Chapter 8: Kate's Little Kindness

191 31 29
                                    

"Haaay naku! Buti nalang talaga at nakalabas tayo nang di nahuhuli." Hinihingal na sabi ko sa kanya.

Ikaw ba naman tumakbo ng tumakbo, tignan natin kung di kaba hihingalin. Tsk.

"Ang problema nalang natin ngayon ay kung saan ka muna pwedeng tumira. Kung mag apartment ka na lang kaya? May pera ka ba dyan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang ito sakin. "I don't have money."

Napapikit nalang ako. Hays! Saan ko ba pwedeng patirahin 'tong manikang to? Kung tawagan ko nalang kaya si Kate? Tama nga!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng short ko. Buti nalang talaga at nadala ko to kanina. Agad 'kong pinindot ang pangalan ni Kate para tawagan siya.

"Hello babae?" Sabi ko.

"Oh, ba't napatawag ka Rid? May kailangan ka no?" Sagot naman nito sa kabilang linya.

"Paano mo nalaman?"

"Sa tagal ba naman nating magkasama, syempre alam na alam na kita no. Oh, ano na naman yan?" Sagot nito sa kabilang linya na ikina-ismid ko nalang. Grabe to sakin ah.

"Diba ikaw lang mag-isa dyan sa pad mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit? Dito ka matutulog?" Tanong naman nito sakin na ikinangisi ko nalang. Good. Hulog ka talaga ng langit Kate. Hihi.

"Pupunta ako dyan. May sasabihin ako sayo." Sagot ko lang sa kanya at binabaan siya. Sinadya ko talaga yun para di na siya maka-angal kapag nandun na ako.

"Mukhang siniswerte ka ata ngayon, Sky. Hahaha. Halika na. May pupuntahan tayo." Sabi ko sa kanya.

"Where are we going?" Tanong nito na nakakunot-noo at pawis na pawis. Hala. Ba't ngayon ko lang napansin na pinagpawisan pala ito habang tumatakbo kami kanina? Pero shet, ang gwapo niya paring tignan kahit pawisan siya.

"Hoy, manika. Punasan mo nga yang pawis mo." Sabi ko sa kanya kaya agad niya namang pinunasan ito gamit ang palad niya. Tss. Wala naman kasi akong dalang panyo eh.

"Tapos kana? Tara na." Aya ko sa kanya at hinila siya. Ang bagal naman kumilos nito. Manika nga talaga. Psh.

Napatingin ako sa kanya nang di siya umalis sa kinatatayuan niya. Nakatingin lang ito sakin gamit ang mata niyang walang emosyon pero nakakunot naman ang noo nito. Anong trip nito?

"Oh, anong problema mo?" Tanong ko sa kanya at binitawan siya.

"I said, where are we going?"

Napabuga nalang ako ng hangin. Jusko po. Baka maubusan na talaga ako ng dugo nito kakaintindi sa sinasabi ng lalaking to. Potek naman.

"Pwede ba, Sky? Sabi ko naman sayo na wag mokong englishin kapag nag-uusap tayo. Akala ko ba, master moko? Kung nandito ka talaga para tulungan ako pwes sundin mo ang utos ko. Kainis ka eh."

"Sorry. Di na mauulit." Sagot nito.

"Aba dapat lang! Hello? Nasa pilipinas ka kaya, bawal english dito. Sa America ka mag english, wag dito. Tsk." Sagot ko sa kanya at naglakad na papuntang highway.

May nakita akong jeep na dumaan kaya paparahin ko na sana ito nang mapatigil ako.

Potek. Potek talaga. Wala pala kaming pamasahe!

"Aargh!" Sigaw ko habang sinasabunutan yung ulo ko.

"Anong problema?" Tanong niya.

Napatingin nalang ako sa kanya. "Naiwan ko yung wallet ko sa bahay kaya wala tayong pamasahe."

Ano ba naman to. Kaasar!

"Paano nato ngayon? Hays." Sabi ko at umupo sa gilid ng kalsada. Footspa naman eh. Ang dami-dami ko na ngang problema tapos makikisabay pa 'tong pisteng pamasahe na yan!

Nabigla nalang ako nang pagtingin ko sa gilid ay wala na ito sa kinatatayuan niya. Hala! Nasaan na yun?!

