Untitled Part 18

2.2K 97 0
                                    


ALAS-SIETE ng gabi dumating si Aldon. Sinadya nitong makauwi nang mas maaga dahil nasasabik ding makita ang matalik na kaibigan. Ngunit hindi nito nagustuhan ang nadatnan. Sina Ralph at Sari, masayang naglalaro ng millionaire's game, na para bang matagal nang magkakilala.

"Aldon!" bati ni Ralph nang makita ang lalaki at nagkamay ang dalawa sa ibang paraan na hindi makuha ni Sari. "Kumusta, brod? Nag-asawa ka pala, hindi mo ako binalitaan?"

"Wala ka raw, eh. I think you were in Singapore—"

"Yeah, I remember," ani Ralph.

"What's for dinner, Sari?" tanong ni Aldon sa kabiyak.

Napakamot ng ulo si Sari. Nakalimutan niyang magluto.

"Brod, mukhang hindi nagluto si Misis. Maghapon kasi akong kinausap. Ngayon lang siguro nakakita ng tao," biro ni Ralph.

"Sorry..." ani Sari.

"It's okay. Minsan lang naman," ani Aldon. Hinagkan sa pisngi ang asawa at kinabig ito sa baywang na para bang ipinamumukha kay Ralph na kanya si Sari at hindi nito puwedeng pakialaman.

"Sa labas na lang tayo kumain. Iti-treat ko kayong mag-asawa. Wedding gift ko sa inyo," deklara ni Ralph.

"Akala ko ba'y wala kang pera," hirit ni Sari.

"I-off set mo na lang sa uutangin ko," tugon ni Ralph.

"Utang?! Mangungutang ka kaya ka naligaw dito?" Si Aldon.

"Two hundred lang, pandagdag sa naipon ko," wika ni Ralph.

"Bukas natin pag-usapan, sa opisina ko."

"Big time talaga 'tong brod kong 'to." Sabay kindat kay Sari na hindi napigil ang pagtawa.

Umakyat siya sa silid upang magpalit ng damit. Sa lahat ng ipinakilala sa kanya ni Aldon, kay Ralph lang siya natuwa. Sana, lahat ng kaibigan ni Aldon, kaparis ni Ralph, hiling niya.

Slacks and silk blouse ang isinuot niya. Sa isang jazz bar nagyaya si Ralph at gaya ng inaasahan, si Aldon ang nagbayad ng bill.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now