Untitled Part 16

2.2K 106 9
                                    


"HINDI ko siya gusto. Paano mo siya naging kaibigan?" Si Sari habang papauwi na sila.

"Sino?"

"'Yung babaing may bigote at macho ang legs."

Gilalas si Aldon. Pero gusto ring matawa. "Si Dorcas," anito. For the first time ay naisip na meron nga palang bigote ito, although manipis lang naman. Pero natural iyon dahil balbon si Dorcas. At noon din lang nito naisip na medyo prominent nga ang leg muscles ni Dorcas. Pero dahil iyon sa mga oras na inilalagi ng babae sa gym.

"She's ugly! Kawawa naman ang lalaking papatol sa kanya. Yukks! Hindi kaya bakla 'yun? Sa palagay mo?"

Hindi makasagot si Aldon. Pinagpapawisan ng malapot kahit todo ang aircon ng sasakyan.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now