KINAGABIHAN ay sinubukang tawagan ni Ralph si Aldon upang sabihin ang napag-usapan nila ni Sari. At ipaliwanag dito kung bakit humingi ng annulment ang babae. Ngunit patay ang telepono ni Aldon. Lahat ng puwedeng tawagan ay tinawagan ni Ralph. Ngunit talagang hindi nito mahagip ang kaibigan.
Kaya naman, maaga pa ay umalis na ito ng apartment. Hindi na ginising si Sari. Personal nitong kakausapin si Aldon. Nagpunta ito sa opisina ng lalaki.
"Mr. Latarde left for Spain last night," saad ng sekretarya.
Gilalas si Ralph. Spain! Paano siya pupunta sa Spain?
"Puwede mo bang ibigay sa akin ang numero niya o address?"
"If you are Mr. Aranza, I'm sorry. Kabilin-bilinan ni Boss na huwag ipaalam sa inyo ang address niya at phone number."
"Kahit importante?" Nahila ni Ralph ang pony- tail sa kadesperaduhan.
"I'm sorry."
YOU ARE READING
Semper Fidelis
RomanceIt means Always Faithful. Motto ng US Marines, LOL. Semper Fi! They would always say to each other. Pero una kong narinig ang phrase na 'yan sa tatay ko noong little girl pa ako. Kay Mother niya sinasabi lagi. Totoo naman, always faithful si Daddy B...