Chapter 9: Transferee

184 33 28
                                    

May klase na ulit kaya nandito ako sa Room ngayon kasama si Kate. Sinabi naman sakin ni Kate na okay naman daw si Sky doon, kaya wag na daw akong mastress. Naks.

"Anong ginawa niya pag-alis ko dun sa pad mo, Kate?" Tanong ko sa kanya habang nililipat yung notes ko sa Calculus sa bagong notebook. Itatapon ko na kasi 'tong lumang notebook ko. Yung notebook na may drawing na mukha ni Sky remember? Nakakakilabot parin kasi talaga kaya itatapon ko na.

"Wala, tinulungan ko lang siyang ilabas yung mga gamit ko sa magiging kwarto niya. Pagkatapos nun, kumain na kami ng dinner tapos ayun, pumasok na siya sa kwarto niya at di na lumabas." Sagot naman ni Kate sakin.

"Mabuti nalang at di mo siya ginahasa habang nandyan siya sa lungga mo, Kate." Sabi ko sa kanya kaya agad naman niya 'kong hinampas sa balikat.

"Aray ha!" Reklamo ko sa kanya. Aba't anong tingin sakin ng babaeng to? Pader? Tss.

"Wag ka ngang ganyan." Sabi nito sakin na namumula kaya inirapan ko nalang siya.

"Hoy babae, may gusto kaba kay Sky?" Tanong ko sa kanya at humalukipkip.

Yumuko lang ito tsaka inipit sa tenga niya yung tumakas na buhok sa mukha niya. "Uh..Eh.."

"So, may gusto ka nga." Pagkokumpirma ko.

"Di naman sa ganun te. Pero, di mo naman maipagkakaila na gwapo talaga yung childhood friend mo eh." Sabi nito. "Siguro...Crush ko lang siya. Hihi." Aniya at humagikhik.

"Oy, tigilan mo yang kalandian mo ha. Mahiya ka naman kay Sky. Pinapapantasyahan at pinag-iisipan mo siya nang kalaswaan." Sabi ko.

"Bakit te, selos ka?"

"Ano? Ako? Magseselos? Baliw ka ba? Childhood friend nga kami diba? FRIEND. Tsk. Ikaw, kung ano-ano nalang talaga yang nasa isip mo." Sagot ko sa kanya at tumayo.

"Punta muna akong CR." Sabi ko sa kanya.

"Okay, basta bilisan mo ha? Sabi kasi nila, may transferee daw tapos magiging classmate pa natin!" Sabi nito na mukhang naeexcite ata.

"Oh, ano naman ngayon? Ba't excited ka dyan?"

"Aba, baka kasi gwapo no. Kadalasan pa naman ng mga transferee, mga gwapo at magaganda. Hihi."

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang at lumabas na nang room. Pagkarating ko sa CR ay agad akong pumunta sa isang cubicle at nagjingle.

Kainis yung babaeng yun ah. Di niya ba alam ang salitang dalagang filipina? Pati ba naman si Sky pagpapantasyahan niya. Tsk.

Pero teka nga, ano namang paki mo, Lienne ha? Ano naman kung landiin niya si Sky? Ano naman kung magkagusto siya? Kayo ba ni Sky?

Umiling nalang ako nang ilang beses para alisin ang iniisip ko. Nahawa na ata ako kay Kate ah. Kung ano-ano na lang ding kabaliwan ang naiisip ko.

Pagkatapos kong mag jingle ay agad na rin akong lumabas at pumunta sa sink para maghugas ng kamay. Tinignan at inayos ko nalang rin ang feslak ko, baka kasi may muta pa ko o ano sa mukha.

Agad din naman akong umalis pagkatapos kung macheck yung sarili ko. Papasok na sana ako ng room nang makita ko yung prof namin na nakatayo sa harap. May kasama ito, kaso di ko makita kung lalake ba o babae kasi natatakpan niya ito. Ito na siguro yung transferee na sinasabi ni Kate.

"Goodmorning Sir. Sorry po, nag-cr lang." Bati ko sa kanya at dumiretso nalang sa upuan ko. Pag-upo ko ay agad akong tumingin sa kinaroroonan ng transferee. Nang marealize ko kung sino siya ay literal na nalaglag ang panga ko. Holy rosary! Anong ginagawa niya dito?!

