Epilogue

300 16 6
                                    

"Smile ka naman dyan, Lienne!" Sigaw sakin ni Kate habang hawak-hawak niya yung dslr niya.

Napasimangot nalang ako. Tss! Kainis!

"Sky! Tampururot ata yung misis mo! Pakisuyo nga!" Sigaw ni Kate kay Sky tsaka humalakhak.

Nandito kasi kami sa Baguio kasama si Kate at Morris. Speaking of Morris, sila na pala ni Kate. Oh well, di ko rin naman ini-expect yun. Pero masaya naman ako para sa kanila. Atleast ngayon, alam 'kong masaya na yung bestfriend ko sa kanya.

Di ko namalayan na dalawang taon na pala ang lumipas. Marami na rin ang nangyari sa buhay namin ni Sky. Akala ko talaga hindi na babalik 'tong manikang to yun pala sa park ko lang pala makikita.

Nga pala, hindi na manika si Sky. Ginawa na siyang totoong tao ni Supremo dahil yun ang hiling ko. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari edi sana nung una palang hiniling ko na yun eh. Tsk!

Bigla akong nagising sa pagmumuni-muni nang may malambot na bagay ang dumapo sa labi ko. Napalaki nalang ang mata ko nang makita ko ang mukha ni Sky na sobrang lapit sa mukha ko. Oh Gosh! Hinalikan niya ako!

Agad din naman siyang humiwalay pagkatapos ay nginisihan ako. "Yan lang pala ang maka-kapagbabalik sayo sa katinuan eh." Sabi nito tsaka tumawa ng malakas. Ngumuso nalang ako at tumingin sa ibang direksyon para pigilan ang kilig ko. Putspa talaga itong si Sky!

"Oh, ano okay na ba yan? Dali na picture na!" Sigaw naman ni Kate sa malayo. Agad naman akong humarap sa camera at ngumiti. Naramdaman ko nalang ang braso ni Sky na nakahawak sa bewang ko.

"Okay! One, two, three, Smile!" Sigaw ni Kate. Muntik na 'kong matumba ng hilahin ako ni Sky papunta sa kanya tsaka hinawakan ang pisngi ko. Nakita ko pang ngumisi ito tsaka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"I love you, Misis ko." Bulong nito habang sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Napangiti nalang talaga ako sa kakulitan ng asawa ko. Inilagay ko ang dalawang braso ko sa batok niya tsaka ngumisi sa kanya habang nakatitig kami sa isa't-isa.

"I love you too, Mister ko." Sagot ko sa kanya tsaka hinalikan ito. Naramdaman ko nalang ang pag-ngiti nito sa pagitan ng halik namin.

Yes, he was just a doll at first.

But now, he's my loving husband.

And Falling In Love to a Doll Prince was the best thing that ever happened to me.

---- END ----

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now