Chapter 3

2.3K 75 24
                                    

                                                   Chapter 3

                                                       Tom

            Maraming misteryo na ang nalutas ng Ghost Club sa loob lang ng isang semester. Karamihan dito ay may kinalaman sa mga estudyante at guro ng aming paaralan. Ngunit may isa silang misyon na hindi na solve sa pagsisimula ng second semester. At ito ang dahilan kung bakit namatay ang isa sa kanilang mga members at kung bakit tuluyan ng naglaho ang kanilang organization.

            “Naglaro sila ng ouija board sa loob ng school ng hindi sila humihingi ng approval kay Mrs. Bernadette Crisostomo (adviser) at kay Mr. Alfredo De Ungria (Dean ng panahon na iyon). Ayon sa grupo ay nais lang nilang malaman kung ano ang dahilan ng pagpapakita at pananakit ng kaluluwa na gusto nilang maka-usap. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi nila nagawang kontrolin ang nasabing laro dahilan para ikamatay ito ni Tamara Ashford (Member).” Kwento ko kay Alex habang binabasa ko ang files.

            “Masyado palang nakakatakot ang paglalaro ng Ouija board, pwede mo pala itong ikapahamak.” Sabi ni Alexandria.

            “Sinabi mo pa Alex…. Itutuloy ko na kung ano ang nangyari. Ang sabi dito, hindi na sila pinahintulutang tapusin ang laro para makasiguro na hindi na mauulit ang insidenteng nangyari. Ayon din sa grupo ay si Mr. Eduardo Rodriguez (Former Dean bago si Mr. De Ungria) ang nag-utos sa kanila na lutasin ang misteryong ito. Ngunit hindi na nila nahanap si Mr. Rodriguez sa gitna ng imbistigasyon. Napagkasunduan ng council ng school na bigyan ng sapat na kaparusahan ang namumuno sa Ghost Club. Kaya naman si Vonjo DeloSantos ay na kicked-out sa school natin. Kabilang na rin dito ang pag ban sa lahat ng horror activities sa ating School at ang pag buwag sa Ghost Club.” Dagdag ko pa.

            “So what’s the plan? Pagkatapos nating malaman ang lahat ng ito.” Tanong sa akin ni Alex.

            “Kung hindi nila natapos ang laro, ibig sabihin ay babalikan sila nung natawag nilang kaluluwa sa gusto man nila o hindi! Kaya gusto kong malaman kung ano na ang sitwasyon nila ngayon.” Sagot ko sa kanya.

                                                        Alexandria

            Araw ng Huwebes, nagmamadali akong maglakad papunta sa sakayan ng may mapansin akong mga pulis na nag iimbistiga sa isang bahay.

            “Hmmm.. Ano kayang nangyari doon?” Tanong ko sa aking sarili ng mapansin ko na magulo ang loob ng bahay.

            “Ano ba ang nangyari kina Emelyn?” Tanong ng isang babae sa kausap niya.

            “Wala ngang nakaka-alam, pero ang hinala ng mga pulis, kidnap. Nawawala kasi si Tyn.” Sagot naman ng lalake.

            “Si Tyn ba yung anak ni Emelyn? Ano nga pala ang full name ni Tyn? Baka sakaling makatulong ako sa paghahanap.” Tanong ulit ng babae.

            “Chryztyn Miranda. Iyon ang pangalan niya.” Sagot nito.

            Bigla akong napa-isip sa aking narinig. “Chryztyn Miranda? Isa iyon sa members ng Ghost Club.” Coincidence lang ba ang nangyayari? Kakabasa lang namin ng files ng Ghost Club kagabi tapos ganito kaagad ang matutuklasan ko ngayong umaga. Siguradong mas lalong gaganahan si Tom oras na ikwento ko sa kanya ang natuklasan kong ito.

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon