Chapter 7: Plan

214 34 31
                                    

"Anong oras na?" Di mapakaling tanong ko sa kanya.

"Its 10 o'clock in the morning." Sagot niya.

Kanina pa ko dito palakad-lakad sa kwarto ko habang kinakagat yung labi ko. May isa pa kasi akong problema eh.

Paano pag nakita siya? Paano ko ii-explain sa kanila na yung manikang binili ko ay naging isang totoong tao? Taena. Baka dalhin nila ako sa mental hospital pag sinabi ko yun. Hays.

"What's the problem?" Tanong niya habang nakatingin sakin at nakahalukipkip.

"Problema ko? Ikaw! Paano nalang kapag nakita ka nila dito sa kwarto ko? Baka ano yung isipin nila." Sagot ko sa kanya at ginulo ang buhok ko sa inis.

"Then, let them." Sagot niya kaya napatingin naman agad ako sa kanya. Ano raw?

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"I said let th--"

"Tagalog please." Singit ko sa kanya. Mag eenglish na naman eh.

"Hayaan mong makita nila ako." Sagot nito sakin na ikinanuot nang noo ko. Seryoso ba siya?

"Baliw ka ba? Baka anong sabihin nila sakin dahil nagpapasok ako nang isang lalake sa kwarto ko. Ayoko pang mamatay no!" Sagot ko sa kanya at hinilot ang sentido ko. Nakakastress!

Bigla akong nataranta nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko. Lagot! Si Mama ata to!

"Anak? Gising na! Tanghali na! Kanina ka pa dyan sa kwarto mo, ba't ang tagal mong lumabas?" Sigaw ni Mama sa labas nang kwarto ko.

"Lagot na! Ano nang gagawin natin?!" Bulong ko sa kanya. Footspa! Nagpapanic nako dito tapos siya pachill-chill lang.

Hinila ko siya sa likod nang pinto. May space kasi sa gilid nang pintuan ko na pwedeng magkasya ang isang tao.

"Dyan ka lang ha. Wag kang lalabas at wag na wag kang gagawa nang ingay okay?" Sabi ko sa kanya.

Tumango lang naman ito sakin kaya agad ko ring binuksan ang pintuan nang kwarto ko.

"Yes, Ma?" Tanong ko kay mama habang nakangiti nang pilit sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag pero ayaw mong bumangon. Di kana tuloy nakakain nang almusal. Lumabas kana at kumain kana dun." Sabi sakin ni Mama habang nakatingin sakin.

"Okay po, Ma. Susunod nalang po ako. Kukunin ko lang towel ko para makaligo muna tsaka ako kakain." Sagot ko sa kanya at ngumiti nang hilaw. Please, kumagat ka.

"Oh sige." Sagot niya. Sumulyap muna ito sa buong kwarto ko tsaka tumingin sakin bago umalis. Agad naman akong napahinga nang maluwag nang makaalis na nga ito. Haays! Muntikan nang lumabas puso ko sa dibdib ko ah.

Isinara ko muna ang pinto bago ko siya hinarap. "Dito ka lang ha. Maliligo at kakain muna ako. Dadalhan kita nang pagkain dito pagkatapos ko-- ay teka, kumakain ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango ito sakin bilang sagot. "Yeah."

Napakunot naman ang noo ko. "Kumakain ka pero di ka natutulog? Ang weird mo rin eh." Sabi ko.

"Yes. I don't sleep but like humans, I feel tired and hungry too, Master." Paliwanag nito.

"Wait." Sabi ko at hinilot ang sentido ko. "So, ang ibig mong sabihin, kahit na nagmula ka sa isang manika ay kailangan mo paring kumain at magpahinga para mabuhay dito sa mundo namin?"

Tumango ulit ito bago ako sinagot. "Right."

"Okay okay. Basta babalik ako dala yung pagkain mo. Ilolock ko din ang pinto para walang makapasok. Kapag may kumatok wag mong bubuksan okay? Kakatok ako nang tatlong beses para malaman mo na ako yun. Pagbalik ko tsaka tayo hahanap nang tiyempo na makalabas dito sa bahay." Bilin ko sa kanya at pinanlakihan siya nang mata.

