Chapter 17: Courting

126 13 10
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang classroom nang biglang tumambad sa harap namin si Britney kasama ang mga kulto niya.

"Look who's here." Maarteng sabi nito tsaka humalukipkip. Napataas nalang ang kilay ko.

"Pwede ba, Britney? Ang aga-aga pa para magpapansin samin." Sabi ko sa kanya. Nakakairita.

"Excuse me? Di naman kami nagpapapansin kasi kapansin-pansin naman talaga kami. Right girls?" Sabi nito at sumang-ayon naman agad ang mga alipores niyang mga langaw. Ngumisi lang ito sakin pagkatapos ay nabaling naman ang atensyon nito kay Sky.

"Oh, the famous transferee! May I know your name handsome?" Malanding tanong ni Britney kay Sky at akmang lalapit sana ito sa kanya nang pigilan ko ito.

"Isang hakbang lang Britney at mababalian ka talaga ng buto." Sabi ko at humarap sa kanya.

Naramdaman ko namang napapatingin na samin ang ibang studyante. Yung iba naman nagchecheer pa. Napairap nalang ako sa kawalan. Papansin talaga itong mga kultong to.

Nakita 'kong nag iba yung ekspresyon ni Britney sa sinabi ko. "Akala mo siguro nakalimutan ko na yung pagpapahiyang ginawa mo samin, Ms. Tee." Sabi sakin ni Britney na mukhang lalabas na ang sungay sa galit.

"Sino bang makakalimot sa nangyari, Britney. Eh napahiya ka nga nun diba?" Sagot ko.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila sakin ni Sky. "Tumigil kana, Lienne. Hayaan mo nalang sila. Tara na."

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Sandali nalang, Sky. Wag kang mag-alala." Sagot ko at tumingin sa mga kasama ni Britney. "Kayo naman, ano? Habang buhay nalang kayong sunod-sunuran sa impaktang to?" Tanong ko sa kanila at tinuro si Britney.
"Ginagawa lang kayong utusan nito. Magtira naman kayo ng konting awa sa mga sarili niyo."

"Anong sabi mo?! You fvcking ugly bitch!" Sigaw sakin ni Britney na sinuklian ko lang ng isang plastik na ngiti.

"I would love to slap you, Britney but that would be animal abuse." Sabi ko. "Palalagpasin muna kita ngayon pero sa oras na gagawin mo ulit ito..."

"...Sisiguraduhin 'kong wala kanang mukha na maipapakita pa sa skwelahang to." Patuloy na sabi ko at hinila si Sky at Kate paalis.

Narinig ko namang sumigaw si Britney. "You'll pay for this, Yngrid!" Sigaw nito na ikinairap ko lang. Duh, as if naman natatakot ako.

Nang makarating na kami sa classroom namin ay agad namang nagsalita si Sky. "Sana di mo nalang siya pinatulan, Lienne."

Napatingin naman ako sa kanya. "Sky, sumusobra na si Britney. Ayokong pati ikaw pagdiskitahan ng malanding yun!" Sagot ko sa kanya. Ngumiti lang ito sakin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan niya 'ko sa tuktok ng ulo. "Wag kang mag-alala. Di naman niya ako maaagaw sayo." Sagot nito at kumindat sakin.

"Aray!" Biglang sigaw ni Kate kaya agad kaming napalingon dito.

"Bakit, Kate? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya na kasalukuyang hinahampas yung mga binti niya. Pagkatapos niyang gawin yun ay bigla itong tumingin samin at ngumiti nang nakakaloko.

"Sobrang sweet niyo kase, nilalanggam tuloy ako dito." Sagot nito at humalakhak. Napatawa nalang din si Sky sa sinabi ni Kate.

"Baliw talaga." Sagot ko nalang at umiwas ng tingin na mas lalong ikinahalahak ng mga ito.


•••

Pagkatapos ng klase ay agad namin napagdesisyunan na mag grocery muna. Ubos na rin kase yung stock namin. Ang lakas kasi kumain ni Sky. Jusko, pang tatlong tao ata yung kainan niya eh.

"Saan tayo mag go-grocery?" Tanong ko kay Kate.

"Dyan nalang siguro sa Puregold, malapit lang eh." Sagot naman ni Kate habang nilalagay yung mga gamit niya sa bag.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Sky na kasalukuyang nakatingin samin ni Kate. "Sasama ka pa ba samin? O uuwi ka na?" Tanong ko.

Ngumiti naman ito. "Sasama ako, syempre." Sagot nito at kinurot ang pisngi ko.

Pagkatapos naming magligpit ng gamit ay agad din kaming naglakad palabas ng skwelahan at sumakay ng jeep. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din naman agad kami.

Kumuha ako ng cart at tumingin-tingin sa paligid. Nasa unahan si Kate at si Sky naman ay nakabuntot sakin. Nabigla nalang ako nang kunin ni Sky ang cart mula sakin kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Ako na magdadala para di ka mabigatan mamaya." Nakangiting sabi nito at nginitian ulit ako. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Putspa. Oo na, ikaw na ang sweet at gentleman, Sky. Tss.

"Ano bang ulam natin mamaya?" Tanong ni Kate habang tumingin-tingin sa meat section.

Napaisip ako. "Hmm. Chicken Curry kaya? Matagal-tagal na rin akong di nakakakain nun." Sagot ko sa kanya.

Bigla ko tuloy naaalala si Mama. Paborito kasi namin lutuin yun kapag pareho kaming may free time. Nakakamiss tuloy bigla. Hays

Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Sky sakin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Namimiss mo Mama mo?" Sabi nito.

Nabigla naman ako. "P-Paano mo nalaman?"

Tumawa lang ito. "Ang dali mo lang kasing basahin. Lalo na kapag malungkot ka."

Bumuntong hininga nalang ako. "Namimiss ko na talaga sila Mama. Matagal-tagal na rin nung nakauwi ako dun." Sabi ko.

"Edi bumisita tayo bukas." Biglang sabi nito na ikinalaglag lang ng panga ko. A-Ano? B-Bibisita? Kasama siya?

"S-Seryoso ka ba?" Tanong ko. Nababaliw na ata 'tong manikang to eh!

Napakunot naman ang noo nito habang nakatingin sakin. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"

"B-Baka anong isipin nila kapag nakita ka nila, Sky." Sambit ko.

Napa-aray nalang ako nang pitikin niya ang noo ko. "Pupunta tayo sa inyo na kasama ako, sa ayaw at sa gusto mo, Lienne." Sabi nito.

"Hindi nga pwede! Baka anong isipin nila!" Sigaw ko sa kanya. Di ata nag-iisip itong kumag na to eh.

"Edi sasabihin 'kong nililigawan kita. Ayaw mo nun? Aakyat ako ng ligaw sa bahay niyo?" Sagot lang nito sakin na ikinabilis nang pagkabog ng puso ko.

Naputol ang pag-uusap nami ni Sky nang tinawag kami ni Kate sa di kalayuan kaya agad kaming napalingon dito.

"Hoy! Love birds! Kanina pa kayo dyan ah! Tulungan niyo naman akong magrocery! Nakuu! Ang lalandi niyo! Kurutin ko mga singit niyo diyan eh!" Sigaw samin ni Kate na sadyang ikinihiya namin ni Sky pareho. Ang lakas ba naman ng boses ni Kate kaya rinig na rinig ng ibang tao dito sa grocery!

Wala na kaming nagawa ni Sky kundi ang lumapit sa kinaroronan ni Kate. Pero bago ako makarating kay Kate ay naramdaman ko nalang bigla ang pagbulong ni Sky sakin.

"Magpapakilala ako sa magulang mo bukas, Lienne at sisigiraduhin 'kong papayag sila na ligawan kita."

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now