Chapter 13: Broken

146 26 21
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa mini-park ng school namin habang sila naman ni Kate at Sky ang bumili ng pagkain. Ramdam 'kong iniiwasan na ako ni Sky kanina pa.

Magkapartner kasi sana kami sa activity kanina, pero sinabihan niya si Maam na pwede bang magswitch kami ng partners ni Kate. Kaya ayun, imbes kami, ay silang dalawa ni Kate yung magkapares, tapos ako naman at yung partner sana ni Kate ang magpartners. Hays.

Ang bibig mo kase, Lienne! Ayan tuloy.

Pero sa totoo lang, di ko rin talaga alam kung bakit naiinis ako kay Sky. Yung tipong konting galaw niya lang nagagalit na agad ako. Tapos naiinis rin ako sa tuwing magkasama sila ni Kate. Di ko rin maintindihan sarili ko eh. Nakakaputcha pie.

Sumobra na ba ako kay Sky? Kailangan ko na bang magsorry?

Siguro kailangan ko na talagang magsorry sa kanya. Pero paano ko naman siya kakausapin eh, umiiwas nga siya sakin?

Aish. Bahala na nga mamaya!

Bumuntong hininga ako ng ilang beses tsaka yumuko sa pabilog na mesa dito sa park. Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang pagyugyog sakin ni Kate.

"Rid, gising. Nakatulog ka ba sa paghihintay? Pasensya na marami kasing tao sa cafeteria eh." Sabi ni Kate sakin tsaka inilapag ang pagkain sa table.

"Okay lang." Sagot ko sa kanya at napatingin kay Sky na nakatitig sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Footspa.

"Tara kain na tayo." Sabi ni Kate at ibinigay sakin ang pinabili 'kong pagkain. Dumukwat ako ng fries tsaka kinain ito. Bigla akong nawalan ng ganang kumain, kaya ininom ko nalang yung coke ko.

"Oh. Ayaw mo ba sa binili namin, Rid?" Tanong sakin ni Kate. Umiling lang ako sa kanya.

"Di naman sa ganun. Busog lang siguro ako." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako kay Sky nang magsalita ito.

"Kumain ka. Di mo inubos yung pagkain mo kaninang umaga kaya alam 'kong gutom ka." Sabi ni Sky nang di tumitingin sakin.

"Oo nga naman, Rid. Sayang din yung binili natin kung ayaw mong kainin." Sabi naman ni Kate sakin kaya napabuga nalang ako ng hangin at nagsimulang kumain.

•••

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming nagtungo sa room namin. Dumating din naman agad ang prof at nagdiscuss ito nang kung ano-ano.

"Okay class. This will be our last meeting dahil sa gaganaping school festival next week. Ibig sabihin lang na isang week kayong malaya. I hope you guys will enjoy the program. Class dismissed." Nakangiting sabi ng Prof samin at tsaka lumabas ng room.

Agad namang naghiyawan lahat ng mga kaklase namin, kasali na rin doon si Kate na hinampas-hampas pa si Sky sa balikat. Napapagitnaan kasi namin si Sky kaya abot na abot siya ni Kate.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa gilid ng bintana. Ano bang kaexcite-excite sa school festival? Siguro uuwi at tatambay nalang muna ako sa bahay. Namimiss ko na rin kasi sila Mama. Hays.

"Hoy!" Sigaw ni Kate at tinapik ako sa balikat.

"Hmm?"

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa tahimik ah." Sabi ni Kate sakin at tumingin sa kinaroroonan ni Sky. Nakaupo lang ito sa table niya at nakahalukipkip habang nakatingin samin ni Kate.

"Wala." Sagot ko sa kanya at tumayo. "Uuwi na ba agad tayo?" Tanong ko tsaka niligpit yung mga gamit ko.

"Uh. Di muna, Rid. May pinag-usapan kasi kami ni Sky kanina." Sagot ni Kate kaya agad akong napatingin sa kanya at napakunot ang noo. May pinag-usapan sila?

"Ano?" Tanong ko at tinignan si Kate. Napakagat naman ito ng labi tsaka tumingin kay Sky.

"Napag-usapan kasi namin na pagkatapos ng klase ay aalis muna kami. Maghahanap sana ng part time job." Sagot ni Sky. Napalingon ako sa kanya. Nakatitig lang ito sakin na walang kaemosyon-emosyon.

Umiwas ako nang tingin. "Ganun ba? Okay sige. Mauuna nalang ako sa inyo." Sabi ko at inilagay yung backpack ko sa balikat.

"Pwede ka namang sumama samin, Rid!" Sabi naman ni Kate sakin.

Ngumiti nalang ako sa kanya ng tipid. "Di, uuwi nalang ako. Inaantok na rin kasi ako eh. Sige, una na 'ko." Sabi ko. Di ko na hinintay ang sagot nila at lumabas nalang ng room.

Habang naglalakad ako palabas ng gate ay napalunok nalang ako nang ilang beses. Tangina. Naiiyak ako. Ano ba tong nangyayari sakin? Putcha.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bigat?

Ang weird mo, Lienne ha. Ano naman kung di ka pinapansin ni Sky? Ano naman kung magkasama sila? Ano naman kung mas close sila ni Kate kesa sayo? Kasalanan mo naman kung bakit nagka-ganun si Sky sayo eh. Ang sama mo kasing tao at master.

Di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko sa kakaisip. Takte. Kinuha ko yung panyo ko at pinahid yung luhang tumulo sa mga mata ko. Wala kang dapat iiyak, Lienne. Sino ba siya sa buhay mo? Isa lang naman siyang manika na dumating nalang bigla at ginulo ang buhay mo.

Pumara ako ng jeep at sumakay. Agad din naman akong nakarating sa Pad ni Kate at pumasok sa kwarto namin. Nilock ko muna ang pintuan tsaka nagbihis at humiga sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka tinawagan si Mama.

"Hello, Ma?" Bungad ko.

"Oh, anak? Buti napatawag ka. Kamusta kana?" Tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Okay lang naman ako, Ma." Pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman kung ganun. Inaalagaan mo ba ang sarili mo dyan?"

"Opo, Ma. Kayo po ba?" Tanong ko.

"Wag kang mag-alala samin, anak. Okay lang kami dito. Kailan ka ba bibisita dito?" Tanong ni Mama.

"Next week po siguro, Ma." Sagot ko.

"Basta anak kung may problema ka, sabihin mo agad samin ha?" Sabi ni Mama kaya bigla nalang tumulo yung luhang pinipigilan ko kanina pa.

"Opo. Sige na po, Ma. Kailangan ko munang ibaba to. Maghahanda pa po ako ng hapunan namin." Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang hikbi ko.

"Osya, sige anak. Babye na." Sabi nito.

"Bye po." Sabi ko at ibinaba ito. Tangina talaga.

Kinuha ko ang unan ko tsaka umiyak ng umiyak doon. Ano ba kasi 'tong litseng nararamdaman ko?

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now