Chapter 19: First Kiss

152 13 5
                                    

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko?" Tanong ni Papa kay Sky.

"Opo, Tito. Seryoso po ako sa anak niyo. Kaya nga po ako nandito para humingi ng permiso sa inyong dalawa ni Tita na liligawan ko po si Lienne." Nakangiting sagot naman ni Sky kay Papa.

Nagkatinginan muna si Mama at Papa pagkatapos ay tumingin sakin. "Gusto mo ba talaga si Sky, anak?" Tanong ni Mama sakin.

Napalunok ako pagkatapos ay yumuko. "O-Oo naman, M-Ma." Sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nilang dalawa. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Papa. "Kung ganun ay wala na akong magagawa pa." Sabi nito kaya agad naman akong napaangat ng tingin.

"Nandito kaming mga magulang para tulungan ang aming mga anak sa gagawin nilang desisyon, pero hindi ibig sabihin nun na kami na ang gagawa nang desisyon para sa kanila. Kaya Sky, iho, narinig naman natin pareho na gusto ka ng anak ko kaya wala na akong magagawa pa dun. Ang hiling ko lang sayo, ay sana wag mong pabayaan ang anak ko at wag na wag mo siyang sasaktan." Mahabang sabi ni Papa kay Sky.

Agad namang tumango si Sky at ngumiti ng malapad. "Hindi po ako mangangako, Tito pero gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko para pasayahin at ingatan ang anak niyo."

"Mabuti naman kung ganun." Nakangiting sagot ni Papa at yumakap kay Mama. "Love, malaki na talaga ang panganay natin. May manliligaw na. Hahaha."

"Papa naman!" Reklamo ko. Nakakahiya talaga!

"Ano ka ba naman anak. Wag mo ngang ikahiya itong si Sky. Nakikita ko namang mabuting tao itong batang to. Tsaka napaka-gwapo nitong si Sky, dapat pa nga maging proud ka sa kanya kasi siya yung manliligaw mo anak eh." Sabi ni Mama at tumawa sila ni Papa.

"Ewan ko sayo, Ma." Sabi ko nalang at humalukipkip. Naramdaman 'kong nakatingin si Sky sakin kaya agad akong napalingon dito. "Bakit?"

Umiling lang ito sakin at ngumisi. "Wala naman. Ang ganda mo kase."

Naramdaman ko nalang bigla ang pag init ng buong mukha ko. Umiwas ako ng tingin. "S-Sinungaling."

Nagtawanan naman sila Mama't Papa. "Naku! Kinikilig ang anak ko oh. Hahaha." Sigaw ni Mama.

Di ko nalang sila pinansin at tumayo nalang. "Pupunta lang muna ako sa CR." Sabi ko at nagsimula nang maglakad. Takte. Nakaisa siya dun ah.

•••

"Masaya ka ba?" Tanong ni Sky sakin habang naglalakad kami papuntang highway. Pagkatapos kasi naming mag-usap nila Mama't Papa ay agad din namang nagluto si Mama para sabay-sabay nalang daw kaming kumain ng dinner. Syempre di namin sinabi sa kanila na nasa iisang bubong lang kami nakatira ni Sky. Baka pauwiin ako nang wala sa oras eh.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Masaya din ako." Biglang sabi nito kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakita ko itong nakangiti habang naglalakad.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

"Kasi hinayaan mokong ligawan kita." Sagot nito at tumingin sakin. Napakurap ako ng ilang beses nang nagtagpo ang mga mata namin.

"A-Ang ganda talaga ng mga mata mo." Sabi ko sa kanya habang nakatitig parin sa kanya.

Ngumiti ito sa sinabi ko. "Gusto mo bang hawakan?"

Napakunot naman ang noo ko. "Pwede ba yun?"

Tumawa naman ito. "Oo naman. Pero pipikit ako."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumikit agad ito. "Sige na, hawakan mo na." Sabi nito. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang hawakan ang mga mata nito habang nakapikit.

"What does it feel?" Tanong nito habang nakapikit.

Sa di malamang dahilan ay napapikit din ako. "O-Okay lang naman." Sagot ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya kaya agad akong napakapit sa braso niya. Didilat na sana ako nang pigilan niya ako.

"Don't. Don't open your eyes, Lienne. Not yet." Sabi nito at naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa mukha ko at ang paglapat ng labi nito sa labi ko.

Di ako makagalaw. Parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko at nanghihina ang katawan ko. Nakita ko nalang ang sarili 'kong tumutugon sa mga halik niya. It's so warm and addicting.

Napakapit ako sa batok niya habang unti-unting lumalalim ang halik niya. Nanghihina ako kaya naramdaman ko nalang ang paghawak ni Sky sa bewang ko para suportahan ang katawan ko.

Kinagat niya ang labi ko kaya napaungol ako. Shit, nakakabaliw ang halik niya!

Bigla itong humiwalay kaya bigla akong napadilat. Nakatitig lang ito sakin habang ako naman ay nakakapit parin sa batok niya at hinihingal.

"I'm sorry. Di ko napigilan ang sarili ko." Nahihiyang sabi nito.

Di ako sumagot at nakatitig lang ako sa mata niya na para bang nahihipnotismo ako. Ilang segundo ang lumipas nang marealize ko ang posisyon naming dalawa. Agad akong napabitaw sa batok niya at sinuklay ang buhok ko. Putspa! Ano bang ginagawa ko?!

"S-Sorry." Sambit ko at umiwas ng tingin sa kanya. Tangina, naghalikan kaming dalawa?! Nandito kami sa daan for pete's sake!

Tumawa ito ng mahina. "Its okay." Sabi nito. "Tara na umuwi na tayo, baka ano pang magawa ko sayo."

Napahawak ako sa pisngi ko. Oh shit. Nakakahiya ka Lienne! Ang rupok mong babae ka!

Binilisan ko ang lakad ko at naramdaman ko namang nakasunod lang ito sakin. Jusko po.

"Lienne." Tawag sakin ni Sky kaya agad naman akong napalingon dito.

"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga paa ko. Nahihiya ako. Hays!

"Don't do that again." Sabi nito na siyang ikinataka ko. Ano bang di ko dapat gawin?

"Ang alin ba?" Tanong ko sa kanya.

"Your fucking moan. It turns me on, Lienne." Sagot nito at umiwas ng tingin sakin. Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya at tumalikod. Wtf, Sky!

"D-Don't worry. D-Di ko na gagawin ulit yun." Sagot ko at naglakad ulit ng mabilis papuntang highway.

Juice colored! Nakakahiya ka na talaga, Lienne!

"Wait, Lienne! Hintayin moko!" Sigaw ni Sky sa likod ko.

Bahala ka dyan. Bwesit ka. Kasalanan mo naman talaga lahat nang to eh. Kung di kasi sa pisteng papikit-pikit mo, edi wala sanang nangyari!

Nang makarating nako sa highway ay agad akong napatigil. Bigla akong napahawak sa labi ko at napapikit nalang ako nang may marealize ulit ako.

Wtf. Sky, stole my first kiss.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now