Untitled Part 8

2.4K 111 0
                                    


SA OPISINA ay hiningi ni Aldon sa sekretarya ang kompletong listahan ng mga empleyado—iyong mga lalaki lamang. Nang ibigay sa kanya iyon ay nagulantang siya sa dami. Mahigit isang libo. He narrowed the list down sa mga binatang posibleng umangat ang posisyon sa kompanya dahil may drive, motivation. Nais din niya ng tapat at medyo presentable. Hindi man niya aminin ay kaparis niya ang hinahanap niya para kay Sari. Kaya naman napatawa siya nang malakas nang mabasa ang sariling pangalan at qualifications sa mga nasa listahan.

Hanggang sa pag-uwi ay dala-dala niya ang listahan.

"Oh, no! This is not your office, kaya hindi ka dito mag-o-overtime," salubong sa kanya ni Sari nang makita ang mga folders na dala-dala niya. "Go upstairs. Magpalit ka ng damit while I set the table."

"Be my guest," ani Aldon. Aaminin nitong natutuwa siya sa pagsisilbing ginagawa ni Sari. Hindi man nito intention ay napapauwi ito nang maaga para matikman ang mga niluto ng kabiyak. And when she kissed him, he found himself responding and wanting to take her to bed at once.

"Hindi ako ang dinner... I'm the dessert. Kaya go on, magpalit ka na ng damit," ani Sari at kumalas sa halik ng asawa.

Hindi niya naisip na ganito pala kadali ang buhay may-asawa. Walang kahirap-hirap para sa kanya ang pagluluto at kapag nagugustuhan ni Aldon ay kahit hindi na siya kumain. At kahit mayroon silang maid, gusto niya ay siya rin ang naglalaba ng mga damit ni Aldon, pati pamamalantsa.

"Wow! Tinola!" ani Aldon nang makita ang nakahain sa mesa.

"Medyo umuulan kasi, kaya kailangan ng mainit na sabaw," wika ni Sari. "Tikman mo," aniyang parang doon nakasalalay ang buhay. Kapag hindi nagustuhan ni Aldon ang lasa ng niluto niya, gugustuhin na niyang mamatay.

"It's good. Dapat siguro'y magtayo tayo ng restaurant."

"Puwede rin. Kaya lang hindi kita maaasikaso. Demanding ang business, eh."

Nasamid si Aldon. Nakokonsiyensiya siya sa sinabi ni Sari at naalala ang mga files na inuwi niya.

"Maiba ako. Wala ka bang balak na bumalik sa school?"

"Hindi ako sigurado, eh. Kasi demanding rin ang school. Baka hindi na tayo magkita. May trabaho ka, nasa school ako. Paano itong bahay, walang mag-aasikaso? At saka, nag-e-enjoy pa naman ako. Sa palagay mo, kailangan ko pa ng college degree? Aanhin ko 'yun?"

Tama nga siguro si Dorcas, naisip ni Aldon. This girl was infatuated with him. At kung ipagpipilitan niyang pabalikin ito sa college, baka magdamdam. Hindi naman niya maintindihan kung bakit natatakot siyang masaktan ang damdamin ni Sari.

"Naisip ko lang kasi na baka naiinip ka rito. Wala kang ginagawa buong—"

"Marami akong ginagawa buong araw. You won't believe it! Naglalaba ako, naglilinis—everything!" may pagmamalaking sinabi ni Sari.

"Naglalaba ka?!" bulalas ni Aldon.

"Oo. Wala kasi akong tiwala sa laba ni Meding. Parang marumi pa rin at saka may amoy."

Hindi makapaniwala si Aldon na ang isinusuot niya araw-araw ay si Sari ang naglalaba. At awtomatikong napatingin siya sa mga kamay ng kabiyak. Hindi naman nagsusugat. Mukhang malambot pa rin. At hindi niya malaman kung bibilib o maiinis. Hindi naman kailangang magpakahirap nang ganoon si Sari. Dahil kaya niyang kumuha kahit limang maids!

"Thank you," ang tanging nasabi niya.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now