Chapter 23: So, It's a date?

103 11 5
                                    

Naglalakad kaming dalawa ni Sky papunta sa park malapit sa apartment ni Kate. Napagdesisyunan kasi naming lumabas since nabobored na kami masyado doon. Wala namang kaso kasi sabado naman ngayon kaya walang pasok. Ayaw rin namang sumama ni Kate samin. Ewan ko ba dun, gusto atang mapag-isa.

"Sky." Tawag ko sa kanya habang naglalakad kami.

Lumingon din naman agad ito sakin. "Bakit, Lienne?"

Medyo nagdadalawang-isip pa 'ko kung itatanong ko ba talaga yun o hindi. Pero dahil kating-kati na talaga akong masagot ang tanong ko kaya wala na akong nagawa pa kundi ang bumuntong hininga at humarap sa kanya.

"Sky, alam naman nating dalawa kung saan at paano kita nakilala diba?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko namang medyo nagulat ito sa tanong ko pero agad din naman bumalik ang normal na ekspresyon nito.

"Ano naman ang tungkol dun, Lienne?"

Bumuntong hininga ulit ako. "Nasabi mo kasi sakin noon na kaya ka nandito sa mundo ng mga tao para sa isang misyon diba? Paano pag nalaman mo na yung sagot sa misyon mo?" Sabi ko sa kanya pero nanatili parin itong nakatingin sakin.

Tinitigan ko ito sa mata. "... Paano pag natapos na ang misyon mo sa mundo namin? Aalis ka na ba at iiwan ako, Sky?"

Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay sa isasagot niya sa tanong ko. Nanatili parin itong nakatayo at nakatitig sakin na para bang may gusto itong sabihin sakin na di nito masabi-sabi.

"Sky." Tawag ko ulit sa kanya nang magsalita ito.

"Hindi, Lienne." Biglang sagot niya.

"Hindi kita kayang iwan. Oo, nagmula lang ako sa isang manika pero dahil sa misyong ito ay naging totoong tao ako. Nagkaroon ako ng mga bagay na kailanman ay hindi ako nagkaroon noon at isa na dun ay ang puso, Lienne." Sabi nito.

"Mahal na mahal kita, Lienne. Na kahit bawal man ang pag-ibig na nararanasan nating dalawa ngayon ay ipaglalaban kita hanggang sa huling segundo na nandito ako sa harapan mo." Patuloy nito at ngumiti sakin. Napangiti nalang din ako sa kanya at hinila siya para yakapin.

"Salamat, Sky." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Para saan naman?" Sagot niya.

"Sa pagdating sa buhay ko. Kasi kung di ka dumating, di 'ko mararanasan ang saya ng pagmamahal." Nakangiting sagot 'ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

Tumawa lang ito ng mahina. "Ako nga dapat ang magpasalamat sayo, Lienne eh. Kung di dahil sayo, baka kung saan ako pupulutin ngayon." Birong sabi nito na ikinatawa ko lang.

"Baliw!" Sabi ko at hinampas siya ng pabiro sa likod at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya.

"Tara na nga dun. Nagugutom na tuloy ako eh." Sabi ko sa kanya at tumango lang din naman ito bilang sagot.

Nang makarating kami sa park ay agad akong tumakbo papunta sa nagtitinda ng mga kwek-kwek, fishball, kikiam, at iba pa.

"Sky! Halika dito bilis!" Sigaw at kaway ko kay Sky na nakapamulsang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Manong, magkano po ba?" Tanong ko sabay kuha ng fishball at sinawsaw sa sauce na maanghang.

"Yung fishball at kwek-kwek, ten pesos lang. Yung kikiam, tempura at yung iba naman dyan bente pesos lang." Sagot naman ni Manong sakin.

Agad 'kong kinain ang fishball na sinawsaw ko. Sheyt. Ang sarap talaga!

Kumuha pa 'ko ng isang fishball at sinawsaw sa maanghang na sauce pagkatapos ay humarap kay Sky na kasalukuyang nakatingin sakin ng naka-kunot noo.

"Ano yan?" Tanong niya kaya napatawa nalang ako.

"Fishball. Di mo pa ba natitikman to?" Tanong ko naman sa kanya. "Oh, eto kainin mo." Sabi ko at isinubo sa kanya ang fishball.

Kinain din naman niya ito. Nakatingin lang ako sa kanya buong magdamag habang naghihintay sa sasabihin niya.

Nabigla ako ng ngumiti ito ng malapad tsaka nagsalita. "Sarap. Pahingi pa nga." Sabi nito na siyang ikinatuwa ko.

"Asus, may pa ano yan, ano yan ka pa dyan. Gusto naman pala eh." Sabi ko sa kanya tsaka humarap ulit kay manong. "Manong, isang stick ng fishball pa po, tsaka pati narin kwek-kwek at kikiam."

Agad din namang binigay ni Manong ang bagong luto pang kwek-kwek at kikiam. Nilagyan ko ng sauce ang kwek-kwek tsaka ibinigay kay Sky.

"Oh, ayan pa. Kainin mo yan. Masarap din yan." Sabi ko sa kanya. Ngumiti din naman ito sakin.

"Salamat." Nakangiting sabi nito tsaka nagsimula nang kumain ng kwek-kwek na binigay ko. Kumuha din ako ng isang stick ng kikiam at sinawsaw sa maanghang na sauce tsaka kinain ito.

"Ang sarap talaga ng street foods!" Pasigaw na sabi ko tsaka inubos lahat ng kikiam na nasa stick. Natawa nalang si Manong at si Sky sa inasal ko.

Pagkatapos naming mabusog ay agad din naming binayaran si Manong. Hays! Parang puputok na yung tiyan ko sa laki.

"Lienne, dun tayo sa bench na yun malapit sa puno." Biglang aya sakin ni Sky habang nakaturo sa isang upuan malapit sa puno ng akasya. Wala masyadong tao dun kaya tumango nalang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Pagkarating namin sa bench ay agad kaming napaupo. Takte, iba talaga yung epekto ng pagkain sa katawan natin ano?

"Pwede na pala natin to tawaging date eh." Biglang sabi ni Sky habang nakatingin sakin.

"Huh? Bakit naman?" Sabi ko.

"Eh, diba ganun naman talaga sa mundo niyo? Kapag magkasintahan na, syempre magda-date. Yung gagala na silang dalawa lang, kakain, manonood ng sine, pupunta sa kung saan gusto nilang pumunta. Ganun naman ginagawa natin ngayon ah? Kaya pwede din nating tawagin na date to." Nakangiting sabi nito.

Napangiti nalang din ako. "P-Pwede na rin." Sagot ko nalang.

Napatingin nalang kami ni Sky sa di kalayuan. May mga bata kasing naglalaro at nagtatakbuhan. Tawa pa ng tawa yung batang lalake kasi nahuli niya yung babaeng kalaro niya.

"Sana ganun din tayo, Lienne. Yung masaya lang at walang iniisip na problema." Sabi ni Sky habang nakatingin parin kami sa mga batang naglalaro sa park.

"Tama ka. Minsan nga gusto 'kong maging bata ulit eh." Sagot ko naman at tumawa.

"Sana di na matapos to." Biglang sabi ni Sky kaya agad naman akong napalingon sa kanya nang maintindihan ko ang sinabi nito.

Nakatitig lang ito sakin gamit ang mga mata niyang kulay abo.

"Sana nga, Sky." Sagot ko at ngumiti ng mapait.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now