Chapter 18: Q&A

125 12 9
                                    

Kagat-kagat ko ang kuko ko habang palakad-lakad dito sa labas ng bahay namin. Footspa! Kanina pa kami nandito ni Sky pero kinakabahan akong pumasok!

"Uso naman siguro sa inyong mga tao ang pagkatok diba? Ba't di mo gawin, Lienne nang makapasok na tayo." Sabi ni Sky sakin habang nakasandal ito sa gilid ng pintuan namin.

Tumingin ako sa kanya. "Kinakabahan kasi ako."

Napakunot naman ang noo nito. "Ba't ka naman kakabahan? Pamilya mo naman sila? Ano namang masama dun?" Sagot nito at humalukipkip.

"Di mo kasi ako naiintindihan eh! Ba't ka pa kasi sumama? Kaya ako kinakabahan nang dahil sayo eh." Mahinang sigaw ko sa kanya. Ba't pa kasi siya sumama dito? Para tuloy akong timang ngayon.

"Lienne." Sambit nito sa pangalan ko habang nakatingin sakin ng seryoso. Aish!

"Oo na! Oo na!" Sabi ko at kumatok ng tatlong beses. Jusko po, wag niyo sana kaming pabayaan. Lalo na't di ko alam ang magiging reaksyon nila Mama't Papa sa sasabihin ni Sky. Hays! Pauso kasi 'tong isang to eh.

Ilang sandali lang at bumukas ang pintuan ng bahay namin. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang mahihimatay ako anytime. Ayan na!

"M-Ma." Sambit ko habang nakatingin kay Mama.

Nakita ko namang nagulat si Mama nang makita ako. "Yang? Ba't di ka man lang tumawag sakin na pupunta ka pala rito?!" Gulat na sigaw ni Mama sakin at niyakap ako. Ginantihan ko din ito ng yakap at humalik sa pisngi niya. Namiss ko si Mama!

Bumitaw naman ito sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko. "Namiss kita anak! Ang taba-taba mo na!" Sabi nito sakin na ikinanguso ko nalang.

"Grabe ka naman sakin Ma." Sagot ko. "Namiss din po kita. Lalong-lalo na po yung mga luto niyo."

Tumawa naman ito sa sinabi ko. "Asus. Osya, tara na sa loob at ipagluluto kita ng paborito mong Chicken curry!" Excited na sabi ni Mama at akmang hihilahin ako papasok ng bahay nang pigilan ko ito.

"A-Ah, Ma? M-May kasama po ako." Kinakabahang sabi ko sa kanya at tumingin sa kinaroroonan ni Sky.

Nakita 'kong napatingin din si Mama sa kinaroroonan nito. Ngumiti lang si Sky kay Mama at yumuko ng konti para batiin ito. "Magandang araw po." Bati ni Sky.

Kahit naguguluhan si Mama ay bumati rin naman ito pabalik kay Sky. "Magandang umaga rin iho." Sagot ni Mama pagkatapos ay bumaling sakin. "Sino siya anak?" Tanong nito na syang ikinaba lalo ng dibdib ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

"U-Uh, Ma? S-Si Sky po. M-Manliligaw ko." Pautal-utal na sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"Ha? Anong sabi mo anak? Pakiulit nga, di ko narinig ng maayos eh." Sabi ni Mama. Napalunok ako nang ilang beses bago sumagot ulit.

"M-Manliligaw ko po siya, Ma." Sagot ko at yumuko.

Dumaan ang ilang segundo at walang nagsalita saming tatlo. Putspa! Sobrang kinakabahan nako pero si Sky pa petiks-petiks lang!

