Untitled Part 36

3.3K 136 7
                                    


TAMA si Steve. Madali nga niyang nakilala si Tony Gascon. Mataba at maliit at punung-puno ng kulay ang polo shirt na suot.

"Dala mo ba?" tanong nito sa kanya. Ang hindi lang tumugma sa description ni Steve ay iyong jolly-looking. Oo nga't sa unang tingin sa malapitan ay hindi maipaliwanag ni Sari ang expression nito—parang hindi mapalagay. Sneaky!

"I have it." Ipinatong niya ang briefcase sa mesa. "Hindi na ako magtatagal, Mr. Gascon," aniya.


"SHIT! I warned her!" nagpupuyos ang koloobang naihagis ni Aldon ang diyaryo. Ang headline:

LADY EXEC ARRESTED FOR EXTORTION

Ayon pa sa balita, caught in the act si Sari habang iniaabot ang briefcase na naglalaman ng mga dokumentong gagamitin upang i-blackmail ang isang prominenteng politician.

Nagsumbong diumano sa NBI ang naturang politiko na ito ay bina-blackmail kapalit ang ilang milyong piso at ang pananahimik nito hinggil sa kampanya nito laban sa illegal logging. Kung anu-anong dokumento na tiyak na sisira sa pagkatao ng politiko ang natatanggap nito na may kalakip na pagbabanta na kung hindi ibibigay ang hinihiling ng blackmailer ay mahahayag sa buong bansa ang mga itinatago nito.

Ngunit matapang ang poliltiko at nakipag-ugnayan sa mga kaibigan nito sa NBI upang paimbestigahan ang kaso. Sa loob ng isang buwang imbestigasyon, dinala sila ng mga clues sa isang lalaking nagngangalang Tony Gascon. Simula noon ay under surveilance na ang lalaki. Then last night, Sari was caught handing him the briefcase.

Palakad-lakad si Aldon sa buong opisina. Hindi niya puwedeng pabayaan si Sari sapagkat alam niyang inosente ang babae.

Alam ni Aldon na si Steve ang may pakana ng lahat. Sa mundong kanilang ginagalawan, kalat ang bulung-bulungan hinggil sa lihim na gawain ng TV man, ngunit walang makapag-produce ng sapat na ebidensiya. Isa pa'y takot ang iba pang nabiktima dahil minsan ay may nagtangkang magsumbong sa awtoridad at ang naging kapalit ay ang buong career nito. Tinotoo ni Steve ang banta at kung anu-anong balita ang lumabas na may kinalaman sa taong iyon at sa pamilya nito. Nahuling nagpa-pot session ang anak, nanggulpi ang tauhan, at iba na iprinisinta sa paraang hindi mahahalata ng mga manonood na sinadya.

Marahil ay alam ni Steve na undersurveilance si Tony Gascon, naisip ni Aldon. Sapagka't tiyak niyang may 'alaga' ito sa NBI. Kaya ginamit nito si Sari, at kahit sabihin pa ni Sari sa lahat na si Steve ang may kagagawan ng lahat, walang maniniwala rito.

Samantala'y tuliro si Sari sa kanyang apartment. Nakadalawang tasang kape na siya. Hindi pa rin makapaniwala na nakauwi siya. Buong akala niya'y sa kulungan siya aabutin ng umaga.

Patalikod na siya nang biglang lumapit sa kanya ang dalawang lalaking nakasibilyan. Nagpakita ng mga badges ang mga NBI at mayroon ding warrant of arrest para sa kanilang dalawa ni Tony. Sinabi ang karapatan niya.

Tuliro siyang sumama sa mga iyon at nasa presinto na siya nang ma-realize niyang nakaposas pala siya at gusto niyang sumigaw. Ngunit hindi iyon ang kanyang ginawa.

Wala siyang kasalanan. Hindi siya dapat ikulong. Extortion! Blackmail!

Tinawagan niya ang kanyang abogado na agad namang dumalo sa kanya at inayos ang piyansa.

Inihatid siya nito sa kanyang apartment ngunit hindi pa rin mapalagay si Sari. She felt utterly alone. Kung sana ay naroroon si Ralph para damayan siya. Pero sa mga sandaling iyon tiyak na masayang-masaya ang kaibigan niya. At na-guilty pa siya. Hindi naman tamang sa lahat ng oras ay kay Ralph siya tumakbo. May sariling buhay ang lalaki.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now