Chapter 5: The Doll

319 38 43
                                    

Finally, mga readers. Magsisimula na talaga ang totoong storya. Hihi. Beware. ~

---

Pagod at inaantok na talaga ako. Huhu. Gusto ko nalang humiga at matulog. 11 PM na rin kase nang makauwi kami mula sa party.

Nag explain na din ako kay Baby Ejay na nakalimutan ko yung regalo niya sa bahay kaya ibibigay ko nalang sa susunod.

"Pa, buksan niyo na po. Gusto ko na talagang humiga." Sabi ko kay Papa na kasalukuyang nagbubukas ng pintuan namin.

"Chill ka lang dyan anak. Eto na nga, binubuksan ko na oh." Sagot ni Papa habang hinahanap yung susi sa pintuan namin. Nang makita niya ito ayad niya itong binuksan. "Oh ayan na." Sabi nito.

Di nako nagpaalam sa kanila at dumiretso nang pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad akong humiga sa kama kahit na suot ko pa yung dress at sapatos ko.

"Sa wakas naman. Nakauwi narin." Bulong ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Nag-enjoy naman talaga ako sa party kaso napagod lang ata talaga ako kaka-show off sa beauty ko dun. Si Tita Rose naman kase eh. Lagi kaming hinihila ni Suzette kung saan-saan. Pinapakilala niya kami sa kung sino-sino. Kesyo ang ganda daw ng mga pamangkin niya ganern.

I know, Tita. Di mo na kailangang ipalandakan sa iba na maganda yung lahi natin. Charowt. Hahaha.

Tumayo nalang ako para magbihis. Kukuha na sana ako ng damit ko sa cabinet nang may napansin ako rito. Oo nga pala, yung regalo ko naiwan ko s--

"WAAAAAAAAH!" Sigaw ko na halos lumabas na yung vocal chords sa bunganga ko.

Agad 'kong sinara yung cabinet tsaka sinandalan ito. Muntik na kong matumba nang biglang pumasok si Mama't Papa sa kwarto ko.

"Yang! Anong problema? Bakit ka sumisigaw?!" Panic na sabi ni Papa sakin.

"May magnanakaw ba?! Ano sumagot ka anak?!" Sigaw naman ni Mama sakin kaya wala akong choice kundi pakalmahin ang sarili ko at ngumiti nang pilit sa kanila. Di ko alam kung anong itsura ng ngiti ko pero wala na akong pakialam! Ako ang malalagot kila Mama pag nalaman nila!

"Pasensya na po Ma, Pa. Nakakita lang po ako ng ipis. Hehe." Sabi ko sa kanila habang tumutulo na yung pawis ko sa noo at leeg ko.

Tinignan nila ako na parang naninigurado. "Sure ka anak?"

Naramdaman ko ang kalabog sa loob ng cabinet ko. Kaya tumango nalang ako ng mabilis sa kanila. Taena! Kailangan na nilang umalis sa kwarto ko!

"Teka, ano yun?" Biglang sabi ni Mama habang lumilinga-linga sa loob ng kwarto ko.

"Ang alin, Love?" Nagtatakang tanong naman ni Papa kay Mama. Napakagat labi nalang ako. N-Narinig ba nila yung kalabog? Lagot na!

"Parang may narinig akong kalabog eh. Di ko alam kung saan." Sabi ni Mama at napatingin ito sa cabinet ko.

"Parang nandito ata galing sa cabinet yung kalabog." Sabi ni Mama at akmang lalapit na sana nang pigilan ko siya.

"Ha-ha! Hay naku, Ma. Ako po yun. Sinisipa ko lang yung cabinet ko. Sige na po. Okay lang ako. Pwede na po kayong lumabas. Goodnight po!" Sabi ko sa kanya sabay tulak sa kanila palabas ng kwarto ko.

Pagkatapos nilang makalabas ay agad kong sinara at nilock ang kwarto ko. Napabuga nalang ako ng hangin, muntikan na yun ah. Hays!

Agad naman akong lumapit sa cabinet at binuksan ito. Di ko maiwasang mapanganga nang makita ko ang lalake sa loob ng cabinet ko. Hindi picture ng isang lalake, kundi isang literal na tao!