Nagulat nalang ako nang biglang umalingaw-ngaw ang tawa ni Mama kaya agad kaming napatingin ni Sky kay Mama. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Hahaha! Naku, ikaw talaga anak. Kaya pala biglaan yang pagbisita mo eh. May ipapakilala ka pala samin. Osya, tara na sa loob at dun na tayo mag-usap ng maayos." Sabi ni Mama at pumasok na ng bahay.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Sky na ngayon ay nakatayo lang sa gilid at nakangiti. "Ano bang problema mo at parang di ka man lang kinakabahan dyan?! Nakakainis ka alam mo ba yun?!" Sigaw ko sa kanya.

Imbes na magalit ay tumawa lang ito sa sinabi ko. "Wala naman tayong ginagawang masama, kaya ba't ako kakabahan? Kung yung pag akyat ng ligaw ko yung pinoproblema mo, Lienne. Well, di mo naman kailangan problemahin yun. Nandito naman ako, kaya wag kang kabahan." Sagot nito sakin pagkatapos ay ginulo ang buhok ko kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

Shems. Pwede ba walang ganyang gestures, Sky? Mas lalo mokong pinapahulog eh. Hays!

Sumunod din naman agad kami kay Mama sa loob. Nakita namin ito sa kusina at kasalukuyang naghahanda ng pagkain para samin. Habang naghihintay kami ay napatingin ako sa buong bahay. Wala pa rin namang pinagbago.

Pagkatapos maghanda ni Mama ng pagkain ay agad itong bumalik sa sala at inilapag ito sa mesa. "Wala pa ang papa mo, Yang kaya kumain na muna kayo. Sky, iho, kumain ka muna." Nakangiting sabi ni Mama.

"Maraming salamat po sa pagkain, Tita. Pero busog pa po ako. Salamat nalang po." Sagot naman ni Sky at ngumiti kay Mama.

"Naku, nakakatuwa ka namang tignan, iho. Ang ganda kasi ng ngiti mo. Makalaglag panty. Kaya pala nahulog ang pant-- ay este nahulog ang anak ko sayo eh." Sabi ni Mama at tumawa nang malakas.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Ano raw sabi ni Mama? Makalaglag panty? At ako nahulog sa kanya?! Oh, well, totoo naman. Nang konti.

"Ma!" Reklamo ko sa kanya. Pinapahiya talaga ako!

"Joke lang naman anak. Ikaw talaga, di mabiro." Sabi ni Mama at bumaling ulit kay Sky.

"Sky, iho. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Kailan ba kayo nagkakilala ng anak ko?" Tanong ni Mama.

Ngumiti lang si Sky kay Mama. Aba, di man lang talaga kinabahan ang mokong! Confident na confident!

"Uh. Last two months lang po, Tita." Sagot nito.

Ngumiti lang din si Mama. "Ganun ba? Ano bang nakita mo sa anak ko at naisipan mong ligawan siya?"

Agad naman akong napalingon kay Mama. "Ma. Ganyan na po ba talaga ako ka chaka para itanong mo yan sa kanya?" Sabi ko.

"Hahaha. Di naman sa ganun anak. Gusto ko lang malaman." Sagot naman ni Mama.

Napalingon naman kami kay Sky nang magsalita ito. "Nung una po tita ay ayoko po talaga sa anak niyo. Siya kasi yung klase ng babae na, sobrang daldal, madaling mapikon, at walang ibang ginawa kundi ang bungangaan ako." Sabi nito pagkatapos ay tumawa ng mahina.

"Pero, isang araw nagising nalang ako bigla na hinahanap-hanap ko na yung boses niya. Yung tipong pag di ko siya nakita, magiging sobrang malungkot yung buong araw ko. Yung di magiging kumpleto yung umaga ko kapag di ko siya naaasar at di ko naririnig yung iritadong boses niya dahil sa ginagawa 'ko."

"Di ko na namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Na kahit ano mang gawin 'kong pagtakas ay di parin nito maitatago ang katotohanang mahal ko na ang anak niyo." Sagot nito pagkatapos ay tumingin at ngumiti sakin gamit ang kulay abo nitong mga mata.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now