Chapter 12: Cat & Dog Relationship

166 24 22
                                    

Yngrid's POV

Bwesit siya. Ang bwesit niya talaga. Tsk!

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko dito sa kwarto ni Kate. Speaking of Kate, nandito din siya sa kwarto at tinutulungan akong mag-ayos.

"Hoy, Rid! Nag-aayos ka ba talaga o naninira ng mga gamit? Tignan mo nga ang ginagawa mo. Tinatapon mo yung mga damit mo sa cabinet natin!" Sigaw sakin ni Kate.

Napabuntong hininga nalang ako. "Eh, naiinis ako eh."

"Bakit naman kase? Ano bang ginawa sayo ni Sky ha? Tsaka ganyan ba talaga kayo? Sa tuwing nagtatagpo yung mga landas niyo laging may away at sigawang nangyayari. Mas malala pa kayong mag-away kesa sa kapatid mo eh. Para kayong hindi childhood friend ha." Sagot nito.

"Masyado kasing mahangin eh! Di naman siya ganyan noon." Palusot ko habang tinutupi yung mga damit ko. Double meaning yung sinabi ko. Tsk.

"People change naman kasi talaga, Rid. Hayaan mo na. Tsaka di naman mawawala yung mga pinagsamahan niyo dahil lang nagbago yung tao." Sabi nito tsaka tumayo at inayos yung kama.

Di nalang ako sumagot at pinagpatuloy yung pag-aayos ko ng mga gamit.

"Nga pala, Rid. Malapit na yung school festival natin! Excited nako!" Sigaw nito at gumulong-gulong sa kama. Tignan mo 'tong babaeng to, aayusin yung kama tapos sisirain rin naman pala.

"Ano namang kaexcite-excite dun? Yung pagpapasikat ni Britney? Na siya uli yung magiging queen sa darating na pageant ng school natin? Wag na lang oy." Sagot ko sa kanya at tumayo nang matapos ko na ang ginagawa ko.

"Di naman yun eh! Yung mga booth at ibang programs naman yung tinutukoy ko." Sagot niya.

Tumabi ako sa kanya sa kama at kinuha yung cellphone ko. Nakalimutan 'kong tawagan silang Mama kaya itetext ko nalang sila.

"Alam mo, may naisip tuloy ako." Biglang sabi naman nito kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Ano naman yan?" Tanong ko.

Ngumiti ito nang nakaloloko. "Sumali ka kaya sa pageant. Maganda ka naman, sexy, matalino, at sikat ka rin sa ibang mga boys kaya kayang-kaya mong talunin si Britney!" Sabi nito sakin at niyugyog ako.

"Ako? Sasali sa pageant? Nababaliw ka na ba, Kate? Ayoko no!" Sagot ko sa kanya.

Sumimangot naman ito sakin. "Pagkakataon na natin yun para maturuan ng leksyon si Britney, Rid!"

Ang kulit nang babaeng to. "Ayoko nga kase. Mapapahiya lang tayo dun. Tsaka madaya yung babaeng yun, kaya wala paring sense yung gagawin natin. Mananalo at mananalo parin yun. Isa pa, di naman tayo teacher para turuan siya ng leksyon no. Neknek niya." Sagot ko at naglaro nalang ng piano tiles sa cellphone ko.

"Hays. Bahala ka nga. Matulog nalang tayo, maaga pa tayo bukas." Sabi nito at humiga nalang ng kama.

"Una kana, maglalaro muna ako. Papaantok lang."

Humikab ito. "Okay sige. Goodnight bff."

"Night." Sagot ko nalang. Baliw talaga. Ako? Sasali sa pageant? Hmm. Pwede ba yun?


•••

Tumunog ang alarm clock na sinet ko kagabi kaya agad 'kong tinapik si Kate na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Oy, Kate. Bangon na." Sabi ko habang tinapik-tapik ito.

"Hmm. Maya na.." Sagot naman niya at niyakap yung unan niya. Takte. Malalate na kami nito.

"Gumising kana kase. Malalate na tayo. Ano ka ba!" Sabi ko sa kanya at bumangon na ng kama.

"Hays! Gusto ko pa matulog eh!" Reklamo niya at bumangon na rin ng kama. Lumabas muna ako sa kwarto para sana makapaghanda ng almusal. Pero nabigla ako nang makita ko si Sky sa kusina na nagluluto. Aba, marunong palang magluto ang Manikang to?

"Nagluluto ka pala?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kusina.

Ngumisi lang ito sakin. "Goodmorning din."

Inirapan ko nalang siya. "Sagutin mo kase."

"Halata naman siguro, Lienne. Kaya nga ako nagluluto ngayon diba?" Sagot niya at kinuha yung bacon na niluto niya sa frying pan at inilagay ito sa plato.

Lumabas din naman si Kate na papikit-pikit pa, pero nang makita niya yung mga pagkain na nakahain sa mesa ay agad na nagising ang diwa nito.

"Wow! Bacon, hotdog, at fried chicken? Ikaw nagluto lahat nang to, Sky?" Tanong ni Kate sa kanya at agad-agad na umupo sa upuan, pagkatapos ay tumusok ng hotdog.

"Oo, Kate. Pasasalamat na rin to sa pagpapatira mo sakin dito sa Pad mo." Sagot nito at ngumiti kay Kate. Namula naman agad si Kate sa sinabi ni Sky. Psh.

"Kumain na nga lang tayo! Naglalandian pa kayo eh." Singit ko at umupo na rin para kumain. Kainis!

"Hahaha." Tawa ni Sky at umupo na rin.

"Grabe ka naman samin, Rid." Nakanguso na sabi ni Kate sakin. Inirapan ko nalang sila at itinuon nalang sa pagkain ang atensyon ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad agad din naman kaming naghanda at naligo para makapasok ng maaga sa klase namin. Pagkarating namin sa skwelahan ay agad na pinagguluhan ng mga higad si Sky.

"Goodmorning Pogi!"

"Ang hot mo! Transferee ka ba?"

"Anong pangalan mo? Pwedeng humingi ng number?"

"Are you free tonight? Let's date."

"Ang gwapo mo naman!"

Mga sigawan at bulungan ng mga bitches sa paligid. Psh! Ang dami talagang kalahi ni Britney dito sa school. Nakakaimbyerna!

"Hehe." Sagot lang ni Sky sa lahat ng mga bumati sa kanya.

"Aba! Ang famous na pala ni Sky dito ah." Sabi ni Kate at tumawa ng malakas.

"Tsk. Nakakarindi." Reklamo ko na talagang pinarinig ko sa mga fans niya. Ke aga-aga ang ingay na nang mga pugita dito.

"Ba't ka ba ganyan sa kanila? Wala naman silang ginagawa sayo, Lienne ah." Sabi ni Sky na nakangisi sakin.

"Ang ingay eh! Palibhasa gusto mo yung pinag-uusapan ka nila!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako nang biglang sumeryoso ang mukha nito. "Teka nga, ba't ka ba laging nagagalit sakin?" Tanong niya sakin.

Nasense din naman agad ni Kate ang atmosphere ng paligid kaya agad itong pumagitna samin. "Hep hep! Tama na! Mag-aaway na naman kayo eh! Bilisan niyo nalang maglakad at baka malate tayo." Sabi ni Kate at hinila kaming dalawa ni Sky sa magkabilang braso niya.

Napabuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin sa kanila. Pasensya na, di ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko eh.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now