Napatingin din ako kay Kate na bakas din sa mukha ang gulat. Footspa! Pareho kaming nganga!

"Goodmorning Class. May transferee tayo kaya be nice to him okay?" Sabi ni Sir samin kaya agad namang sumagot ang mga kaklase 'kong babae.

"Yes sir!" Sabi nila in unison.

"Okay, kindly introduce yourself in the class, Mr." Sabi ni Sir sa transferee kaya agad din namang tumango ito at pumunta sa harap.

"Hi. I'm Sky Anderson. Nice to meet you guys." Walang emosyong pagpapakilala nito tsaka yumuko. Pagkatapos niyang gawin yun ay napatingin ito sa direksyon ko. Napakurap nalang ako nang ngumisi ito sakin.

Shet! Si Sky ba talaga ang taong to?!

•••

"Anong ginagagawa mo dito? Paano ka napunta dito? Mag-aaral ka talaga?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Takte. Di talaga maproseso ng isip ko yung nangyari kanina.

"Oo. Mag-aaral ako dito." Sagot nito sakin at kumindat. Ang presko!

"Hoy, anong nangyari sayo at lagi ka nalang ngumingisi sakin. Di ka naman ganyan ah. Sinapian ka ba?" Tanong ko sa kanya. Mabuti nalang talaga at si Kate yung inutusan naming bumili ng pagkain kaya malaya kaming nakakapag-usap ni Sky.

"Bumisita kasi si Grandma kagabi sa kwarto ko. Sabi niya kailangan ko daw na pumasok dito para mas mabantayan kita. Siya ang gumawa ng paraan sa lahat kaya don't worry." Sagot nito.

"At tungkol naman dyan sa tanong mo. Well, di ako sinasapian. Ganito talaga yung ugali ko. I was just trying to fool you." Dagdag na sagot nito at ngumisi sakin.

"Ano?!" Sagot ko sa kanya. Bwesit na manikang to!

"Pinagtitripan mo lang pala ako! Bwesit ka!" Sabi ko sa kanya at hinampas-hampas siya.

"Aray! Aray! Teka lang!" Reklamo niya. Bahala siya sa buhay niya!

Dumating din naman agad si Kate dala-dala yung mga pagkaing pinabili namin. Napagdesisyunan kasi namin na dito nalang sa mini-park nang school kami kakain. May mga mesa kase dito na pabilog.

"Oh, ba't mo hinahampas si Sky?" Tanong niya sakin.

Inirapan ko nalang siya at humalukipkip. "Wala lang."

Umupo din naman ito tsaka ibinigay samin ang mga pagkain na para samin. "So, paki-explain naman samin Sky kung bakit ka nandito, iniwan naman kita ng matiwasay dun sa pad ah." Sabi ni Kate.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bahala siyang gumawa ng kwento dyan. Siguraduhin niya lang na kapani-paniwala kay Kate. Tsk.

"Ah, so yun nga. Nakahingi kasi ako ng tulong sa Lola ko kaninang umaga. Pinadalhan niya ko ng pera kasi nalaman niyang di ako nakapagtrabaho dito sa Maynila. Kaya sinabi niya sakin na mag-aral nalang daw muna ako habang naghahanap ng trabaho. Natigil kasi ako sa pag-aaral dun sa probinsya namin." Mahabang paliwang ni Sky tsaka sumulyap sakin.

"Ay, ganun ba? Buti nalang at nakapasok ka dito. Mas maganda nga yun kasi magkasama tayong tatlo sa iisang section!" Sagot naman ni Kate habang nginunguya niya yung burger na kinakain niya.

Uminom nalang ako ng coke at kinain yung fries ko. Bahala sila dyan. Sila mag-usap dalawa.

"Oh, ba't di kayo nag-uusap?" Tanong samin ni Kate pero di ko nalang ito pinansin.

Naramdaman ko nalang na tumabi sakin si Sky at humilig sakin tsaka bumulong. "Sorry, Master. I won't do that again. Just don't be mad at me."

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now