Chapter 20: Revenge

133 13 5
                                    

"Ano next subject natin te?" Tanong sakin ni Kate habang nagsusulat ng notes sa notebook niya.

"Philosophy." Sagot ko habang umiinom ng coke. Takte, nauhaw kasi ako kanina sa klase kaya todo reklamo ako sa kanilang dalawa. Buti nalang talaga at agad na tumakbo si Sky sa cafeteria pagkatapos ng klase para bumili ng maiinom ko. Hihi. Enebe! Eng sweet nye! Joke. Echos lang, ang harot niyo!

Nandito kami ngayon sa Library at kasama namin si Sky ngayon na kasalukuyang nakayuko sa mesa. Umiidlip ata? Ewan, sabi niya di naman daw siya natutulog talaga eh. Nagre-regain lang ng lakas ganern.

Habang busyng-busy si Kate sa ginagawa niya ay ako naman itong sobrang nabobored dahil walang ginagawa. Bigla akong napatingin kay Sky na nasa tabi ko. Nakayuko at nakaunan ito sa dalawang braso niya. Napatitig ako sa buhok nito. Di naman siguro siya magagalit sa gagawin ko diba?

Dahan-dahan 'kong pinatong ang kamay ko sa ulo niya. Nang makita kong di siya gumalaw para magreklamo ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hinawak-hawakan ko ang buhok nito na para bang nagpapatulog ng isang bata.

Ang lambot talaga ng buhok niya. Parang buhok ng isang babae. Ang smooth kase. Di kaya nilagyan niya ng mantika yung buhok niya?

Napahagikhik nalang ako ng mahina sa kalokohan ko habang hinahaplos parin yung buhok niya. Nagulat nalang ako nang bigla itong magsalita.

"Inlove kana sa buhok ko nyan?"

Agad akong napatigil at napaatras sa kinauupuan ko. Bumangon ito mula sa pagkakayuko at nakangising tumingin sakin. Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri pagkatapos ay sumandal sa upuan niya. Napanganga nalang ako.

Holy Doll! ANG HOT NAMAN NIYA SA GINAWA NIYA!

"Pakisarado naman yung bibig mo, Lienne. May tumutulo na eh." Biglang sabi ni Sky pagkatapos ay tumawa. Agad ko namang sinara ang bibig ko at hinawakan ang gilid nito. Tss. Wala namang laway ah?

"Pinagtitripan mo ba ako?" Mahinang sabi ko sa kanya. Hello? Nasa library kaya kami, mahirap nang mapagalitan no. Tsk!

"Di ah. Eto naman. Masyadong highblood." Sagot nito pagkatapos ay hinila ako palapit sa kanya at niyakap ako.

Shet. Okay, Lienne. Maghunos-dili ka. Wag kang kikiligin. Wag na wag kang kikiligin.

"Nararamdaman ko ang tibok ng puso mo, Lienne." Biglang sabi ni Sky. Kaya agad akong napahiwalay sa kanya.

"Ibig sabihin po, buhay pa ako." Sagot ko nalang at umiwas ng tingin. Putspa.

"Hoy kayong dalawa. Tumayo na kayo dyan. Malapit nang magsimula ang klase natin oh. Tayo na! Bilis!" Singit ni Kate habang nililigpit yung mga gamit niya at nagsimula nang maglakad palabas ng library.

Agad din naman kaming tumayo ni Sky at sinundan si Kate palabas ng library. Pagkarating namin sa room ay napahinga ako ng maluwag. Salamat naman at wala pa yung prof namin.

Naiihi ako kaya kinalabit ko si Sky at Kate. "Punta muna akong CR ha? Naiihi na ako eh." Sabi ko sa kanila at lumabas na nang classroom namin.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang CR ay bigla nalang akong may nabanggang babae. Medyo may kaliitan ito at may salamin ito sa mata. May hawak-hawak din itong libro sa kamay. Nerd ata to eh.

"Sorry." Sabi ko sa kanya at maglalakad na sana ako paalis ng tawagin ako nito.

"T-Teka!" Sigaw nito kaya agad naman akong napalingon dito.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"P-Pinapapunta ka pala ni S-Sir Rosario sa Building 14, Room 3. May ipapagawa daw siya sayo." Nakayukong sabi nito sakin. Napakunot naman ang noo ko. Ako? Pinapatawag ni Sir Rosario? Eh, di nga kami close ng barney na yun eh. Tss. Ano bang kailangan sakin nun?

"Ano raw yung ipapagawa niya?" Tanong ko sa kanya pero nanitili parin itong nakayuko at di tumitingin sakin.

"D-Di ko alam. Inutusan lang ako. S-Sige!" Sagot nito at nagmamadaling umalis. Napataas nalang ang kilay ko sa inasta ng nerd na yun. Nerd na nga, ang weird pa. Psh.

Agad din akong tumalikod at nagsimulang maglakad papuntang Building 14. Mamaya nalang siguro ako pupunta ng CR, maiintindihan rin naman siguro ng prof namin na nalate ako kasi may pinapagawa pa sakin si Sir Rosario. Hays.

Pagdating ko sa Building na yun ay agad 'kong hinanap ang Room 3. Habang naglalakad ako ay bigla akong nagtaka. Ba't walang mga estudyante dito? Lahat kasi ng mga classroom na nadadaanan ko ay walang tao.

Nang makita ko ang classroom na hinahanap ko ay agad akong pumasok dito. Napataas nalang ang kilay ko. Putspa, ba't wala naman ata dito si Sir Rosario? Pinagtitripan ata ako ng nerd na yun ah. Humanda yun sakin kapag nagkita kami. Tsk.

Tatalikod na sana ako para lumabas nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Hello there, Ms. Tee." Sabi nito. Ba't parang pamilyar yung boses niya?

Agad din naman akong napalingon sa taong yun. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Britney na nakasandal sa pintuan ng classroom.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Tumawa naman ito."Hahaha. Diba nga ikaw ang dapat 'kong tanungin nyan, Yngrid? Ba't ka nandito? Wag mong sabihing nagpaloko ka sa nerd na yun?"

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko sa kanya. So, hindi pala talaga si Sir Rosario yung nagpatawag sakin? Kundi ang babaeng to pala ang pakana ng lahat!

"Oops. Sorry. Di ko naman kasi alam na kakagat ka pala sa trip ko. Ano pa bang ini-expect ko sa isang boba na kagaya mo." Nakangising sabi nito.

"Pwede ba, Britney? Wag mo nga akong madamay-damay sa kabaliwan mo!" Sigaw ko sa kanya at akmang lalabas na sana nang pigilan ako nito.

"Wait. Hanggang dyan ka lang. Di pa ako tapos sayo." Sabi nito at lumingon sa likuran niya.

"Girls?" Tawag nito. Napalaki ang mga mata ko nang biglang nagsilabasan ang mga alagad nito sa gilid niya. Nasa sampu ata silang lahat. Yung iba may dalang baseball bat. Shit! Ang dami nila!

Bigla nalang lumingon si Britney sa kinaroroonan ko. Ngumisi ito pagkatapos ay biglang sumeryoso. "Huling araw mo na to, Lienne. Any last words?"

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now