nangyari kagabi. Nahihiya pa siguro kay Kim o baka natakot sa akin. (Smile)” Sagot ni Trevor.

        “Stop Trevor, tayo nalang kaya ang lumapit sa kanya.” Mungkahi ko.

        “Good idea! Bago pa tayo maunahan ng mga babaeng nakatingin sa kanya….. Naninibago sila kasi hindi na siya Nerd ngayon.” Nakangiting sabi ni Tom.

        Hindi namin napansin na nakalapit na pala sa amin si Ma’am Bernadette, kaya bago kami makatayo ay napigilan kami nito.

        “Nandito pala kayo Kimberly!” Bungad niya.

        “Hi Ma’am….” Sabay-sabay na bati naming apat.

        “Mag-isa lang si Luther doon, lalapitan nyo ba? Tara!” Sabi ni Ma’am.

        Bago pa man kami makatayo sa pagkaka-upo ay biglang nagkaroon ng balita sa nakabukas na T.v sa canteen. Nakuha nito ang aming atensyon.

        “Breaking News……” Bulong ni Tom.

        “Magandang Tanghali! Ako si Abbygale Zamora, live na nagbabalita dito sa abandonadong gusali sa Binangonan Rizal. Isang nakakakilabot na insidente ang naganap sa nasabing lugar kaninang madaling-araw. Muntik ng isakripisyo ang buhay ng siyam na kabataan para sa sinasabing muling pagkabuhay ng patay. Ang salarin ay nakilala sa pangalang Eduardo Rodriguez, na napag-alaman din na dating Dean sa Fildenthon University hindi kalayuan sa abandonadong gusali. Ngunit dahil sa maagap na pagresponde nila PO2 Smith Alejandre at PO2 Jack Perez nagawa nilang iligtas ang buhay ng siyam na kabataan. Napatay sa barilan si Eduardo Rodriguez ng barilin din nito ang isa sa mga biktima. Sa ngayon ay iyan muna ang mga nagbabagang balita!”

        Halos lahat ng nasa canteen ay hindi makapaniwala sa narinig na balita lalo na ang mga professor at staff na kumakain ng oras na iyon. Tulalang-tulala din si Ma’am Bernadette.

        “Oh my God! They made it! Mukhang natapos na nila.” Sabi ko.

        “At patay na si Mr. Rodriguez…. Pero sabi ng field reporter, may nabaril daw sa mga biktima….” Dugtong ni Alex.

        Walang imik na biglang tumakbo palabas si Ma’am Bernadette at mukhang pupunta ito sa ospital na pinagdalhan sa grupo nila Vonjo. Agad siyang sinundan ni Alex at Trevor.

        “Ma’am wait po, sasama ako!” Sigaw ni Alex.

        “Kim! Tom! Sa sasakyan ko!” Sabi naman ni Trevor.

        Sumunod na din kami ni Tom sa kanila, pero bago ako tuluyang lumabas ng canteen ay tinignan ko muna si Luther. Sumenyas ako sa kanya na inaaya ko na siyang sumama, pero tinanggihan niya ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

        “Tara na Kim! Hayaan mo na si Luther…” Pag-aya ni Tom.

        “(Nalungkot) Okay…. Let’s go!”



                                                             Bernadette

        Sobrang lakas ng tibok ng puso ko matapos kong marinig ang balita. At malakas din ang hinala ko na natapos na nila ang misteryo na hinaharap nila. Pero ang tanging nagpapakaba lang sa akin ay ang tungkol sa nabaril na biktima.

        “(Bumubulong habang naluluha) S---sino sa kanilang walo ang nabaril, at sino pa yung isa na nadamay sa kanila?”

        Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan ko silang tawagan. Hindi sumasagot si Vonjo, out of coverage area naman si Arvine. Mabuti nalang at si Angelito ay na-contact ko.

Bernadette:“Angelito, saang ospital kayo dinala? P---pupuntahan ko kayo ngayon!”

Angelito:“Dito po kami dinala sa Binangonan Medical Center, Ma’am. Kakabalik lang din po namin dito galing kay Aurora.”

Bernadette:“Ibig sabihin ay natapos nyo na? Pero s---sabi sa balita, may nabaril daw sa inyo? Sino iyon?”

Angelito:“Opo, natapos na namin. (Malungkot na boses) Y---yung tungkol sa nabaril, m---mas mabuti po Ma’am kung dito nalang po namin sasabihin sa inyo…. Hihintayin po namin kayo dito. (hang-up)”

        Mas lalo akong pinakaba ni Angelito sa sinabi niya, mukhang may mas masama pang nangyari sa nabaril.

        “(Whispering) H---huwag naman po sana….”

        Hanggang sa bumusina na sa akin ang sasakyan ni Trevor.

        “Tara na Ma’am! Saan po tayo?” Pag-aya niya.

“(Sumakay na ako) Sa Binangonan Medical Center.”



                                                                  Abbygale

        (Abandonadong gusali)

        Lumapit sa akin si Officer Alejandre.

        “Abby!!!”

        “Yes Officer?..... (Tumingin sa cameraman) Billy, iligpit mo na yung mga gamit natin, aalis na tayo” Utos ko.

        “Abby, huwag ka na munang bumisita kay Perez ngayon. Pero kung bibisita ka talaga, mag disguise ka.” Sabi ni Alejandre.

        “(Nagtataka) B---bakit naman Officer?”

        “Nakalimutan mo na ba na doon din dinala yung mga biktima? Nangako tayo sa kanila na itatago natin ang identity nila……Kung pupunta ka doon at may nakakita sayo na ibang reporters, iisipin nila na nandoon yung siyam na kabataan na sinasabi mo….. So please, kung gusto mo ng scoop, please cooperate!” Paliwanag niya.

        “Abby! Tapos na ako! We can go!” Sigaw ni Billy.

        “Okay Officer! Promise, mag de-desguise ako kapag bumisita ako kay Jack.” Sagot ko sa kanya, tapos ay sumakay na ako sa van.



        (Inside the van)

        “Swerte mo Abby. Wala ka pang isang taon sa pagbabalita, nakakuha ka kaagad ng malaki at kakaibang scoop! At take note, ikaw lang ang field reporter na nandoon…. Solo mo ang buong scoop, naibalita mo na bago pa malaman ng ibang channel….. Paano nga pala nangyari iyon?” Sabi ni Billy habang nagmamaneho.

        “Pinsan ko kasi si Officer Jack Perez, kaya tinawagan niya ako nung nasiguro na ni Officer Alejandre na safe na yung crime scene…… Kaya naman ako ang laging mauuna sa tuwing may bagong scoop sa kasong ito.”

        “Oh Men!!! Ang swerte ko at sayo ako na-partner! Wooohooooooo” Masayang sambit ni Billy.



Unfinished 2Where stories live. Discover now