Untitled Part 17

2.5K 118 2
                                    


PINAG-AARALAN ni Sari ang laman ng kanilang ref upang planuhin ang dinner nila ni Aldon nang buhat sa labas ay humahangos na tinawag siya ng maid na si Meding.

"Ma'am! Ma'am!"

"Bakit, Meding?" Hawak niya ang isang buong repolyo. Iniisip kung maglalaga ba siya ng baka o hindi.

"May lalaki po sa labas. Pilit na pumapasok. Kaibigan daw ni Sir. Pero nakakatakot. Ayaw pong umalis."

Ipinasa ni Sari ang repolyo kay Meding at lumabas. Deretso sa gate. Doon ay nadatnan niyang nakadungaw ang ulo ng isang lalaking mukhang hippie noong in na in pa ang mga flower people! Mahaba ang buhok ng lalaki at nakahikaw.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya.

"Kaibigan ako ni Aldon, Miss. Nandiyan ba siya?" tanong ng lalaki. Mukhang ngawit na ngawit na sa pagsilip sa bar ng gate.

Ngunit wala pa ring tiwala si Sari. Tama si Meding, nakakatakot nga dahil masyadong intense ang mga mata. Ngayon lang nakakita ng ganoon kaitim na mga mata si Sari.

"Kung kaibigan ka ng asawa ko, alam mo dapat na nasa opisina siya. Bakit hindi mo siya doon puntahan?" Baka akyat-bahay, naisip niya.

"Hindi ko alam, Miss. Miss, may sugat ako. I was mugged by the taxi driver. Kung hindi mo ako tutulungan, I will bleed to death. At mananagot ka kay Aldon!" banta nito.

"Sino'ng lolokohin mo? Bakit hindi ka sa ospital pumunta?" hamon niya.

"Because I was coming here. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Aldon. Sino ka ba? Maid ka lang yata, eh!"

"Maid?! I'm his wife, idiot!" angil niya.

Tumawa ang lalaki. "Aldon, married?! I can't believe it! Let me in, Miss. Dahil kailangan ko talaga ng first aid. Hindi naman grabe ang tama ko, daplis lang. Pero kung hindi maagapan, baka maimpeksiyon. Mapuputulan ako ng kamay." Inilawit ng lalaki sa bar ng gate ang kanang braso. May sugat nga iyon. Pero wala pa rin siyang balak na papasukin ang lalaki.

"Tatawag na lang ako ng ambulansiya. Sila na ang bahala sa iyo," aniya. At bumalik sa loob ng bahay. Numero ng pulis ang idinayal niya. Ngunit busy. Si Aldon ang tinawagan niya.

"What is it? I want shrimp for dinner," anito nang marinig ang tinig ni Sari.

"Shrimp? Wala na tayong hipon—teka nga!" Napakamot ng ulo ang babae. "May lalaki sa labas. Kaibigan mo raw at nagpipilit na pumasok. I tried calling the police, pero busy ang linya. Ano'ng gagawin ko?"

"My friend? Ano'ng hitsura n'ya?"

"Long-haired, may earrings, may sugat s'ya sa braso. His eyes are so dark—"

Tumawa nang malakas si Aldon sa kabilang linya. "It's Ralph!" bulalas nito.

"Ralph?!"

"My best buddy. Sabihin mo sa kanya, Happy New Year. Kapag sinagot ka ng fuck off, papasukin mo. What does he need?"

"A haircut!" tugon ni Sari at iniwan ang telepono. Muling lumabas.

"Happy New Year," aniya sa lalaki. Hindi iyon tumugon. Bagkus ay muling inilawit ang braso sa bar ng gate at itinaas kay Sari ang middle finger. Tumawa ang babae at binuksan ang gate.

"Sorry, ha? Alam mo naman ang panahon ngayon, maraming loko."

"Okay lang. Maganda ka naman. Saan ka nadampot ni Aldon?" biro nito.

"Ano ako, puto? Dinadampot?" Nakapamaywang na tugon ni Sari. "Maupo ka at titingnan ko ang sugat mo." Naupo si Ralph at ineksamin ang sariling sugat. "Napa'no ba talaga 'yan?"

Ngumiti lang ang lalaki. "Baka hindi mo ako bigyan ng alcohol kapag sinabi ko sa iyo."

"Madadagdagan ang sugat mo kapag hindi ka nagsabi ng totoo."

"Inaway ako ng girlfriend ko," tugon ng lalaki na napagtanto ni Sari na hindi naman pala mukhang goon. In fact, ay guwapo ito. At malinis naman pala ang mahabang buhok.

"Bakit ka inaway?"

"Dahil—gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango si Sari.

"Bagay nga kayo ni Aldon. Pero ang bata mo pa. Bakit mo pinatulan ang kaibigan ko? Mas bagay tayo," biro ito.

"Bakit ka inaway?" ulit ni Sari sa tanong; she was  beginning to like the man.

"She caught me bare - assed in another woman's apartment, what about that? Then she left me after raiding my own apartment. Taking my credit cards, ATM cards, checkbook and everything. Even my earrings! I'm here dahil mangungutang ako sa asawa mo."

Malakas ang tawa ni Sari. "Sandali lang, kukuha ako ng gamot."

Pagbalik ay may dalang antiseptic solution at bulak. "Mabuti at hindi ka pinutulan ng ligaya at aliw," biro niya. Tumawa rin si Ralph. "Pero bakit galit ka sa 'Happy New Year'?" tanong ulit ni Sari habang pinapahiran ng antiseptic ang sugat ng lalaki.

"Puwede ba, huwag mo nang alamin," anito. Hindi na pinilit ni Sari, imbes ay tinawag si Meding upang maglabas ng meryenda. "'Yung buko-pandan, ilabas mo!"

"So, paano ka nakilala ni Aldon?" tanong ni Ralph matapos lagyan ni Sari ng bandage ang sugat nito.

"Matagal na kaming magkakilala. Inampon ako ni Lolo Claro noong eight pa lang ako," kuwento niya.

"Ampon? Paano kayo nakasal, bawal 'yon, di ba?"

"Wala namang kasulatan na ampon nga ako, eh. Pangalan pa rin ng magulang ko ang dala ko. Ikaw, paano mo naging kaibigan si Aldon? Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Sa college, brod ko siya sa fraternity. We get in touch, kaya lang ay busy ako sa trabaho ko."

"What do you do?" tanong niya at inabot kay Ralph ang isang platito na inilabas ni Meding. "Tikman mo ang buko-pandan ko. Favorite 'yan ni Aldon."

"Masarap nga. I'm a photographer. I work in an ad agency."

"Really? Ano'ng mga kinukuhanan mo?"

"Foods. Pero wala na akong trabaho ngayon. Umalis na ako sa agency. Gusto ko kasi 'yung sarili kong negosyo, para ako ang boss."

"So, mangungutang ka ng puhunan?" konklusyon ni Sari.

"Puwede mo ba akong i-backup? Be my co-maker. Ilalagay ko ang pangalan mo sa business na itatayo ko."

"Kung hindi ka makabayad?"

"Ikaw ang ibabayad ko."

"Alam mo, kahit best friend ka ni Aldon, hindi ka niya tatanggapin sa kompanya. Kahit janitor."

Tumawa nang tumawa si Ralph. "Alam mo rin?"

Nakalimutan na ni Sari ang dinner. Maghapon niyang kausap si Ralph at aaminin niyang kahit mukhang happy-go-lucky ito ay alam naman ang gustong gawin sa buhay.

For the first time, she was really enjoying another man's company. Parang matagal na silang magkakilala ni Ralph at magaang-magaan ang loob niya sa lalaki.

"Hindi ba naman nambabae ang kaibigan ko?' tanong ni Ralph.

"Hindi."

"Sabagay, kung ikaw ang mapapangasawa ko, hindi na rin ako titingin sa iba. Unfair ang buhay kapag minsan, pansin mo?"

Nagkibit-balikat lang si Sari. So far ay hindi pa naging unfair sa kanya ang buhay. She got everything she wanted.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Look at me, and look at Aldon. Mas guwapo ako sa kanya, pero mas mayaman siya. At hindi na niya kailangang mangutang para makapagtayo ng sariling negosyo. Tapos, maganda pa ang asawa. At mabait! Aba, sa panahon ngayon, saan ka hahanap ng babaing kontento na sa bahay?"

"Mahal ko ang asawa ko, eh. Paanong hindi ako makokontento?"

"Sabagay."

Semper FidelisWhere stories live. Discover now