Untitled Part 23

2.5K 123 10
                                    


KINABUKASAN ay natanggap ni Sari ang tawag ni Dorcas. Papasok na siya. Ngunit tinawag siya ni Meding dahil importante raw ang sabi ng nasa kabilang linya.

"This is Dorcas, remember me?"

"Y-yes. Wala si Aldon, eh. Kung gusto mo siyang makausap, I'll give you his number."

"Ikaw ang gusto kong makausap. Are you free? This is urgent," anang babae.

"May klase ako."

"Puwede ka naman sigurong mag-absent?" wika pa ni Dorcas.

"Ano ba talaga ang pag-uusapan natin?" aniya. Malapit nang maasar.

"Paano mo malalaman kung hindi mo ako pauunlakan?" Nagbigay si Dorcas ng pangalan ng lugar at oras kung saan sila magkikita.

Doon nagpahatid si Sari sa kanilang driver, hindi sa school.

Naghihintay na sa kanya si Dorcas sa restaurant. Nasa tagong mesa ito, seryoso ang expression.

"Maupo ka, Sari," anito. Nakita niya sa mesa ay isang maliit na tape recorder. "Umorder ka muna," suhestiyon nito nang lumapit ang waiter.

Umorder si Sari ng juice dahil hindi naman siya nagugutom. Isa pa'y parang hindi siya makakakain kapag si Dorcas ang kaharap. Butterflies were fluttering in her stomach. Almost sure na hindi maganda ang pakay sa kanya ng babae.

"What is it?" tanong niya nang lumayo ang waiter.

Imbes na tumugon ay pinisil ni Dorcas ang play button ng tape recorder. Maraming ugong, ngunit maliwanag pa rin ang pag-uusap na maririnig doon. Maliwanag niyang narinig ang boses ni Aldon.

"Yeah," anang tinig na tila tinatamad o inaantok. "Ralph is good for her. They're spending too much time."

"That's great! Iyon naman talaga ang gusto mo, 'di ba? Ang ma-in love sa iba si Sari. Para siya mismo ang humingi ng annulment?" Tinig ng babae na alam niyang si Dorcas.

"That's not true..." bulong ni Sari. Nangingilid ang luha.

"It's the truth, Sari. Me and Aldon, we didn't stop loving each other. Kung mahal mo siya, you'll give him the freedom he needs. What do you think is the reason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbubuntis?"

"No! You're lying! He wants me to get pregnant. We—we've discussed it."

Patuloy ang usapan sa tape recorder.

"Sabi mo, hindi n'ya type si Warren. Hindi rin niya gusto si Steve. But that's because she wants someone else like you. At si Ralph 'yon. Ikaw na rin ang nagsabing nagkakasundo sila ng best friend mo..." tinig ni Dorcas.

"Ralph's a good friend..."

"Precisely! Maaalagaan niya si Sari. At sa palagay mo ba ay hindi ito interesado sa asawa mo? Sari is pretty and young, and sweet. No man is vulnerable to her kind."

"Right," si Aldon.

"Gusto mo pa bang marinig ang lahat?" tanong ni Dorcas.

"Oo. I want to hear everything," ani Sari.

Malinaw na sa kanya ang lahat. Ang mga lalaking ipinakilala sa kanya ni Aldon, pati ang pag-utos nitong pumunta siya sa Batangas kahit wala namang problema ay bahagi lamang ng isang plano. Planong paibigin siya ng iba, para makipaghiwalay siya kay Aldon.

He never loved her! Sumunod lamang ito sa kagustuhan ni Don Claro.

Ang kasunod niyang narinig ay ang ingay ng pagtatalik ng dalawa. Ngunit pinakinggan niya iyon. I hate you, Aldon! Parang sasabog ang kanyang dibdib sa matinding sakit at galit na nararamdaman.

"Bata ka pa. Do something good with your life. Marami ka pang makikilala. Nangangako naman si Aldon na hindi ka niya pababayaan financially. Kahit ma-annul ang kasal n'yo. Ibibigay pa rin niya ang para sa iyo. Hindi s'ya masamang tao. Nagkataon lamang na you two were married for the wrong reason."

"May sasabihin ka pa?" tanong niya kay Dorcas.

"W-wala na."

"Then, good day. Nice meeting you again, Dorcas." At nilisan ni Sari ang restaurant.

Semper FidelisDonde viven las historias. Descúbrelo ahora