Untitled Part 2

3.2K 119 1
                                    


KINABUKASAN, alas-sais pa lang ng umaga ay bihis na si Sari. Wala siyang ideya kung gaano kaiksi ang tulog niya. She didn't even want to sleep. She was too excited for that.

Alas-diyes ng umaga ang meeting nila sa ilang executives ng Housemate, Philippines—ang gumagawa ng Gleam detergents at iba pang gamit panlinis sa bahay. Ngunit hindi na makapaghihintay si Sari. Handang-handa na siya sa gagawin niyang presentation. She might offend their staff dahil isinawalang-bahala niya ang pinagpuyatan ng mga iyon.

But she didn't care. S&A was her company. She wanted it respected, trusted. Dahil iyon lamang ang buhay niya. Without her business and job, she had got nothing. Paris noon... at wala siyang balak bumalik sa pagiging wala.

Non-entity. Unimportant. Nothing. Not even love.

"They are here! Ready?" si Ralph. Nakasilip sa pinto ng opisina niya.

It had been five years simula nang makilala niya ang lalaki. Ngunit tila wala pa ring nabago rito. Mahaba pa rin ang buhok. May hikaw sa kaliwang tenga—iyon lang marahil ang nabago. Sapagka't napansin niyang white gold na ang loop earring na suot nito. Dati ay ang usual na yellow gold. Subalit wala pa ring nagbago sa pang-araw-araw na bihis nito—jeans ang shirt.

At kung hindi siya nagkakamali, thirty-six na ang lalaki. At wala pa ring asawa. Wala ring seryosong girlfriend. Minsan ay iniisip niyang closet queen siguro si Ralph. Pero hindi rin naman niya ma-justify iyon. Gayunpaman, he was dear to her. Ito ang nagbigay sa kanya ng idea kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. At sa isip ni Ralph unang nabuo ang S&A.

"Let's go," aniya. At mula sa ilalim ng desk ay binitbit ang dalawang containers.

"What's that?" usisa ni Ralph at kinuha sa kanya ang dalawang lalagyan.

"I'll tell you later."

Sa conference room ay naghihintay ang tatlong representatives buhat sa Housemate, Philippines. Isa-isa iyong binati ni Sari at kinamayan. Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng sandali. Agad na inumpisahan ang kanyang presentation sa pagkagulat ng lahat.

"To tell you frankly, gentlemen, I want Gleam to compete—to really compete! Not just to inform the public of its existence, kaparis ng mga naunang commercials na ang ideyang ibinigay sa mamimili ay—kung gusto ninyong makatipid, ito ang bilhin n'yo!" Bahagya siyang tumigil at pinag-aralan ang facial expressions ng mga nasa silid. Si Ralph lamang ang mukhang relaxed. Na para bang sinasabing: If you think you can do it, do it! Nagpatuloy siya.

"Let's change that attitude, gentlemen," hamon niya.

"How would you do it?" tanong ng isa.

"To tell them the truth." Nagkatinginan ang mga nasa silid. "It's not the detergent that matters. It's the way we wash our clothes." Yumuko siya upang damputin ang dalawang lalagyang dala niya. Ipinatong niya iyon sa mesa. "This is the leading brand," turo niya sa lalagyan sa kanan. May tubig iyon at bula sa ibabaw. "And this is Gleam." Turo naman niya sa kaliwa. "Last night, ibinabad ko ang dalawang pirasong tela na mayroong mantsa sa dalawang containers na ito. Ngayon kukusutin ko." Binuksan niya ang dalawang lalagyan na hugis salad bowl. Kinusot niya ang tela sa kanan. "This brand claims to get rid of stains fast..." Sige ang kusot niya. Pagkatapos ng mga tatlong minuto ay ipinakita niya ang kinusot. May mantsa pa rin. "See?"

Tumango ang tatlong executives. Naituwid ang mga likod sa pagkakaupo. Interesado na sila sa ipinakikita ni Sari. Kinukusot na ng dalaga ang pangalawang tela. Ngunit sa pagkakataong ito'y mabagal at hindi mariin. Nang iangat niya ang kinusot, wala na iyong mantsa.

"Got my point, gentlemen?" tanong niya.

"I got it. But how do you present it?" anang isa.

"A grandmother. We'll give them a grand old lady who'll be everybody's grandmother—" At ipinaliwanag niya ang nasasaisip.

"Do it," anang isang executive nang matapos ang paliwanag ni Sari.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now