Chapter 18

1.6K 72 10
                                    

                                                     Chapter 18

                                                         Trevor

        Ang galing talaga ni Kim pagdating sa mga palaisipan, kaya matindi din ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaso nga lang nagtaka ako tungkol doon sa “in the middle of the lake.”

        “In the middle of the lake? Parang wala namang lake dito Kim!”

        “Parang imposible nga Trevor, pero may narinig akong tunog ng tubig kanina. Kaya nga pumasok sa isip ko iyang katagang in the middle of the lake.” Sagot ni Kim.

        “Bakit hindi natin subukan maghanap? Isa pa gubat naman itong katabi ng building, may posibilidad na may lawa din sa kalagitnaan.” Ideya ni Luther.

        “Sige subukan nating maghanap hangga’t may liwanag pa. Basta walang maghihiwa-hiwalay!” Paalala ni Ma’am.

        Sa aming paghahanap ay napatunayan namin na tama nga si Kim. Nakakita kami ng lawa sa kalagitnaan ng kagubatan.

        “T---totoo nga yung sinabi mo Kim, may lawa nga dito sa gubat. Pero ano na ang gagawin natin dito.” Tanong ni Alex.

        “In the middle of the lake, mystery will unfold! Kung susundin natin ang clue, nasa kalagitnaan ng lawa ang sagot.” Sagot ni Tom.

        “Nasa kalagitnaan ng lawa? Ibig sabihin kailangan pa nating sisirin iyan para makuha ang sagot? Hindi nga natin alam kung ligtas ba ang lawa na iyan!” Pag kontra ni Ma’am Bernadette.

        “Tama si Ma’am, hindi tayo pwedeng basta-basta lumusong diyan.” Sabi ni Kim.

        “Pero masasayang lang ang oras na iginugol natin sa paghanap ng mga clue, kung ang lawa lang ang makakapagpatigil sa atin. Ligtas man o hindi, kailangan nating subukan. Ako ang gagawa, sisisirin ko ang kalagitnaan ng lawa.” Buong tapang na pagpri-prisinta ni Luther.

        “Hoy! Hoy! Huwag kang masyadong pakasiguro Luther, hindi nga natin alam kung magaling ka bang lumangoy (Smile). At baka sabihin nyo ay dekorasyon lang ako sa grupo, kaya ako na ang gagawa!” Sabi ko sa kanya.

        Nagulat ang mga kasama ko sa sinabi ko, kokontra sana sila pero inunahan ko na sila ng salita.

        “Ooooppss!!! Please wala ng ko-kontra! Ako ang front liner ng Mystery Club diba? Kaya isa ito sa mga trabaho ko! (Nagyayabang) At nakalimutan nyo na yata na Flat One lang naman ang grade ko sa swimming lesson sa P.E. last sem.” Buong kumpyansang sabi ko.

        “P---pero Trevor, kahit may pagkahambog yang sinasabi mo, hindi natin maitatanggi na baka mapahamak ka.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-alala na din sa akin si Kim.

        “(Smile) Ngayon ko lang narinig na nag-aalala ka sa akin Kim, mukhang kahit mawala na ako ngayon, magiging masaya na ako.” Biro ko sa kanya.

        Hindi nagustuhan ni Kim ang biro ko kaya bigla niya akong sinampal.

        “Huwag kang mag salita ng ganyan, kung ikaw ang gagawa nito, siguraduhin mong babalik ka ng ligtas.” Seryosong bilin sa akin ni Kim.

Unfinished 2Where stories live. Discover now