Untitled Part 20

2.2K 95 0
                                    


NAGING madalas ang pagbisita ni Ralph kina Aldon na ikinasiya naman ni Sari dahil mayroon siyang nakakausap. Funny, sapagka't kung hindi pa niya nakilala ang lalaki ay hindi niya mare-realize na naiinip din pala siya kung minsan.

"Ikaw ang kukunin kong model ng una kong commercial," saad ni Ralph minsang nagkukuwentuhan sila, at nagsisimulang maging interesado sa advertising si Sari. Kapag nanonood siya ng TV ay ina-analyze niyang mabuti ang bawat commercial.

"Anong produkto ang ie-endorse ko?" tanong niya

"Patis."

Binatukan niya si Ralph.

At habang lumalalim ang pagkakaibigan nina Sari at Ralph, lalong nagpipilit na makauwi nang maaga si Aldon. Sapagka't ayaw na nitong madatnan ang nadatnan niya isang araw. Abalang-abala si Ralph sa pagkuha ng larawan ni Sari habang ito ay enjoy na enjoy, bigay-todo sa pag-pose.

"What's happening to you? You're starting to behave like a hubby." Si Dorcas nang muli pang ikansela ni Aldon ang usapan nila.

"Nasa bahay si Ralph, tumawag si Sari."

"So what? Mabuti nga 'yung magkaroon sila ng pagkakataon na magkasarilinan."

"I'm giving them too much time," tugon ni Aldon.

"I see." Saglit na natahimik si Dorcas. "When can I see you again?" tanong nito.

"I'll call you." At nagpaalam si Aldon na may pupuntahang meeting.

Hindi na gusto ni Dorcas ang nangyayari. Nararamdaman nitong hindi na willing si Aldon na hiwalayan ang kabiyak. I'm gonna do something about it, anito sa sarili.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now