Chapter 1: Yngrid Lienne Tee

944 46 59
                                    

Hi. I'm Yngrid Lienne Tee. 20 years old. College student taking BS in Environmental Science sa isang kolehiyo dito sa Maynila. Average lang po yung status namin sa buhay. Yung nakakain nang apat na beses sa isang araw. Syempre kasali na din dun yung snack sa hapon. Isang teacher yung papa ko, yung mama ko naman ay isang negosyante.

Opo, negosyante. Yung tipong kung ano-anong kaek-ekang ginagawa sa buhay. Minsan nagtitinda ng mangga sa palengke, minsan naman nagtitinda ng barbeque sa gilid ng bahay namin at kung ano-ano pa. Pero kahit ganyan si Mama, proud ako dyan. May kapatid din pala akong babae.

Pure Filipino po ako. Pero pwede ding half. Half german shepherd, half labrador. Ganern. Hihi. Gets niyo? Di, joke lang po.

Mahilig din ako sa adventures at sa mga bagay na may thrill. Eh, sino bang hindi magiging mahilig sa ganyan eh masyadong boring naman talaga ng buhay ko. Yung tipong gigising ka sa umaga, kakain, papasok sa skwela, mag-aaral, uuwi, kakain, magccr, at matutulog ganun. Tapos ulit na naman sa susunod na araw.

Mabuti nga sana kung may mangyayaring bago sa buhay ko eh. Yung may babagsak na bulalakaw mula sa Earth palabas naman ng outer space. Yung uutot ka tapos pweding maging source ng kuryente sa bahay niyo, o di kaya makikipagkita na sa pangulo natin yung hari ng mga alien. Pero wala eh. Walang bago. Kay wala na akong masabi kundi, isang completely boring ang buhay ko.

"Hoy Rid! Tulala ka na naman dyan!" Sigaw sakin ng kaibigan kong madaldal. Sino pa ba? Edi si Kate Winslet. Di joke lang, edi si Kate Villaflor nga.

"Bakit ba? Ano na namang magbabago sa takbo ng buhay ko kapag nakinig ako sayo?" Sagot ko sa kanya at umismid. Tss. Isturbo sa pagmumuni-muni.

"Luh. Kaibigan ba talaga kita ha?" Tanong nito sakin at pinanlakihan ako ng mata.

Aba. Hinahamon ata ako ng babaeng to eh.

"Bakit?! Ayaw mo na ba sakin dahil lang bored ako sa buhay ko ha?!" Sigaw ko sa kanya at pinanlakihan din siya ng mata na halos lumuwa na yung eyeballs ko sa lungga nila. Oh ano ka ngayon!

Napaatras naman ito at parang natakot sa ginawa ko. Napahalakhak nalang ako. Yan kase eh. Pft.

"Nakakatakot ka, Yngrid." Sabi nito sakin tsaka bahagyang lumayo ng konti sakin.

"Kasalanan mo yan. Hinahamon moko eh. Pinanlakihan mo pa talaga ako ng mata ha, eh talo ka naman." Sagot ko sa kanya pagkatapos ay binuklat yung notebook ko. Quiz kasi namin sa history mamaya kaya nandito kami sa field nakatambay. Mag-aaral naman kasi talaga kami dito eh, kaso ewan ko nalang kung anong nangyari sa suppose to be aral namin.

"Ipapamental na talaga kita sa susunod." Sabi nito at binuklat din ang dala niyang libro sa history.

"Mabuti nga, baka dun ko na mahanap ang Forever ko." Sagot ko nalang sa kanya. Pagkatapos ay iniscan yung notes na nakasulat sa notebook ko. Triny ko lang baka kasi bigla akong magkaroon ng photographic memory.

"Ewan ko sayo! Mag-aral ka nga lang dyan." Sabi nito kaya di nalang ako sumagot.

Talagang sineryoso ko yung pag-aaral ko kaya kalahati na yung namemorya kong notes sa notebook ko nang biglang tumunog yung alarm na sinet namin kanina ni Kate.

"Hala! History na! Tumayo kana dyan! Bilis!" Sigaw nito sakin at nagsimulang magligpit ng mga gamit niya.

"Teka lang naman no? Makaasta ka para namang may gagawin tayong earthquake drill sa alarm na yan. Tss." Sagot ko at niligpit na din yung gamit ko.

Pagkatapos namin masiguro yung mga gamit namin ay agad din kaming tumayo at naglakad papunta sa building kung saan yung room namin sa history. Packing tape! Mapapagod na naman ang beauty ko nito. Tss.

"Bilisan mo nga ang paglakad mo, Yngrid! Malalate na tayo oh!" Sigaw sakin ni Kate habang naglalakad nang mabilis na parang kabayong nagkakarera.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Nagtutumbling? Binibilisan ko nga lakad ko eh, kahit ang kyu-kyut ng legs ko!" Sagot ko sa kanya pagkatapos ay inayos yung libro at notebook sa braso ko.

Napausal nalang ako ng pasasalamat nang makarating kami agad sa room namin. Mabuti nalang at kararating lang din ng prof. May swerte parin talagang nakadikit sakin kahit papaano, oo.

"Okay class. Write your name in a one whole sheet of paper and answer this one. Essay." Anunsyo ni Sir na parang si Barney.

Kung bakit barney? Para nga kasi siyang baklang dinosaur. Pft. Hahaha!

"Any problem, Ms. Tee?" Tanong sakin ni Sir. Kaya napaupo ako ng maayos. Napalakas ata yung pagtawa ko sa utak ko eh.

"Nothing sir." Sagot ko at nagsimula na ding sumagot sa papel ko.

•••

"Haaaaay salamat naman!" Sigaw ko habang ini-istretch yung likod at kamay ko. Sa wakas natapos na rin yung klase namin.

"Uuwi kana ba agad, Rid?" Tanong sakin ni Kate. Magkatabi lang kasi kami ng upuan.

"Di, may pupuntahan pa ko." Sagot ko habang nagliligpit at nilalagay yung mga gamit ko sa bag.

"Huh? May pupuntahan ka pa? Saan naman?" Nagtatakang tanong sakin ni Kate. Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko to, eh ang hina ng pick up nito eh.

Isinukbit ko yung backpack ko sa balikat ko pagkatapos ay tumingin sa kanya. "Note the sarcasm, Kate."

Napakamot naman ito sa ulo. Yuck, may kuto ka te?

"Ay, akala ko may pupuntahan ka talaga eh." Sabi nito tsaka ngumiti ng hilaw. Napairap nalang ako.

"Halika na nga. Dami mong satsat." Sabi ko tsaka hinila siya palabas ng room namin.

---
Author's Note:
Hello mga readers. New on-going story na naman po ang susubaybayan natin. Kaya sanay suportahan niyo po ito gaya nang pagsuporta niyo sa ISIY at TLFL. Hihi. Anw, don't forget to drop your suggestions okay? Thankyouuuu po. ~

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now