Chapter 3: Gift

351 38 48
                                    

"Wednesday na ngayon pero di ko parin alam ang ireregalo ko kay Baby Ejay. Hays." Sabi ko tsaka inihiga ang ulo sa table.

Nandito kami ngayon ni Kate sa cafeteria. Break kasi namin at ginutom kami kaya nandito kami ngayon. Sinabi ko kasi kay Kate yung gaganaping birthday party ni Baby Ejay. Bukas na kasi yun eh. Magagalit yun sakin kapag wala akong regalo. Huhu.

"Eh ano bang hilig ng batang yun?" Tanong naman nito sakin habang iniinom yung mango shake niya.

"Di ko nga alam. Kung alam ko edi sana di nako namomroblema ngayon diba? Tsk! Gusto ko kasi unique yung ibibigay 'kong regalo. Nakukuha naman kasi niya lahat ng mga bagay at laruan na gusto nun eh. Gusto ko yung maiba naman." Sabi ko tsaka umayos ng upo at nilantakan yung fries ko.

"Maghanap ka ng alien tsaka ibalot mo sa malaking box tas ibigay mo sa kanya. Sure akong matutuwa yun. Unique yun eh." Sagot naman sakin ni Kate kaya tinignan ko nalang siya ng masama.

"Salamat ha. Nakakatulong ka talaga." Sarcastic na sagot ko sa kanya. Ba't ko pa kasi naisipang magpatulong sa babaitang to eh.

"Punta nalang tayo sa Mall pagkatapos ng klase. Maghanap tayo mamaya nang ireregalo mo dun." Sabi nito na kasalukuyang kinakain ang burger na binili niya kanina.

Wow! For the first time! Gumana ang utak ng babaeng to!

Pumalakpak ako kaya napatingin ito sakin. "Congrats! Nagamit mo na ulit yung utak mo, Kate."

Ngumuso lang ito sakin. "Grabe ka sakin, Rid ah. Para namang di moko bestfriend kung tratuhin."

"Ano ka ba. Wag ka nang magtaka. Pag bestfriend talaga ganito dapat yung tratuhan." Sagot ko sa kanya at inubos na yung pagkain ko.

"Tara na. Quiz pa naman natin sa calculus. Naku! Ang hina ko pa naman sa Math." Sabi ni Kate at pagkatapos ay tumayo na ito. Wala na akong choice kundi ang tumayo nalang din.

Naglakad na kami papunta sa room namin nang makita namin si Britney. Naglalakad ito papunta sa cafeteria. Siya yung leader nang mga mean girls dito sa school namin. Kasama niya yung mga kamyembro niyang mga kulto ata dahil ang kakapal ng mga kolorete sa mukha. Tss.

Lalagpasan na sana namin siya ni Kate nang tumigil ito sa paglalakad. Tumingin ito samin.

"Hey!" Tawag nito samin kaya napalingon kami sa kanya.

"Bakit?" Tanong ni Kate sa kanya. Tinignan lang kami nito mula ulo hanggang paa. Taena, ano bang problema ng babaeng to?

"You look like trash. Ang panget ng fashion niyo. Sure ba kayong studyante kayo dito? Para kasi kayong mga pulubi." Biglang sabi nito na ikinalaki ng mata namin ni Kate. Teka, anong sabi ng babaeng to? Pulubi? Kami?

Naghahanap ba to nang away? Pwes, pagbibigyan ko siya.

"Wait." Sabi ko at tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa tapos ay ngumisi ako nang nakakauyam. "Look who's talking. Sure ka rin bang fashion kung matatawag yang outfit at make up niyo sa mukha? Para kayong mga clown na naligaw dito sa school nato. Bumalik nga kayo sa perya at dun maghasik ng lagim. Mga attention seeker!" Ulit kong sabi sa kanya.

Nakita ko namang nanlaki ang mata nito. "What did you say?!" Sigaw nito samin. Natawa nalang ako. Madali palang maasar 'tong babaeng to eh.

"Wow. Bingi ka din pala." Sagot ko sa kanya.

"Fvcking stupid bitch!" Sigaw nito sakin at kulang nalang ay hatakin niya ko at hilahin yung buhok ko.

"Frankly, my dear, I don't give a damn." Sagot ko sabay hawi ng buhok 'kong maganda at ngumiti sa kanya.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now