"A-Anong ginagawa mo sa cabinet ko?! Ba't ka nandyan?! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?!" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Tumingin lang ito sakin gamit ang kulay abo niyang mga mata. Bigla namang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang magsalita ito.

"You're the one who put me inside this cabinet, Master. Don't you remember?" Sagot nito sakin at lumabas ng cabinet ko. Napanganga nalang ako nang tuluyan na nga itong makalabas.

Matangkad ito at may matipunong katawan. Maputi at matangos din ang ilong nito. Manipis din ang mapupula nitong labi. May makapal na kilay at may kulay abong mga mata na para bang hinihigop ka sa tuwing tinititigan ka niya. In short, isa siyang anghel!

"A-Anong m-master p-pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang umaatras.

"I'm here, so that means you are my master. I'm here to obey you, your highness." Sabi nito at yumuko sakin.

Napanganga nalang ako sa ginawa niya. Wtf! Binabangungot ata ako! Wala akong pakialam kung gwapo at mukhang anghel itong lalaking nasa harap ko. Ang gusto ko ay magising na sa bangungot nato!

Sinampal-sampal ko ang sarili ko baka sakaling magising ako sa katotohanan. Pero pagdilat ko ay nandito parin ito sa harapan ko. Nakatingin-- ay hindi, nakatitig ito sakin!

"What are you doing?" Sabi nito sakin pagkatapos ay naglakad palapit sakin.

"W-Wag! W-Wag kang l-lalapit!" Sabi ko sa kanya habang umaatras. Bigla nalang akong napaupo nang umabot nako sa kama ko kakaatras.

Nanlaki ang mata ko nang makalapit ito sa kinaroroonan ko. Tinignan lang ako nito habang ako naman ay napatingala sa kanya. Bigla nitong itinaas ang kamay niya kaya agad akong napapikit.

Panginoon, wag niyo po sana akong pabayaan, ayoko pa pong mamatay! Magpapakabait na po ako! Di ko na aawayin ang kapatid ko! Tutulungan ko na pong magbenta si Nanay araw-araw ng mga kakanin at barbeque niya! Magiging mabait na po ako kay Kate. Wag niyo lang po sana akong hayaan mamatay sa kamay ng lalaking to! Gusto ko pa pong mag-asawa at magkaana--

Naputol ang taimtim kong pagdadasal nang maramdaman ko ang kamay ng anghel nato sa pisngi ko. Napadilat ako nang magsalita ito.

"Does it hurts? Please, don't hurt yourself again, Master." Sabi nito habang nakahawak parin sa pisngi ko yung mga kamay niya. Sobrang lapit ng mga mukha namin kaya di ko maiwasang mapatitig sa kanya at mapanganga. Diyos ko po! Binabawi ko na, pwede niyo na po akong kunin. Nakakamatay po kasi yung kagwapuhan niya.

Nang marealize ko yung posisyon namin ay agad ko siyang tinulak. Agad din akong tumayo at lumayo sa kanya. Pumikit muna ako pagkatapos ay huminga ng malalim.

Hindi pwede to, kailangan kong malaman kung anong ginagawa niya dito at kung anong kailangan niya sakin.

"I want to ask you some questions, so please answer me honestly." English 'kong tanong sa kanya. Aba, english kasi ng english eh baka di makaintindi ng tagalog.

Napakunot ang noo nito. "What is it, Master?"

"What are you doing here? When did you get here? Paano ka nakapunta dito? Stalker ba kita?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Sorry po, di ko na keri mag english eh. Siya na bahalang mag adjust at umitindi sa tanong ko.

"I already answered your question, Master. I'm here because you are my Master and I'm here to serve you."

Napahalukipkip ako. "Eh paano ka nakapunta dito?"

"Yesterday. Nang ibigay ako ni Grandma sayo." Sagot nito sakin na ikinanganga ko lang.

"MARUNONG KA PALANG MAGTAGALOG?!" Gulat na sigaw ko sa kanya.

Takte. Marunong palang magtagalog 'tong lalaking to eh. Pinahirapan pako kanina kaka-english!

"At tsaka excuse me lang ha? Di ka niya binigay sakin, ibinenta ka ni--" Napatigil ako nang may narealize ako sa sinabi niya.

Ano raw? Binigay ng matanda sakin? So ibig sabihin...

"IKAW YUNG MANIKA NA BINILI KO KAHAPON?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"You got it right, Master." Sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now