Chapter 16: Annoyed

151 14 10
                                    

"Oh, ano? Edi totoo nga talaga ang hinala ko? Naku! Kung di ko ginawa yung pagpapanggap namin ni Sky wala sigurong ligawan na nangyayari ngayon? Tss." Malakas na sabi sakin ni Kate na ikinapula nalang ng buong mukha ko. Takte.

Oo, okay na kami ni Kate. Nagsorry din ako sa kanya sa inasal ko nung mga nakaraang araw. Kwinento ko rin sa kanya na ano, na manliligaw si ano, si Sky sakin. Hmp.

"Ano? Kilig-kilig kana ngayon fren? Eh putspa noon para kang toro kakadada at kakasigaw kay Sky? Minsan talaga di kita magets eh." Patuloy niya habang kumakain ng chocolate cake at tinuro-turo pa ako gamit ang tinidor niya.

"Pwede ba, Kate? Hinaan mo nga boses mo! Baka may makarinig!" Pabulong na sigaw ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Marami pa namang fangirls itong si Sky dito sa school.

"Speaking of Sky, asan ba siya?" Tanong sakin ni Kate.

Uminom muna ako ng coke bago siya sinagot. "Nasa gym, may try-out kasi sa basketball."

"Ha?! Sure ka ba dyan? Sasali siya sa varsity?!" Gulat na tanong niya sakin.

Napairap nalang ako. Ewan ko nga dun kay Sky eh. Kung makaasta parang di manika. Di ko nga alam kung marunong ba talaga siyang magbasketball. Bigla nalang kasing may lumapit samin kanina tapos tinanong siya kung pwede ba siyang magtry-out for varsity, umu-o lang agad ito na parang tuwang-tuwa pa talaga na pinatry-out siya sa basketball.

"Mukha ba 'kong nagbibiro, Kate? Totoo nga ang sinasabi ko." Sagot ko sa kanya.

"Nga naman. Matangkad din naman talaga yun si Sky kaya madali lang siyang targetin ng varsity coach." Kibit balikat niyang sabi.

Ipinagpatuloy nalang muna namin ni Kate ang pagkain nang biglang nagsitilian ang mga babae dito sa cafeteria kaya agad din naman akong napalingon sa pinag-guguluhan nila. Napatango nalang ako nang malaman ko kung sino ang tinitilian ng mga hipon.

Well, sino pa ba sa tingin niyo? Edi si Sky.

"Wow fren, famous na pala talaga ang manliligaw mo ano? Paano ba yan? Marami ka na ring kaagaw nyan?" Pabulong na sabi ni Kate sakin.

"Shut up, Kate." Sagot ko nalang sa kanya at di nalang pinansin si Sky na papunta sa direksyon namin.

Naramdaman ko nalang ang presensya ni Sky sa likod ko kaya napalingon ako dito. Ngumiti naman ito sakin tsaka umupo sa katabing upuan ko.

"Hi, Lienne. I miss you." Biglang sambit nito na siyang ikinapula ulit ng buong mukha ko.

Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga hipon sa likod ko na para bang nakakapatay na laser yung mga tingin nila. Footspa! Sobrang nakakahiya!

Umiwas nalang ako ng tingin kay Sky at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain ko na di ko pa nauubos. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kate at mga bulungan sa paligid namin.

"Oh my gosh, may girlfriend na pala yung gwapong transferee?"

"Baka nililigawan niya lang?"

"Hays! Akala ko magiging boyfriend ko siya, taken na pala!"

"Duh! Hindi naman sila bagay. Kami yung bagay!"

Napairap nalang ako. Mga neknek niyo! Eh ako nga yung niligawan diba? Tss. Mga desperada talaga!

"Oops. Don't mind them, Lienne. Tsaka yung kilay mo, pakibaba ng konti." Biglang sabi ni Sky sakin kaya agad namang napatawa si Kate.

"Hay naku, Sky. Alam mo naman yang bestfriend ko diba? Selosa at possessive? Wag ka nang magtaka pa." Sabi naman ni Kate. Ano raw? Selosa at possessive?

"Anong selosa at possessive pinagsasabi mo, Kate? Kailan pa ko naging ganyan ha?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Nung nakaraang linggo lang." Kaswal na sagot nito sakin na ikinangisi lang ni Sky. Nang marealize ko kung ano yung ibig sabihin ni Kate ay agad akong napaiwas ng tingin. Footlong. Kapag talaga binabalik nila yang topic na yan ay di ko maiwasang mahiya. Kailan pa ba nila makakalimutan yan? Tsk.

"Oh diba. Guilty si beshy! Hahaha." Sabi ni Kate at humalakhak. Binigyan ko nalang siya ng death glare para iparating sa kanya na kailangan na niyang tumahimik at agad din naman niya itong ginawa.

"Nga pala, about the try-out Sky. Pasok ka ba?" Tanong ko kay Sky na kasalukuyang iniinom ang coke ko.

"Hmm. Sabi nila next week pa raw ata i-aannounce yung nakapasok." Sagot niya sakin.

"Ganun ba? Uhm, gutom kana ba? Gusto mo bilhan ka nalang namin ng pagkain?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko kasing medyo napagod ito sa try-out.

"No! I mean, kaya ko naman. Tsaka di mo naman kailangang gawin yan. Ako nalang ang bibili ng pagkain ko. Wait." Nakangiting sabi nito at tsaka tumayo para bumili ng pagkain niya.

"Fren, ang swerte mo talaga kay Sky." Biglang sabi sakin ni Kate nang makaalis ito.

"Ba't mo naman nasabi yan?" Tanong ko

Humilig ito sa upuan niya at humalukipkip. "Mahahalata naman agad eh. Kung paano ka niya ituring, kung paano ka niya inaalagaan at sinusunod, grabe iba talaga eh." Sagot naman nito.

Di nalang ako umimik at nakinig nalang sa kanya.

"Nakakabitter tuloy alam mo yun? Yung feeling na, sana ako din. Sana ako din may manliligaw. Sana may Sky din sa buhay ko. Sana all! Hahaha." Patuloy na sabi ni Kate at pagkatapos ay humalakhak.

Napatawa nalang tuloy ako sa kagagahan ng babaeng to. "Baliw ka talaga!" Sigaw ko sa kanya at hinampas siya sa balikat.

"Aray naman fren! Namumuro kana talaga sakin! Sige ka, aagawin ko sayo si Sky!" Sabi nito na ikinanuot ng noo ko.

"Syempre joke lang! Sobrang seryoso mo naman! Basta talaga si Sky yung pinag-uusapan dito eh, sobrang possessive!" Sabi nito sakin at tumawa.

"Di nga ako possessive!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh, anong tawag mo dyan sa reaksyon mo? Wala lang? Parang nautot ka lang tapos walang nakarinig? Ganun?" Pilosopong sagot sakin ni Kate.

"Ewan ko nga sayo." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang pabalik na rin si Sky sa table namin bitbit ang isang tray na puno ng pagkain niya.

"Oh, anong nangyari sayo at ganyan na naman ang mukha mo?" Tanong sakin ni Sky tsaka nilapag ang tray na dala niya sa table.

"Wala." Sagot ko nalang at dumukwat ng dalawang pirasong french fries sa pagkain niya tsaka tumingin sa labas ng cafeteria. Magsama silang dalawa dyan.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now