Untitled Part 14

2.4K 109 7
                                    


"PARTY? Wala akong isusuot," wika ni Sari nang sabihin ni Aldon ang tungkol sa party.

"Bumili ka. Nagtataka nga ako sa 'yo kung bakit hindi ka nagsa-shopping. 'Yung ibang babae, kahit araw-araw sa mall—"

"Hindi ko hilig 'yun." Ang totoo'y natatakot gumastos si Sari dahil baka masabihan siyang materyosa ng kabiyak. At saka ayaw niyang isipin ni Aldon na gastador siya at hindi mapagkakatiwalaan sa pera.

"Shop tomorrow and buy me something, too," anito and kissed her forehead. Parang ayaw na nitong um-attend sa party para ipakilala si Sari kay Steve Rios. This sweet girl, and that bastard! Noon lang nito napansin na bukas ang TV at si Steve Rios ang nagsasalita sa screen. "Turn that off!" anito.

"Nanonood ako ng balita," protesta ni Sari. Nagtataka dahil ngayon lang naman ipinapatay ni Aldon ang TV kapag nanonood siya.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng lalaking iyan?" tanong pa ni Aldon.

"Oo naman. Mukha namang totoo ang mga ibinabalita niya. At puwede ba namang hindi?"

"Dinadagdagan niya," tugon ni Aldon. "At saka, ayokong makita ang mukha niyan."

"Akala ko ba, party niya ang dadaluhan natin?"

"Napilit lang ako ng isang kaibigan. Nakakahiyang hindi pagbigyan. Besides, marami pa namang istasyon, ilipat mo na lang."

"Ano ka ba? Ayoko sa ibang istasyon. Gusto ko ang mukha ng newscaster, eh," deklara ni Sari. Napapaano ba ang asawa niya?

"Hah! That face? What's so interesting about that face?!" Hindi man nito gusto ay nagtaas ng boses si Aldon.

"He looks nice. And I want to meet him, sa Sabado. Tell your friend to introduce us to him."

"Bahala ka sa buhay mo!" Padabog na bumaba ng kama si Aldon at lumabas ng silid.

Mukhang tama si Dorcas na maaakit sa newscaster ang kabiyak. Kung magkakaganoon, tapos na ang problema nila. Isa pa, marami ring salapi si Steve. Hindi na magiging kawawa si Sari, naisip ni Aldon. Pero hindi si Steve ang nais niya para kay Sari. Gagawin niya ang lahat para ma-turn off si Sari sa newscaster.

Ngunit malabong mangyari iyon. Excited na excited si Sari sa pupuntahang party. Hindi lang siya nag-shopping ng isusuot, gumastos din sa salon para sa bagong hairstyle. Noong una'y asiwa siya dahil parang masyadong malaki ang nagastos niya para lang sa isang party. Pero naisip rin naman niyang kaya naman iyong bayaran ng asawa niya.

Isang minidress ang binili ni Sari. Simpleng-simple. Walang cleavage. Ordinaryo lamang ang haba ng manggas. Ngunit shocked si Aldon nang makita ang kabiyak na suot ang damit. Sapagka't kahit ganoon kasimple ang yari, magpapantasya ang lahat ng kalalakihang makakakita kay Sari.

Gawa iyon sa purong gold-lace at hapit sa katawan. Sinipat na mabuti ni Aldon ang asawa. Mula ulo hanggang paa ay pinakatitigan. Likuran at harap ay ineksamin.

"Huwag mong sabihin sa akin na wala kang pang-ilalim. Sasakalin kita!" wika nito nang matapos inspeksiyunin si Sari at hindi masabi kung may suot ba ito sa ilalim o wala.

Tumawa si Sari. Nililis ang hemline ng damit at ipinakita kay Aldon ang underwear at pantyhose. "Satisfied?"

"Mabuti na 'yung sigurado," anito. At dalangin na huwag na sanang makarating si Steve Rios sa sarili nitong party! Sana ay sinamahan niya si Sari sa pagbili ng damit para napigilan niya ito na iyon ang bilhin. Talo pa si Sharon Stone ng kanyang asawa. Dahil mas bata ito at hindi produkto ng siyensiya ang hubog ng katawan.

Ngunit gaya ng sinabi ni Dorcas, si Steve Rios ang unang-unang nakilala ni Sari sa party. Nagkunwa naman si Dorcas na may ipakikilala kay Aldon.

"Can I borrow him for a while, Sari? May ipakikilala lang ako sa kanya. Steve, ikaw na ang bahala kay Sari. Ingatan mo siya," wika nito na natural na natural. Walang trace ng malisya at masamang motibo.

Atubili si Aldon na iwan sa TV man ang kabiyak. Baka reypin si Sari!

"Talagang dapat ingatan kapag ganito kaganda," wika ni Steve at iginiya si Sari sa kalagitnaan ng pagtitipon.

Sa isang sulok na malayo sa lahat dinala ni Dorcas si Aldon. Ngunit kandahaba ang leeg ng lalaki sa pagsilip sa kinaroroonan ni Sari.

"Where is she?" tanong nito kay Dorcas nang mawala na sa paningin si Sari.

"She'll be fine. Ano ka ba? This is our plan," gigil na wika ni Dorcas.

"But not him. I hate him," gigil ding sinabi ni Aldon.

"He's nice. Huwag kang mag-alala, your Sari—your pretty Sari will be fine," sarkastikong wika ni Dorcas.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now