"Saan na ba yun?" Bulong ko sa sarili habang palinga-linga sa paligid. Nandito lang yun kanina ah?

Nagtanong-tanong pa ko sa mga taong napapadaan sa direksyon ko baka kasi nakita nila si Sky. Pero wala eh. Di daw nila nakita. Tss. Juice colored! Saan ba kasi yun nagpunta!

Napalingon nalang ako nang biglang may kumalabit sa likod ko. Napahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakatayo sa harap ko habang hinihingal.

"Saan ka ba galing, Sky?!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry, Lienne. Eto oh." Sagot nito tsaka binigay sakin yung isang libo. T-Teka? Saan niya nakuha to?

"S-Saan galing to? Nagnakaw ka?!"

Umiling ito sakin. "Of course not. Hiningi ko yan sa babae kanina. Sabi mo kasi wala tayong pamasahe kaya humingi nalang ako ng pera."

Napanganga nalang ako. "Seryoso ka? Binigay niya to sayo?"

"Oo nga. Sabi pa nga niya pwede ko daw bang ibigay yung number ko. Di ko naman alam anong klaseng number yung tinutukoy niya." Sagot nito.

Napatawa tuloy ako. "Ah, kaya pala." Gets ko na. Kung kasing gwapo lang din naman ni Sky yung hihingi sayo ng pera, baka pati sarili mo ibigay mo na rin sa kanya eh. Di, charot lang. Pft.

"Salamat dito. Tara na." Sabi ko sa kanya at pumara ng jeep. Hays. May maitutulong parin pala ang manikang to.

•••

"Buksan mo to, Kate!" Sabi ko habang kumakatok sa pintuan ng pad ni Kate.

Agad din namang bumukas ang pintuan niya at bumungad sakin ang nakakunot-noo na si Kate. Hinila ko nalang si Sky at pumasok sa loob at umupo sa sofa niya.

"Wow naman te. Kung makapasok, akala mo naman parang may search of warrant ka." Sabi nito sakin tsaka isinara ang pintuan niya. Uupo na sana ito sa kaharap naming upuan nang bigla itong nalaglag.

"Hala!" Sigaw ko at napatayo sa pagkakaupo.

Tumayo din naman ito at umayos ng upo habang may nanlalaking mata. Nakatingin ito samin-- more likely kay Sky pala.

"R-Rid. S-Sino siya?" Utal-utal na tanong niya sakin. Kaloka naman yung mukha niya. Ngayon niya lang ata niya napansin si Sky.

"Kaya nga ako nandito kasi may sasabihin ako sayo."

Napapikit nalang ako nang bigla itong tumili. "Ano te? Boyfriend mo?!" Sabi nito na kulang nalang maging hugis puso yung mga mata niya.

"Hindi ko siya boyfriend. Uh..." Ano bang sasabihin ko sa kanya? Di niya pwedeng malaman na manika si Sky. Baka kasi mahimatay siya kapag nalaman niya. Ano bang ipapalusot ko? Aish.

"Uh. Siya nga pala si Sky. Childhood friend ko siya sa probinsya nila Mama. Lumuwas kasi ito para magtrabaho kaso wala na pala yung trabahong papasukan niya sana. Kaya ayun, nandito siya sa Maynila tapos wala siyang matitirhan. Wala rin siyang kapera-pera. Di rin siya pwede samin kasi marami na din kami dun." Palusot ko. Tamo, kagatin mo nalang Kate.

"Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo, Kate. Pwede bang dito na muna siya tumira pansamantala habang di pa siya nakakahanap ng trabaho? Mabait to kaya wala kang dapat ipag-alala sa kanya. Tsaka, di mo naman ginagamit yung isang kwarto mo dito eh." Sabi ko sa kanya habang nakagat sa labi ko.

Tinignan lang ako ni Kate tsaka naman tumingin kay Sky. Tapos titingin na naman sakin, tapos kay Sky naman. Paulit-ulit niya 'tong ginagawa hanggang sa napabuga ito ng hangin.

"Osya, sige na. Pasalamat ka't gwapo yang childhood friend mo." Sagot naman ni Kate at nginitian kami.

"Thankyou." Biglang sabi naman ni Sky. Kinilig naman ata 'tong si Kate at pangiti-ngiti pa.

"No, problem fafa Sky." Sagot nito at humagikhik.

Naku naku. Ang kalandian talaga ni Kate.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora