Untitled Part 31

2.3K 105 0
                                    


"BAKIT hindi pa kayo nag-uumpisa?" tanong niya sa mga tauhan nang dumating siya sa set ng commercial shoot.

"Ayaw tumahan, Ma'am," tugon ng lalaking may hawak ng script. Ang tinutukoy ay ang batang modelo ng toothpaste commercial na ginagawa nila.

Walang salitang tinungo ni Sari ang pinanggalingan ng iyak ng bata.

"Pasensiya na, Ma'am. Hindi ko mapatigil," paumanhin ng ina ng bata.

"It's okay. Let me talk to him," aniya at nilapitan ang batang lalaki na halos sarado na ang mata sa pag-iyak. Hinaplos ni Sari ang buhok ng bata. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Ngunit itinulak lamang siya niyon at lalong lumakas ang atungal. "Sshh, come here," alo niya sa bata. "I will show you something. Do you want to be in Neverland?"

Tumigil sa pag-iyak ang bata. Napatingin kay Sari na para bang sinisino siya.

"Neverland. Peter Pan is there and also Tinkerbelle..."

"Captain Hook?" tanong ng bata. Namimilog ang mga mata. Tumango si Sari at kinarga ang bata. Dinala niya iyon sa computer room at kinausap ang tao roon.

"We're going to Neverland," aniya at naupo sa harap ng computer. Ipinakita niya sa bata ang concept ng commercial kung saan makakasama ng bata ang mga sikat na cartoon characters, sa pangunguna ni Peter Pan. Nakikipaglaban ito kay Captain Hook na ang ipiniprisinta ay ang mga cavities at tartar at tooth decay. Sa pamamagitan ng toothpaste na binudburan ni Tinkerbelle ng magic powder ay nagapi ang tropa ni Captain Hook.

Fascinated ang bata. Lalo pa't ito ang pinapipindot ni Sari sa computer keys.

"You will be there. Kailangan lang gagawin mo ang sasabihin ko sa iyo. Pagkatapos ng shooting, makikita mo na nandiyan ka na, kasama mo si Peter Pan," paliwanag niya. At nang tanungin niya ang bata kung handa na ito sa shooting, sunud-sunod ang tango nito.

Wala na ang tantrums nito nang ibalik sa set. At sa tuwa ng lahat, naging masunurin pa ang bata at bigay na bigay sa acting.

"Good job, Sari," anang assistant niya. "Kung hindi ka dumating, malamang na napilipit ko na ang leeg ng batang 'yan," dugtong pa nito.

"Pasensiya lang ang kailangan, Jamie," aniya. Kahit kanina lang ay nangangamba na rin siya na baka masabunutan niya ang bata kung hindi tatahan. "Show him the video later, babalik ako sa opisina."

Semper FidelisWhere stories live. Discover now