Chapter 16

1.7K 72 2
                                    

                                                  Chapter 16

                                                  Bernadette

Arvine:“Hello Ma’am,,, ano po yung sasabihin nyo?”

Bernadette: P---pasensya na Arvine, hindi ko alam kung paano malulutas ang pinagdaraanan nyo. Kasalukuyan din akong may tinutulungan na kabataan na dumaranas din ng katulad sa inyo, walang ibang gagabay sa kanila.. Pero mayroon akong kakilala na pwedeng makatulong sa inyo…. Bukas, 7pm magkita-kita tayo sa dulo ng Main Park ng lugar natin.”

Arvine:“Sige po Ma’am… Maraming salamat po!” (Hanged up)

        Lumapit sa akin si Luther.

        “Nakita nyo rin iyon Ma’am? Nakakatakot siya, at napakalakas ng presensya niya! Bakit ang sama ng tingin nya sa inyo?” Tanong ni Luther.

        “S---siya si Sierra……. (Maluha-luha) Ayaw niya akong patulungin kina Vonjo..” Sa sobrang panghihina dahil sa takot ay muntik na akong matumba.

        Inalalayan ako ni Luther hanggang sa maiupo ako.

        “Bakit po Ma’am? Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Kimberly.

        “T---tama ang mga sinabi mo Kimberly, si Sierra Rodriguez nga ang gumugulo ngayon kila Vonjo! Sasabihin ko na sana kay Arvine ang tungkol sa nadiskubre natin pero biglang nagpakita si Sierra…… Ayaw niya akong patulungin…. P---pinipigilan niya ako….. Papatayin nya ako kapag nangi-alam ako!” At nagsimula na akong umiyak.

        Humawak si Luther sa magkabilang balikat ko.

        “Ma’am, may tiwala po ba kayo sa grupo ni Vonjo?” Tanong niya.

        “(Nagtataka) Oo! M---mayroon akong tiwala sa kanila.”

        “Kung ganon Ma’am, walang dahilan para panghinaan kayo ng ganyan! At kung malaki ang tiwala nyo sa kanila, kahit na hindi kayo tumulong, siguradong matatapos nila kung ano man ang nasimulan nila!” Sabi sa akin ni Luther.

        Sa sinabi na ito ni Luther ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Malaki ang tiwala ko sa kanila, marami na silang napagtagumpayan pagdating sa ganitong gawain! Siguradong matatapos din nila ito.

        “Hey Alex! Anong ginagawa mo diyan? Bakit nakasilip ka diyan sa quadrangle?” Tanong ni Trevor.

        “Hindi ako nakatingin sa quadrangle…… Nakatingin ako sa park na nasa tapat ng school natin…… At matutuwa kayo sa ipapakita ko sa inyo…”Sagot nito.

        Lumapit kaming lahat kay Alex at tumingin din kami sa park.

        “Ang clue na ito ay dito lang makikita sa roof top….. TRIANGLE ang hugis ng park, at sa pinakadulo ng triangle, ay may nakatayong rebulto….. Katulad ito ng clue na nasa room 304.” Paliwanag ni Alex.

        “(Smiling) Triangle na may mata sa tuktok………. Sa madaling salita, ang rebulto ang nagre-represent sa mata! Sabi ni Tom.”

        “Ano pa ang hinihintay natin? Tara na sa triangle park!” Pag-aya ni Kimberly.



Unfinished 2Where stories live. Discover now