Chapter 13

1.7K 76 3
                                    

                                                        Chapter 13

                                                             Luther

            8: 10 pm ng mag kumpleto kami sa guard house, naabutan namin si Ma’am Bernadette na kasama si Trevor habang kinaki-usap nila ang mga guard.

            “Andito na pala kayo, kanina pa nag hihintay si Ma’am sa inyo.” Bungad ni Trevor.

            “Doon kami sa bahay nila Luther nag palipas ng oras. Hindi masyadong malayo dito.” Sagot ni Alex.

            “What? Pumunta kayo sa bahay nila Luther kasama si Kim? (Tinignan ako ng masama) Nung inaya ko kayo sa amin tinatanggihan nyo ako. Tapos nauna pa si Luther…” Pagmumukmok ni Trevor.

            “Hindi pa kasi tayo grupo noon. Pero kung ngayon mo kami aayain, baka sumama na kami sayo. (Laughing)” Sabi ni Kimberly.

            “Guard, sila yung mga students ko na mag paparticipate sa project na ginagawa ko sa Humanities 2.” Pakilala sa amin ni Ma’am.

            “Okay po Ma’am. Pa sign nalang dito sa log book tapos isuot nyo itong gate pass. Goodluck sa project nyo.” Sabi sa amin ng guard.

            “Teka Luther, anong nangyari sayo? Bakit bigla kang naging astig ngayon?” Nagtatakang tanong ni Ma’am sa akin.

            “(laughing) Ito po talaga ang totoo kong itsura Ma’am, disguise ko lang yung Nerd Type.” Sagot ko sa kanya.

            “Much better kung palagi ka ng nakaganyan. Mas bagay sayo. (Smile)” Bilin ni Ma’am.

            Pagkatapos naming mag sign ay naglakad na kami papunta sa Annex building pero may pahabol pa ang guard sa amin.

            “Ma’am! Kung sakaling may makita kayong trespassers i-report nyo kaagad sa amin! May estudyante kasi kagabi na nagpahabol sa amin sa loob. ” Paalala ng guard.

            Sabay-sabay kaming nagtawanang lima sa sinabi ng guard, kaya nagtaka si Ma’am Bernadette sa amin.

            “Bakit kayo tumatawa?” Tanong nito.

            “Ha!Ha!Ha! Kami po kasi yung trespassers na tinutukoy niya. At si Luther yung nagpahabol para makatakas si Kim.” Sagot ni Alex.

            “Kaya naman pala, buti at walang nahuli….. By the way, maging alerto kayo sa paligid dahil baka magpakita ulit sa atin yung mukhang kulto na nakita ni Kimberly at Trevor.” Paalala ni Ma’am.

            “ALL RIGHT! Ang unang mystery solving ko kasama ang Mystery Club!” Nasasabik na sambit ni Trevor.

            Mystery Club?  Iyon ba ang pangalan ng grupo natin? Not Bad!” Sabi ni Ma’am.

            “Thank you Ma’am, ako po ang naka-isip non.” Tugon naman ni Alex.

            Habang naglalakad kami paakyat sa 3rd floor ng Annex Building, nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba.

            “May problema ba Luther? Kanina ka pa tingin ng tingin sa paligid.” Tanong sa akin ni Kimberly. Tumigil din sa paglalakad ang iba pa naming kasama.

Unfinished 2Where stories live. Discover now