Chapter 15: Confession

148 21 22
                                    

Nakaupo lang ako habang nakatitig kay Sky na nakaupo rin sa harap ko at seryosong nakatingin sakin. Di ba iniiwasan niya 'ko? Eh bakit siya nandito?

"Nasaan si Kate? Ba't di mo siya kasama?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa room kasama yung ibang classmates natin." Sagot nito sakin.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya at tumingin nalang sa baba. Ayokong tumingin sa mukha niya, baka mahalata niya.

"Tungkol sa sinabi mo sakin kanina." Sabi nito.

Di ko siya sinagot at nanatili akong tahimik. Yun naman yung gusto niya diba? Ang mawala yung koneksyon namin bilang mag-amo? Eh ba't nandito siya ngayon para pag-usapan yun?

"Yung sinabi mo kanina..." Sabi niya at bumuntong hininga. "You didn't meant it right?" Patuloy nito.

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. "Ano bang problema mo sa sinabi ko? Diba yun naman yung gusto mo?"

Tumingin ito sakin gamit ang kulay abo niyang mga mata na para bang hinahalungkat ang buo 'kong pagkatao. Napaiwas nalang ako ng tingin. Takte.

"Tell me, Lienne. Ano ba talagang problema mo?"

"Wala akong problema." Mabilis na sagot ko.

"Then why are you acting this way?"

Ewan ko ba pero bigla nalang nabuhay yung galit sa loob ko. "Ako pa talaga ang tinatanong mo nyan, Sky? Sino ba satin ang unang umiwas? Diba ikaw? Wag ka ngang umasta na parang ako ang may problema at may kasalanan ng lahat!"

"Gusto mong malaman kung anong problema ko? Ikaw! Ikaw yung problema ko! Bigla-bigla ka nalang umiiwas sakin nang di ko alam kung bakit?! Sana man lang sinabi mo sakin na ayaw mo sa taong tulad ko! Di yung bigla mo nalang akong iiwasan na para bang di ako nag eexist sa mundo mo!" Sigaw ko sa kanya at umiyak. Puta. Di ko na kinaya ang bigat sa dibdib ko.

"Ano?! Nagsisisi kana dahil sa lahat ng naging amo mo ay ba't ako pa talaga?! Dahil wala akong kwenta?! Na mas maganda sana kung si Kate yung naging amo mo?! Yun ba yung gusto mong sabihin sakin?!" Sigaw ko sa kanya at itinakip ang mga palad ko sa mukha ko.

"Pwes, kung nagsisisi ka sakin. Nagsisisi din ako kung bakit dumating ka pa sa buhay ko, Sky! Dahil simula nung dumating ka nagka letche-letche na yung buhay ko! Nang dahil sayo nakaramdam ako ng sobrang sakit, Sky! Sobrang nagsisisi ako alam mo ba yun?! Dahil bakit sa dinami-daming tao sa mundo, ay ba't sayo pa talaga ako nagkagusto!" Pag-aamin ko sa kanya habang umiiyak. Oo, ako na talaga ang boba! Umamin ako! Pero tangina kasi eh, ang bigat-bigat na kasi ng puso ko.

Biglang nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sakin nang di makapaniwala. "A-Anong sabi mo?" Ulit nito sakin.

"Sorry, Sky. Di ko na napigilan ang sarili ko. Pinilit ko naman eh. Pinilit ko namang pigilan, pero kahit na anong gawin ko, nandito parin eh. Nahulog parin ako sayo. Gusto kita, Sky and I'm really sorry." Sagot ko at humagulhol.

Di ito sumagot at nakatingin lang ito sakin na may gulat na ekspresyon. Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan niya. Tangina! Alam ko! Alam 'kong wala siyang nararamdaman sakin kasi si Kate yung gusto niya at hindi ako.

Nagulat nalang ako nang bigla itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Di ako makagalaw. Di ko alam kung ano ang dapat na irereact ko. B-Bakit? B-Bakit niya ako niyayakap?

"S-Sky, anong--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito.

"Sorry. Sorry kung gago ako. Sorry dahil di ko muna inalam yung totoong nararamdaman mo. Sorry for ignoring you, Lienne. Di ko naman talaga ginusto yun." Sabi nito habang magkayakap kami.

"...And please forgive me for falling inlove with you, Master." Patuloy nito na ikinalaglag ng panga ko.

•••

Nandito pa rin kami sa rooftop at magkatabi kaming nakaupo at nakatingin sa kawalan ni Sky. Footspa. Di mawala sa isip ko yung sinabi ni Sky sakin kanina!

"Uhm. Ano.." Sambit ko nang di tumitingin sa kanya. Ano ba yan! Nahihiya tuloy ako eh!

"About me and Kate. Wala yun." Sabi nito.

Napatingin ako sa kanya. "Ano?"

Tumingin din naman ito sakin at ngumiti. "Yung tungkol samin ni Kate. Di totoo yun. Di talaga kami ni Kate. Magkaibigan lang kami ni Kate, Lienne."

"Eh, ano yung ibig sabihin ng sinabi mo sakin kahapon?" Tanong ko sa kanya.

"Di talaga totoo yun. Gusto ko lang talaga makita yung reaksyon mo. Tsaka, wala naman talagang gusto si Kate sakin. Sinabi niya lang sakin na may nakikita daw siyang kakaiba kapag magkasama tayong dalawa kaya ayun, sinabihan niya lang ako na kailangan naming magpanggap na sobrang close kami para pagselosin ka at para makumpirma ang hinala niya." Sabi nito at napakamot ng ulo.

Napatayo ako. "What?! Pinagtitripan niyo lang pala ako?!" Sigaw ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo nito habang nakatingala sakin. "Pwede ba, Lienne. Relax ka lang, okay? Di naman kita inaano. Umupo ka nga." Sabi nito tsaka hinala ako para makaupo ulit.

Napabuga nalang ako ng hangin para kumalma. "So, alam pala ni Kate yung tungkol sa away natin?"

"Oo, alam niya. Siya pa nga yung nagsabi sakin na pumunta dito sa rooftop para magkausap at magkaayos tayo." Sagot nito.

Takte. Akala ko talaga may gusto yung babaeng yun kay Sky, yun pala pinagtitripan lang ako? Humanda sakin yung babaeng yun pag nagkita kami. Psh.

"About dun, Lienne." Biglang sabi ni Sky.

Napalingon naman ako dito. "Anong tungkol dun, Sky?" Nagtatakang tanong ko.

Napatingin ako sa mukha niya at kitang-kita ko yung pamumula ng tenga niya. Ano bang nangyayari sa lalaking to?

"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya tsaka lumapit sa kanya at hinawakan yung noo niya. Napatingin lang ito sakin nang ginawa ko yun.

"Di ka naman mainit ah, ba't namumula yung tenga mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at inalis yung kamay ko nang bigla ulit hinuli ni Sky yung mga kamay ko.

"S-Sky." Sambit ko habang siya naman ay titig na titig sa mukha ko.

"I want to court you, Lienne and you can't say no to me." Sabi nito na syang ikinagulat at ikinapula ng mukha ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt