Chapter 11: Tease her

185 28 25
                                    

Sky's POV

Natawa nalang talaga ako habang tinitignan si Lienne na namumula at umiwas ng tingin sakin. Pft.

"May sinasabi ka?" Tanong niya kay Kate. Akala niya siguro di ko siya nahahalata sa tuwing tinitignan niya ako. Hahaha.

"Huh? Wala naman akong sinasabi ah." Sagot naman ni Kate na parang nagtataka sa inaasal ni Lienne. Ayaw niyang tawagin ko siyang Master eh, kaya sinunod ko nalang yung gusto niya.

Natawa nalang ulit ako at napangisi sa naging reaksyon niya. Naalala ko tuloy yung ginawa 'kong pagpapanggap sa kanya nung unang beses na naging tao ako. Hahaha. Akala niya talaga sobrang cold yung ugali ko. Pinipigilan ko nga lang tumawa nun eh.

Sa tagal-tagal ba naman kasi ng pagsusubaybay ko sa mundo ng mga tao kasama si Grandma, syempre alam na alam ko na yung mga ugaling gustong-gusto ng mga tao, lalo na sa mga babae.

Gusto kasi nila yung lalaking cold o misteryoso kasi nacha-challenge sila. Gusto rin nila yung lalaking pa hard to get at di nakukuha sa mga pacute at pangiti-ngiti ng mga babae. Kaya ayun, naisipan ko nalang na gayahin ang ugaling yun kahit sa totoo ay isang mapang-asar at makulit talaga akong tao, ay este manika pala. Pft.

Nga pala, pagkatapos naming kumain ni Kate kagabi ay agad akong pumasok ng kwarto kasi alam kong hinihintay nako ni Grandma sa loob. Ba't ko alam? Syempre malakas presensya niya eh.
 

--- FLASHBACK ---

"Sky." Tawag sakin ni Grandma pagkapasok ko.

"Grandma. Ba't naparito ka?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ay sumandal sa dingding.

"Kamusta na ang misyon mo? Napaliwang mo na ba sa Master mo? Kay, Lienne?"

Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Opo, Grandma. Nagulat pa nga ito nung una pero syempre ano bang ini-expect natin sa mga tao? Mabilis silang matakot, buti nalang talaga at kumalma ito kung hindi ewan ko nalang at saan ako pupulutin ngayon."

Napatawa naman ito. "Mabuti yun. Nga pala, nandito ako ngayon para sabihin sayo na papasok ka sa skwelahang pinag-aaralan ng Master mo."

Napakunot naman ang noo ko. "Huh? Bakit naman? Kailangan pa ba yun?"

"Aba, syempre. Dapat mong tulungan si Lienne na mahanap yung totoong ikakasaya ng puso niya, yun yung misyon mo kaya nandito ka diba? Paano mo siya matutulungan at mababantayan kung malayo ka sa kanya? Isip-isip nga minsan, Sky. Nakakabobo ka, alam mo yun? Tsk." Naiinis na sagot nito sakin. Napakamot tuloy ako sa ulo. Si Grandma talaga oo, sobrang harsh parin talaga sakin.

"Oo na po, Grandma. Pero paano ako papasok dun? Eh wala nga akong pera? Nakitira na nga lang ako dito sa kaibigan ni Lienne eh. Mabuti na nga lang at pumayag ito."

Ngumisi si Grandma sakin kaya agad na nagsitayuan yung buhok ko sa kamay, sa paa, sa batok at kung saang buhok pa sa katawan ko. Takte. Alam ko yang ngisi na yan. Alam na alam ko yan.

"Don't worry my dear. Ako na ang bahala." Sabi nito tsaka humalakhak at bigla nalang nawala sa hangin.

--- END OF FLASHBACK ---

Kaya ayun, nakita ko nalang kaninang umaga yung magiging gamit ko sa ibaba ng kama ko. Buti nalang talaga at may kasama itong pera. Dapat lang naman, naaawa na talaga ako sa sarili ko dito eh.

"Sky!" Tawag sakin ni Kate kaya agad akong napabalik sa realidad. Takte naman oo, ang layu nang narating ko sa pagmumuni-muni.

"Bakit?" Sagot ko sa kanya at lumapit sa kanilang dalawa.

"Ikaw na ang tumulong kay bff na mag-ayos ng mga gamit niya sa kwarto ko ah. Mag-ccr muna ako, natatae na ako eh." Sabi nito sakin tsaka naglakad papasok ng Cr. Napatingin naman ako kay Lienne na abala sa pag-iwas ng tingin sakin. Hahaha. Maasar nga to.

Tumabi ako sa kanya at kinalabit ito. "Oy, Master."

Napatingin naman ito sakin habang nakataas ang kilay. "Oh, bakit?" Irita niyang sagot.

"Narinig mo naman yung sinabi sakin ni Kate diba? Tutulungan daw kitang mag-ayos ng mga gamit mo sa kwarto niyo." Sagot ko sa kanya at nginisihan ito.

"Pwede ba? Wag mokong mangisi-ngisihan. Naiirita ako sa tuwing ginagawa mo yan!"

"Nung una yung pag-eenglish ko, ngayon naman yung pangisi ko? Bakit? Ano bang problema sa ginagawa ko? Nasasaktan ka ba ng ngisi ko? Diba hindi naman?" Sagot ko sa kanya na ikinainis pa lalo nito. Hahaha. Mas ginaganahan tuloy akong mang-asar sa kanya eh.

"Basta! Wag kanang magtanong! At tsaka diba, Master mo 'ko? Sumunod ka nalang sa gusto ko!" Sigaw nito sakin at inirapan ako.

"Hahaha. Okay okay." Taas kamayng sagot ko sa kanya. "Halika na, mag-ayos na tayo ng mga gamit mo."

Tumayo ito sa pagkakaupo niya at tinignan ako nang naiinis. "Wag mo na akong tulungan. Kaya ko naman, di naman ako baldado."

"Pero tulungan nga daw kita sabi ni Kate." Sabi ko.

"Bakit? Siya ba yung amo mo? Diba ako naman? Sakin ka sumunod, di sa kanya! Gets mo?!" Sigaw nito sakin at pumasok sa loob ng kwarto.

Pagkapasok niya sa kwarto ay malakas niyang isinara yung pinto kaya agad akong napatawa ng malakas. Takteng yan! Hahaha. Di ko alam kung naiinis lang ba yun sakin o nagseselos? Baka both?

Napatingin ako sa CR nang bumukas ito at iniluwa si Kate na kakatapos lang atang magjebs.

"Oh? Saan si, Rid?" Nagtatakang tanong niya.

Tinuro ko yung kwarto niya. "Nasa loob. Sinusumpong na naman ata. Hahaha." Sagot ko.

"Ewan ko ba sa inyo. Simula nang dumating ka naging mainisin na yun si bff. Akala ko ba mag childhood friend kayo? Eh bakit lagi kayong nag-aaway at nag-iinisan?"

"Ganyan lang talaga kami, Kate. Ako yung nang-aasar tapos siya naman yung naaasar." Sabi ko at tumawa.

"Ewan ko nga sa inyong dalawa. Ang gulo niyo!" Sagot nalang ni Kate at pumasok sa kwarto nila.

Napangisi nalang ako nang makapasok ito. Laughtrip talaga inisin yung amo ko. Hahaha. Nag-eenjoy na tuloy ako dito sa mundo ng mga tao.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now