Chapter 10: Smirk

180 28 22
                                    

"Sorry, Master. I won't do that again. Just don't be mad at me."

"Sorry, Master. I won't do that again. Just don't be mad at me."

"Sorry, Master. I won't do that again. Just don't be mad at me."

Nandito ako sa kwarto ko, nakatulala. Laging nag- rereplay yung sinabi sakin ni Sky kanina na para bang sirang plaka yung utak ko.

Bwesit naman kasi yung Sky na yun eh. Kung ano-ano nalang ang ginagawa't sinasabi! Mabuti nalang talaga at walang sinabi si Kate samin. Tsk.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Mama. May napag-usapan kasi kami kanina nila Kate. Kaya kailangan 'kong magpaalam kay Mama't Papa. Sana lang talaga at payagan ako.

Nakita ko si Mama sa sala. Sobrang busy ito sa paggawa ng tocino. Ibebenta niya siguro bukas. Si Papa naman nasa sofa nakaupo, nanonood ng basketball sa tv. Yung kapatid ko naman, ewan ko kung saan nagpunta.

Una ko munang nilapitan si Mama. "Ma." Sabi ko.

Napatingin din naman ito sakin. "Oh, anak? Bakit?"

"Uhm. Gusto ko po sanang magpaalam sayo." Sagot ko sa kanya habang kagat-kagat yung labi ko.

Nabigla naman ako nang biglang nag histerical si Mama. "Ano?! Magpapaalam kana?! Naku anak! Wag ka namang ganyan! Wag mo kaming iiwan ng papa mo! Ba't kaba magpapaalam? May sakit ka ba? Maglalaslas? Wag gan--" Naputol ang sinasabi ni Mama nang biglang tumayo si Papa sa sofa at pumunta sa kinaroroonan namin.

"Sinong magpapaalam?! Ikaw ba, Yang? Bakit?! Nagkulang ba kami sa iyo ng mama mo? Mahal ka naman namin anak!" Sabi naman ni Papa na parang naluluha na. Napairap nalang ako sa kawalan.

"Ma, Pa. Tumigil muna kayo pwede? Ang OA ninyong dalawa. Patapusin niyo po muna kasi ako." Sabi ko sa kanila at humalukipkip.

"Ano ba kase yan?!" Sigaw ni Mama sakin at napakapit kay Papa na paiyak-iyak pa.

"Gusto ko lang po sana magpaalam sa inyo, if pwede po bang dun muna ako matutulog sa Pad ni Kate pansamantala. Wala po kasi siyang kasama dun, kaya gusto ko sana siyang samahan." Pagsisinungaling ko sa kanila.

Ang totoo kasi niyan gusto akong patulugin ni Kate dun para naman daw may kasama siya at baka daw sapian siya bigla at magahasa niya si Sky. Mabuti na raw yung may pipigil sa kanya. Tsaka ayaw din niyang silang dalawa lang yung nasa Pad. Mas mabuti daw na nandun rin ako since kami naman daw yung close ni Sky kasi childhood friend daw kami. Pero syempre, kailangan 'kong magsinungaling na mag isa si Kate para payagan ako no.

"Ay, yun lang pala?" Sabi ni Mama at humiwalay kay Papa na para bang walang nangyari.

"Akala ko naman kung ano." Sabi naman ni Papa at pinunasan ang peke niyang mga luha.

"So, ano payag na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Kung si Kate yung makakasama mo ay wala naman kaming problema dun anak. Pero ang ibig sabihin mo ba ay di kana uuwi dito?" Tanong ni Mama sakin.

"Uuwi naman po ako dito. Pansamantala lang naman po akong titira sa Pad ni Kate habang may klase pa kami. Tsaka mas maganda nga po yun kasi medyo malapit lang yung Pad niya sa school namin. Babalik din naman po ako dito kapag walang klase." Sagot ko kay Mama.

Bumuntong hininga si Mama tsaka niyakap ako. "Basta bibisita ka dito ha? Tsaka tumawag ka samin. Wag kayong magpapabaya dun."

Tumango ako kay Mama at niyakap rin ito. "Oo naman po, Mama."

Lumapit din naman si Papa samin at nakisali rin sa pagyakap. "Tsaka anak, wag munang magboyfriend ha. Kung meron man, pakilala mo samin agad ng Mama mo para makilatis namin. Mag-iingat kayo dun ni Kate. Wag magpapagabi sa daan." Bilin din naman ni Papa sakin. Napangiti nalang tuloy ako.

"Opo. Ma, Pa. Di ko po yan kakalimutan." Sagot ko. "Tsaka ngayon na po ako aalis."

"Osya sige, maghanda kana dun at kumain bago umalis." Sabi ni Mama sakin. Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Mamimimiss ko tuloy kakulitan nila Mama't Papa. Hays.

•••

"Ma, Pa. Alis na po ako." Paalam ko nila Mama. Dala-dala ko yung Maleta at isang backpack ko.

"Okay sige, anak. Mag-iingat ka. Tawag ka agad kapag nandun kana ha?" Sabi naman ni Mama habang nakayakap kay Papa at nakatingin sakin.

"Opo, Ma." Sagot ko.

"Hoy, baliw. Wag kang gumawa nang ikakahiya dun sa Pad ni Ate Kate ha. Wag mong ipahiya yung pamilya natin." Sabi naman ni Suzette.

Napangisi nalang ako. "Mamimiss mo lang ako eh." Asar ko sa kanya.

"Yucks. Kadiri ka, Ate." Sagot naman nito.

"Osya osya. Sige na. Baka magabihan pa yang ate mo." Sabat ni Mama samin.

"Sige po, alis na ko." Paalam ko at kinawayan sila. Pagkatapos kong magpaalam ay agad din akong pumasok sa taxi na nakaparada sa labas ng bahay namin. Marami kasi akong dala kay kumuha si Papa nang taxi para di ako mahirapan.

Agad din namang umandar ang taxi at nagbyahe. Tinext ko na din si Kate na papunta nako sa Pad niya. Nagreply din naman agad ito.

"Dito na po." Sabi ko kay Manong tsaka ibinigay yung pamasahe ko. Pagkatapos kong magbayad ay agad din akong lumabas ng taxi at kinuha ang mga gamit ko at humarap sa Pad ni Kate. Nakita ko namang lumabas ito kasama si Sky.

Naglakad papunta sa kinaroroonan ko si Sky at kinuha yung maleta at backpack ko. "Let me handle this." Sabi niya. Napatingin naman ako kay Kate at nginitian niya lang ako nang nakakaasar.

"Mabuti naman at pinayagan ka nila Tita, Rid." Sabi naman ni Kate nang makapasok kami sa Pad niya. Malaki naman kasi yung Pad ni Kate.

"Oo nga eh. Nagdrama pa nga sila nung una, mabuti nalang at naintindihan nila yung rason ko."

Nakita ko si Sky na lumabas sa kwarto ni Kate. Dun kasi ako matutulog. Share kami ni Kate ng kwarto. Ginusto naman yun ni Kate, kaya bahala siya diyan.

Napalaki ang mata ko nang mahuli ako ni Sky na nakatingin sa kanya. Kaya agad akong umiwas ng tingin at humarap kay Kate.

"May sinasabi ka?" Tanong ko kay Kate para di masyadong halata.

"Huh? Wala naman akong sinabi ah." Nagtatakang sagot naman sakin ni Kate.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na ngumisi si Sky habang nakatingin sakin. Footspa! Nahalata niya nga! Psh.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now