Chapter 14

1.7K 69 7
                                    

                                                        Chapter 14

                                                           Luther

            “Ano na ang gagawin mo ngayon Luther? Naitabi na naming lahat ng upuan sa sinabi mong pwesto.” Tanong ni Alex.

            Kumuha ako ng chalk at pinagdugtong ko ang tatlong butas.

            “Para itong connect the dots, kailangan kong pagdugtungin ang tatlong butas gamit ang chalk…….. (Patuloy sa pag connect) Para ang kalabasan ay……… triangle.” Paliwanag ko sa kanila.

            Ngayon ay nakuha na namin ang unang clue sa room 304.

            “So ito na iyon? Triangle lang? Parang may kulang pa…..” Tanong naman ni Tom.

            “Tama ka Tom, pakiramdam ko din ay kulang pa…… Hindi pa ito sapat para maituro kung nasaan ang susi.” Pagsang-ayon ko kay Tom.

        Lumapit ako sa maliit na butas na nakapwesto sa unahan. Napansin ko na para bang may mga kulay puti na alikabok na nasa sahig. Madaling makita ang mga kulay puti na alikabok dahil kulay pula ang sahig. Pinag-aralan ko kung ano ito gamit ang aking mga daliri.

        “Natatanggal na pintura.” Tumingin ako sa kisame….. Natatanggal nga ang pintura nito.

        Kinuha ko ulit ang lamesa at pinatungan ko ito ng isang upuan. “Tom at Trevor, alalayan nyo ako!” Sambit ko sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay umakyat na ako sa tapat ng natatanggal na pintura ng kisame.

        “Nandiyan ba ang isa pang clue Luther?” Tanong ni Kimberly.

        “Sa tingin ko din Kimberly, nandito ang kukumpleto sa clue.” Sagot ko sa kanya.

        Tinuklap ko ang pintura ng kisame, hindi na ako nahirapan dahil kusa na naman itong natatanggal….. Hanggang sa lumantad sa amin ang kakaibang imahe na naka-ukit sa kisame.

        “Oh F*ck!!!!” Banggit ni Trevor.

        “Watta discovery Luther…” Sabi naman ni Alex.

        “Isang Mata? Bakit may naka-ukit na mata sa kisame?” Naguguluhang reaksyon ni Kimberly.

        “According to the movies na may kinalaman sa illuminati at occult, ang mata, triangle, circle, o stars ay ginagamit nilang simbolo sa pagkakakilanlan ng kanilang grupo o sa kahit na anong ritwal…….. Una nating nadiskubre ang triangle na nasa sahig, ang ikalawa ay ang mata na nasa kisame… At kung pagsasamahin natin ang dalawang clue, lilitaw ang panibagong imahe. Triangle na mayroong mata sa tuktok.Paliwanag ni Tom.

        “Kinikilabutan na ako sa na discover natin ngayong gabi. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit may mga ganitong imahe na inuukit si Mr. Rodriguez?” Nagtatakang tanong ni Ma’am Bernadette.

        “Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit may ganitong uri ng mga libro si Mr.Rodriguez. Malamang ay myembro din siya ng kulto na may kinalaman sa pagkamatay ng mga staff at estudyante sa school na ito sa magkakaibang taon.….. ” Sagot ko.

        “Sa madaling salita, ay Occult ang posible nating makaharap sa mga darating na araw kung ipagpapatuloy natin ito.” Kinakabahan na si Trevor.

        “Ma’am Bernadette, malaki ang maitutulong nito kila Vonjo. Si Mr. Rodriguez ang nag-utos sa kanila na mag laro ng Ouija board dito sa 3rd floor annex pagkatapos ay bigla rin siyang naglaho sa gitna ng imbistigasyon sa pagkamatay ni Tamara. Sa tingin ko ay hindi lang basta maka-usap ang kaluluwa ang gustong mangyari ni Mr. Rodriguez…. Dahil isang sakripiyo ang totoong magaganap….. Sakripisyo upang muling mabuhay……. Si Sierra Rodriguez!Paliwanag naman ni Kimberly.

  

                                                            Tom

            Marahil tama si Kim at si Luther, hinde…….tama talaga silang dalawa! Wala ng iba pang dahilan kung bakit maraming nalalaman si Mr. Rodriguez tungkol sa mga bagay na ito.

            “Sang-ayon ako sa inyong dalawa Luther at Kim! Sa tingin ko ay kasapi nga si Mr. Rodriguez sa kulto at set-up ang nangyari sa Ghost Club.” Pagsang-ayon ko sa kanila.

            Unti-unti nanamang lumamig sa paligid at nabalot nanaman kami ng mabigat na pakiramdam. Tumingin kami kay Luther, napansin kong may kakaiba sa mga mata niya.

            “Luther, anong nangyayari sayo? Bakit kakaiba ang mga mata mo? Medyo lumiit yung kulay itim at parang tumalas ang pagtingin mo…………..Para kang nasasaniban?”Tanong ko sa kanya.

            “Hindi ako nasasaniban Tom, ganito lang talaga ako kapag kakaibang aura ang nararamdaman ko……. Mas malakas na presensya kumpara sa masasamang kaluluwa….”  Paliwanag ni Luther.

            Nangatog nanaman sa takot si Alex. “M---mas malakas kumpara sa masamang kaluluwa? Ibig sabihin ang nasa paligid ngayon ay isang de………”

            “Ssssshhhh!!!! Huwag mong tatangkain na banggitin ang tawag sa kanya! Mas lalo lang siyang magkakaroon ng lakas ng loob para paglaruan tayo.” Mabilis na pagpigil ni Luther kay Alex.

            Tumindi ang tensyon na nararamdaman naming anim dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kaya mabilis na inutos ni Ma’am Bernadette na ibalik na namin sa ayos ang room 304.

            Ila-lock ko na ang pinto ng bigla itong kusang sumara. ******Blaaaammmm******

            Agad na nagtinginan ang mga kasama ko dahil sa pagkagulat.

            “Ano iyon Tom? Dahan-dahan naman!” Galit na sambit ni Alex.

            “H---hindi ako iyon Alex, kusang sumara ang pinto.” Tugon ko sa kanya.

            Isa-isa na ding nag patay-sindi ang mga ilaw sa hallway ng 3rd floor.

            “Ano na ang nangyayari ngayon Luther?” Tanong ni Kim.

            Pero masyadong naging seryoso ang presensya ni Luther hanggang sa…. Nandito na siya…… (Sabay turo sa pinakadulo ng hallway)”

            Kinilabutan kaming lahat ng makita namin ang itinuturo ni luther. Isang lalake na nababalot ng itim na tela at nakatakip ng hood ang ulo nito.

            “S---siya yung nakita ko kahapon sa likod ng old building…..” Nauutal na sabi ni Kim.

            “Alam na niya……… na may nadiskubre tayo… tungkol sa kanila….” Dugtong ni Luther habang nakatingin siya ng masama sa misteryosong lalake.

Unfinished 2Where stories live. Discover now