Chapter 6: Revelation

256 33 29
                                    

Hindi. Hindi to pwede.

Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang siya naman ay nakasandal sa cabinet. Ilang beses ko nang pinokpok ang ulo ko baka sakaling nananaginip lang ako o di kaya nagka-sleep paralysis ako habang natutulog kaya kung ano-ano nalang yung nakikita at naririnig ko, pero taena! Gising na gising talaga diwa ko at di ako nananaginip!

"D-Di ako m-makapaniwala. B-Bakit.." Bulong ko habang nakatingin sa kanya nang di kumukurap.

"...B-Bakit naging tao yung manika na binili ko?" Di makapaniwalang tanong ko.

Ngayon ko lang din narealize kung bakit sobrang pamilyar ng mukha niya. Kamukha niya pala yung manika na binili ko at yung lalaking naguhit ko sa notebook ko nung isang araw. Juice colored! Ano na bang nangyayari sakin? Baka pinakulam nako ni Britney dahil sa ginawa 'kong pagpapahiya sa kanya? O di kaya baka minamaligno nako at kailangan ko nang bumalik sa realidad?

Teka. May naalala ako eh. Sabi nila kapag minamaligno ka daw, dapat mong baliktarin yung damit mo nang makabalik ka sa totoong mundo.

Tama! Baka yun na nga ang sagot sa problema 'kong to! Baka minamaligno nga ako?!

Kasalanan naman kasi to nila Mama't Papa eh. Kung di kasi sana ako pinanganak na maganda edi sana di ako natipuhan ng mga masasamang elemento. Di sana ako nandito ngayon sa sitwasyon nato!

Agad kong hinawakan ang dulo ng damit ko at akmang huhubarin ito para baliktarin nang biglang nagsalita yung anghel-- ay este manika pala.

"What are you doing?" Biglang sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Duh! Ano pa ba? Edi binabaliktad yung damit ko!" Sagot ko naman at inirapan siya. Obvious naman siguro yung ginagawa ko diba? Tss.

"Nothing will happen if you do that, Master. Just accept the fact. That's all you can do right now." Sagot nito sakin habang seryoso paring nakatingin sakin.

"Just accept the pak, just accept the pak ka dyan. Kung upakan kaya kita no? Tss! English ka nang english eh marunong ka namang magtagalog!" Sabi ko sa kanya at inirapan siya. Akala ko ba master niya ako? Eh, ba't ganito siya umasta sakin? Tsk.

"Okay. I will explain everything tomorrow. But for now, you should take a rest." Sabi niya tsaka mahinang tinulak ako pahiga sa kama. Wala akong choice kundi ang mapahiga at tignan siya nang masama.

"Sabi mo eh. Basta wag kang lalapit sakin habang natutulog ako ha? Lagot ka talaga sakin kapag may ginawa kang kabalastugan!" Sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Alright." Tipid na sagot nito habang nakasandal parin sa cabinet ko. Teka, saan ba siya matutulog?

"Hoy manika! Dyan ka nalang matulog sa sahig." Sabi ko sa kanya pero umiling lang ito sakin.

"Dolls don't sleep, Master."

"Okay, bahala ka." Sagot ko nalang pagkatapos ay kinuha ang kumot ko para takpan ang buong katawan ko. Hays, inaantok narin talaga ako.

Napatingin ako sa kinaroronan niya. Nakatingin lang ito sakin gamit ang kulay abo niyang mga mata. Ewan ko ba, sa tuwing tumitingin ito sakin ay di ko maiwasang taasan ng balahibo. May kung ano kasi sa tingin niya na di ko mawari kung ano.

Napakamisteryoso ng pagkatao niya.

Napapapikit na ako sa antok. Alam kong ilang minuto ay makakatulog na talaga ako. Pero bago kainin ng dilim ang sistema ko ay narinig ko pang nagsalita ito.

"Sleepwell, Master."

•••

"Goodmorning Philippines! Goodmorning Earth!" Sigaw ko habang nag-unat. Wooh! Ang sarap ng tulog ko. Buti nalang talaga at walang pasok ngayon, kundi malalate talaga ako.

Nakangiti pako habang inaalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko nang mapatingin ako sa gilid ng kama ko. Yung malaking ngiti ko kanina ay bigla nalang nawala nang makita ko siyang nakaupo at nakatingin sakin.

"Goodmorning." Sabi nito sakin.

Okay na sana eh. Akala ko magiging normal na ulit ang lahat kapag nagising ako. Hays, hindi pa pala.

"Okay, sabihin mo na sakin lahat ng dapat 'kong malaman." Sabi ko sa kanya at umupo sa dulo ng kama.

Tumingin lang ito sakin ng walang emosyon. Ganito ba talaga 'tong manikang to? Walang feelings?

"It all started when you bought m--" Naputol ang sinasabi niya nang sumabat ako.

"Pwede ba wag mo muna akong englishin? Kahapon pa to dinudugo ilong ko sayo eh." Naiiritang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sakin bilang pagsang-ayon. "So, I was sayin--, Ang sabi ko nagsimula ang lahat nang bilhin moko kay grandma. Ramdam mo naman siguro na may iba sa lolang nagbenta sayo diba?"

"Oo, pareho kayong may english sa bawat salita niyo. Kaya pala medyo iba yung accent niya kapag nagtatagalog." Singit ko sa pagsasalita niya.

"Hindi yan ang tinutukoy ko. Alam 'kong di ka maniniwala kapag sinabi ko sayo na nagmula kami sa ibang mundo. Tungkulin ni Grandma na maghanap ng magiging amo o master ko dito sa mundo niyo. May patakaran din o standards si Grandma sa pagpili ng magiging amo ko at siya lang din ang nakakaalam kung ano ito. Kapag ibinigay nako ni Grandma sa isang tao ang ibig sabihin lamang nito ay magsisimula na ang misyon ko." Mahabang paliwanag nito.

Nakatingin lang ito sakin at naghihintay ng sagot ko. Seryoso, di maprocess ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya.

"Yung totoo, ilang kilo ba ng drugs ang nahithit mo? Grabe, ang taas ng nilipad mo eh." Biglang tanong ko sa kanya.

Kumunot lang ang noo nito pero wala paring bakas ng emosyon ang mga mata niya.

"Okay okay! Ano ba kasi ang misyon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ang pagsilbihan ang magiging master ko hanggang sa mahanap ang totoong ikakasaya nito." Sagot niya na nagpanganga sakin.

"Ano? Ikakasaya? Nandito ka diba? Ibig sabihin, nandito karin para pagsilbihan ako. Pero masaya naman ako sa buhay ko ah." Sagot ko sa kanya at humalukipkip. Di ko magets yung punto ng manikang to. Tss!

"Ito ang misyon ko kaya ako ipinadala dito sa mundo niyo, Master. Ang tulungan ang isang tao na makuha yung matagal nang hinahangad nito sa buhay niya."

Ginulo ko ang buhok ko. Footspa! Mababaliw na talaga ako nito!

"Ano namang hinahangad ko sa buhay na di ko makuha aber?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo parin ito sa gilid ng kama ko.

"That's for you to find out, Master." Sagot nito.

--

Reiiko's Note:
Alam ko pong medyo sabaw talaga yung takbo nang storya pero sana suportahan niyo parin. Hihi. Don't forget to vote and comment. Thankyouuu! ~

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now