"Okay, Master." Sagot lang nito sakin nang walang emosyon. Tamo to, ang boring kausap.

"Pwede ba, wag mo na akong tawaging master. Lienne nalang. Tsaka, ano bang pangalan mo? May pangalan ka ba?"

Tinignan ko siya at hinintay yung sagot niya. Nakatingin lang ito sakin na para bang nagdadalawang isip. Wala ba siyang pangalan? Tsk.

"Sky." Sagot nito na ikinanuot nang noo ko.

"Ano?" Ulit na tanong ko sa kanya.

Huminga muna ito nang malalim bago niya ko sinagot. "Sky. My name is Sky."


•••

Pagkatapos kung maligo ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Bago ako kumatok ay tinignan ko muna kung may tao ba sa paligid. Syempre naman no, baka magtaka sila kung bakit may dala akong isang plato at isang basong tubig. Tsk! Mabuti nalang talaga at nasa kwarto ang kapatid ko at si Mama't Papa naman ay nasa likod nang bahay namin.

Pinatong ko ang plato na puno nang pagkain sa baso na dala ko tsaka ako kumatok nang tatlong beses. Agad din naman itong bumukas pero nabigla ako nang wala akong nakitang tao sa harap ko.

Napatawa tuloy ako nang mahina. "Baliw talaga." Talagang sinunod niya yung sinabi ko ah. Pft.

Nang makapasok ako ay bigla lang din itong nasara kaya tsaka ko lang siya nakita. Nasa likod pala ito nang pintuan nagtatago! Hahaha.

"Kung di ko lang talaga alam na may ibang tao dito sa kwarto ko, malamang iisipin kong may multo dito. Bumukas ba naman ang pintuan tapos wala kang makikitang tao? Hahaha." Natatawang sabi ko tsaka inilipag sa lamesa ko ang pagkaing dala ko.

Sinulyapan ko siya. "Oh ayan, kumain kana." Sabi ko.

Walang patumpik-tumpik pa ay agad din naman itong lumapit at umupo pagkatapos ay kumain.

Napanganga nalang talaga ako. Ganyan ba talaga siya kagutom para maubos niya agad ang pagkain niya nang dalawang minuto?!

Napalunok ako. "G-Gusto m-mo pa ba?"

Umiling lang ito. "No, It's okay. I'm done."

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya. "Baka kasi nagugutom--"

"No, Lienne. I'm fine. Don't worry." Sagot niya na ikinalaglag nang panga ko. Tinawag niya ba ako sa pangalan ko?

Taena, Lienne. Ikaw yung nagsabi na wag kang tawaging master tapos ngayon magrereklamo ka? Tsk. Baliw ka ata eh.

Pero yung pagkakasabi kasi niya sa pangalan ko...

"O-Okay, sabi mo eh." Sagot ko nalang at umiling nang ilang beses. Kung ano-ano nalang ang naiisip ko! Kalma lang, Lienne. Kalma. Wag kang magpa-apekto sa kagwapuhan este kapangitan nang Sky nato.

"Nga pala, may pag-uusapan tayo." Sabi ko sa kanya kaya napatingin naman ito sakin at umupo sa tabi ko. Masyado siyang malapit kaya di ko maiwasang mapakagat sa labi ko. Umusog nalang ako nang konti, baka kasi lumabas na nang tuluyan yung puso ko sa sobrang pagkabog nito eh. Potek!

"Alam mo naman siguro na di ka pwedeng tumira dito diba? Kaya kailangan nating makalabas dito para makapaghanap nang titirhan mo pansamantala." Sabi ko sa kanya. Isa pa to sa pinoproblema ko kanina pa eh. Hays! Simula nang dumating ang manika nato nagkagulo-gulo na yung utak ko sa dami nang poproblemahin.

"Ako muna ang unang lalabas at kapag nasiguro ko nang walang tao ay tsaka ka sumunod sakin okay?" Sabi ko sa kanya.

"Okay." Sagot nito at sumandal sa gilid nang cabinet ko. Agad din akong tumayo at hinawakan ang doorknob nang pintuan ko. Napadasal nalang ako. Lord, gabayan niyo po sana ako. Hays!

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz