Chapter 11

1.9K 74 13
                                    

                                                  Chapter 11

                                                   Kimberly

            Bago pa man magsimula ang klase ay nag kita-kita na kaming lima sa tapat ng faculty nila Ma’am Bernadette para ibalita sa kanya ang nangyari.

            “Kim, dumarating na si Trevor.” Sabi ni Alex.

            Tinignan namin si Trevor habang papalapit ito sa amin, at halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa kanya.

            “Hi Trevor!” “Good morning Trevor” palitan ang mga babae na nagsasabi nito sa kanya, kung sabagay, gwapo naman siya at maganda ang build ng katawan, kaso nga lang masyado siyang hambog,

            “Kung sa kin lang napunta ang kagwapuhan ni Trevor, shit! Mukhang mag papaiyak din ako ng babae (Smiling)” Sabi ni Tom.

            “At mabuti nalang, hindi napunta sayo Tom.” Basag ni Luther.

            “Nagsalita ang NERD boy!” nakasimangot na tugon ni Tom.

            Kakaiba ang aura ni Trevor ng lumapit siya sa amin, ang dating hambog ay para bang nagsimula ng tumino.

            “Hi guys… Goodmorning (Smile) Ahhmm Kim, chocolates for you…. ..” Sabay abot ng dala niya.

            “Chocolates sa umaga? Pero…. thank you Trevor.”

            “Hey paano kami? Ang daya naman si Kim lang!” Pag mumukmok ni Alex.

            EHEMMM! Mukhang may bago kayong mga kasama. At ako ba ang hinihintay nyo?” Hindi namin napansin na dumating na pala si Ma’am Bernadette, masyado kasing agaw eksena si Trevor.

            “Goodmorning Ma’am! Ito nga po pala si Luther Keegan at Trevor Alcantara, kasali po sila sa group na binuo namin para sa mystery na lulutasin natin.” Tugon ko sa kanya.

            “Natin? Bakit nasali ako? Gusto ko lang sanang malaman yung tungkol sa dalawang libro.” Tanong ni Ma’am.

            “We need you Ma’am! Kailangan namin ng adviser. Kailangan namin ng mas nakakatanda sa amin at kakailanganin namin ang mga tulong nyo Ma’am. Please…..” Sagot ko sa kanya. Naging seryoso ang mukha ni Ma’am Bernadette habang tinitignan niya kami isa-isa.

            “Pakikinggan ko muna kung anong naging resulta ng mga ginawa nyo kahapon. Bago ako magdesisyon… Sumunod kayo sa akin, dito tayo sa meeting room namin.” Sabi niya.

            Nang makapasok kami sa loob ay ini-lock kaagad niya ang pinto at pinag simula na niya kaagad kaming mag kwento.

            “Simulan nyo na kung bakit nyo gustong ipagpatuloy ito at kung anu-ano na ang natutuklasan ninyo.” Utos nito sa amin.

            “Hawak na namin ang dalawang libro, ang isa ay nasa akin at ang isa ay hawak ni Luther. Magkaiba ang dahilan namin para pag-aralan ang mga libro, pero siguradong sa isang bagay lang kami nito ituturo. Kaya nag desisyon kaming mag tulungan para sa pag solve ng mystery na ito. Bungad ko sa kanya.

            “Para po sa amin nila Kim at Tom, gusto lang naming malaman ang dahilan ng pagpapakita ni Tamara Ashford kay Kim at para alamin din kung bakit biglang naglaho si Mr. Rodriguez sa gitna ng imbistigasyon sa Ghost Club at kung ano ang gusto niyang iparating sa dalawang libro.” Dugtong ni Alex.

            “At hawak din po namin Ma’am ang files ng Ghost Club, malaki ang naitulong nito sa amin para mas maintindihan ang mga clue na nakuha namin kagabi.” Sabi ni Tom.

            “Mamaya na ang tungkol sa mga clue, gusto ko munang malaman ang dahilan ng dalawang lalake na ito kung bakit sila nandito.” Pagtukoy ni Ma’am Bernadette kay Luther at Trevor.

            “Kaya ako nandito dahil gusto ko lang malaman kung saan napunta ang aking ama at kung bakit siya naglaho. Matagal ng sinasabi sa akin ni ama ang tungkol sa libro at kung paano ito gagamitin. Kaya naman nakakasiguro ako na maituturo nito kung nasaan ang ama ko….. At isa pa, may third eye ako, maaari tayong makakuha ng clue sa paranormal world. Malaki ang maitutulong ko sa grupong binuo namin para ma solve ito.” Kwento ni Luther.

            “At ako….. I don’t have the abilities or the knowledge, but I have a reason… Mahal ko si Kim, kaya pro-protektahan ko siya kahit na anong mangyari.” Nabigla ako sa sinabing ito ni Trevor, hindi ko akalain na ito lang pala ang dahilan niya kung bakit siya sumali sa amin.

        Tinignan ko ang mga kasama ko kung ano ang reaksyon nila sa sinabi ni Trevor. As usual si Tom at Alex ay mayroong mapang-asar na ngiti. Samantalang nakita ko naman na nakatingin sa akin si Luther pero bigla niyang ibinaling sa iba ang kanyang mga mata ng tumingin na ako sa kanya.

        “Mayroon pala kayong lover boy sa grupo….. (Smile) Maganda ang combination ng grupo nyo… Si Kimberly ay may leadership na itinatago sa katawan, it mean’s that she can be your leader. Samantalang si Alexandria naman ay masyadong energetic at masayahing tao, na kakailanganin ng grupo nyo para ma maintain ang positive energy sa grupo…. Rustom got the brain, at nakikita ko sa personality nya ang pagiging risk taker especially sa mga gawain na may kinalaman sa kababalaghan. Si Luther naman ay mayroong very strong personality and strong motivation, siguradong hindi siya mawawala sa focus sa lulutasin nyo. At isa pa, siya ang may connection sa paranormal world at kung paano gagamitin ang mga clues. Siya ang magiging ALAS ng grupo. At si Trevor, nang dahil sa pagmamahal ay napasama dito. He can be the front liner of the group, at sa mapang-akit na itsura nya, marami kayong mapag gagamitan sa kanya. (Naughty Smile)” Paliwanag sa amin ni Ma’am Bernadette.

        “Mukhang kakaiba yang ngiti nyo Ma’am, baka ibenta nyo ako sa mga girls (Laughing)” Biro ni Trevor.

        “Ito naman po Ma’am ang mga na discover namin kahapon ng sinimulan na namin ang pagbabasa sa unang libro. Sa Mystery of the Unknown University. Nakasulat doon ang lahat ng impormasyon tungkol sa school natin, including all accidents na nangyari sa loob ng school. At sa tulong ni Luther, nalaman namin na may nakatagong clue sa loob ng libro. Every two pages ay mayroong nag-iisang naka italic na letter. Pinag sama-sama namin lahat ng italic letters at Underground basement ang lumabas.” Paliwanag ko.

        “Hindi alam nila Kim ang tungkol sa under ground basement, pero alam ko pong alam nyo din ang tungkol dito Ma’am. Sa pagkakaalam ko, bilang pagrespeto sa nagpasimula ng Fildenthon University, mas pinili ng mga kasalukuyang staff na huwag nalang itong paki-alaman. Tama po ba ang sinasabi ko Ma’am? ” Paliwanag naman ni Luther.

        “Tama ang sinabi mo Luther, pero ang dahilan na iyan ay cover lang sa totoong nangyari..” Tugon ni ma’am Bernadette.

                    “Kung ganon, ano po ang totoong nangyari Ma’am?” Tanong ni Alex.

            Bawat isa sa amin ay nagpapakita ng interes sa pinag-uusapan namin, at halos lahat ay seryoso at taimtim na nakikinig….. Dahil para sa amin, ang bawat impormasyon na aming malalaman ay mahalaga.

 

 

 

 

Unfinished 2Where stories live. Discover now