Chapter 24: Disappeared

144 12 8
                                    

Habang masaya kaming nag-uusap ni Sky sa bench ng kung ano-ano ay bigla nalang lumakas ang hangin sa park kaya awtomatiko naman akong napatingin sa itaas para tignan ang kalangitan.

"Mukhang uulan pa ata ngayon." Sabi ko habang nakatingin parin sa taas. Bigla akong nagtaka nang wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, kaya agad namang napababa ang tingin ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ko itong nakatingin sa bandang malayo habang pinagpapawisan at halatang kinakabahan.

"Sky?" Tawag ko sa kanya pero nanatili parin itong nakatingin sa malayo na para bang nakakita ito ng multo. Problema ba ng manikang to?

Mas lalong napakunot ang noo ko nang magsalita ito.

"G-Grandma." Nauutal na sabi nito.

Agad naman akong napalingon sa tinitignan nito. Nagulat ako ng biglang nawala ang mga tao sa park. Yung mga batang naglalaro, yung mga taong naglalakad para mamasyal, at si Manong na pinagbilhan namin ng pagkain kanina. Literal na nalaglag ang panga ko sa nangyari.

P-Paanong nawala silang lahat sa isang iglap lang?!

Habang nililibot ko ang mga mata ko sa buong park, ay biglang napatigil ang mata ko isang bulto ng isang babaeng nakatayo malapit sa isang puno. Nakalugay ang itim na itim nitong buhok, kulay asul ang mga mata nito at kasing puti ng ulap ang balat nito. Nakasuot ito ng kulay puting bestida na may itim na hood habang nakatingin ito sa direksyon namin ni Sky.

Naramdaman ko nalang bigla ang pagtaas ng balahibo sa buong katawan ko. Bigla akong kinalibutan sa paraan ng pagtitig nito. S-Sino siya? B-Ba't parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya?

"Lienne..." Biglang tawag sakin ni Sky kaya agad naman akong napalingon sa kanya. Ang gulat na ekspresyon nito kanina ay biglang napalitan ng isang seryosong mukha. Nagulat ako ng biglang nag-iba ang kulay ng mga mata nito. Mula sa kulay abo, ay naging kulay pula ito!

"S-Sky! Y-Yung mga mata mo!" Gulantang na sabi ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako ay bigla nalang nitong hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. Muntik pa 'kong mawalan ng balanse, buti nalang at naka-alalay ang isang kamay niya sa likuran ko.

"Kailangan na nating umalis!" Sigaw niya sakin habang hila-hila ako patakbo.

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at sumunod sa utos niya. Ano bang nangyayari?!

Muntik na 'kong madapa nang biglang umalingaw-ngaw ang boses ng babae sa buong park.

"Ipinagsawalang-bahala mo ang kauna-unahang batas, Sky!" Sigaw nito. "Hinding-hindi ka makakatakas sa parusang ibibigay sayo ni Supremo kapag nalaman niya ang ginawa mo!" Patuloy nito.

Bahagya kong nilingon ang mahiwagang babae habang tumatakbo at hatak-hatak parin ako ni Sky pero laking gulat ko nang wala na ito sa kinaroronan nito kanina!

Bigla nalang kaming napatigil ni Sky nang biglang sumulpot ang babae sa harapan namin.

"Sumama kana sakin!" Sigaw nito kay Sky.

Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Sky sa babae. "Hindi ako sasama sayo, Grandma! Mahal ko si Lienne, hindi ko siya kayang iwan! Kaya pabayaan niyo na kami!" Sigaw naman nito at akmang hihilahin na naman ako nang bigla ko nalang naramdaman ang pagmanhid ng buong katawan ko.

"S-Sky. D-Di ako makagalaw." Impit na sabi ko. Agad naman itong napalingon sakin.

"Lienne!" Sigaw nito tsaka ibinalik ang tingin sa babae. "Anong ginawa mo sa kanya?!" Patuloy nito.

Nakataas ang isang kamay ng babae na para bang may mahika itong ginagamit para kontrolin ang katawan ko. "Alam mo kung anong kaya 'kong gawin sa babaeng to, Sky. Kaya sumama kana sakin kung ayaw mong saktan ko ang babaeng to!" Sigaw nito.

"Pabayaan niyo na kami, Grandma! Wala akong pakialam kung parusahan man ako ni Supremo! Nagmamahalan kaming dalawa ni Lienne! Naiintindihan mo naman siguro ang nararamdaman ko ngayon, Grandma kasi nangyari din to sayo noon!" Sagot nito.

Nakita ko ang bakas nang pagkagulat sa mukha ng babae pero ilang sandali lang ay bumalik ulit ang ekspresyon nito sa pagiging seryoso.

"Sky. Tinuturing na kitang isang anak, ayokong mangyari sayo ang nangyari sakin noon!" Sigaw nito.

"Oo, katulad mo nagmahal din ako ng isang tao sa gitna ng misyon ko. Minahal ko ang taong di ko dapat mahalin. Nilabag ko ang batas ni Supremo! Ang mahalin ang amo ko!" Patuloy na sabi nito.

"Alam ko kung ano ang magiging parusa ko kung sakaling lumabag ako sa batas. Pero isinawalang bahala ko yun kasi mahal ko siya! Pero nang malaman ito ng supremo ay agad akong pinadakip at ikinulong sa Luoix! Pero nakahanap parin ako ng paraan para makatakas. Tumakas ako at bumalik sa mundo ng mga tao. Pero huli na pala."

"Dahil nang malaman ni Supremo na nakatakas ako sa Luoix, ay agad niyang kinitil ang buhay ng minamahal ko! Sobrang sakit, Sky! Sobrang sakit mawalan ng minamahal! At ayokong maranasan mo rin yun! Kung ayaw mong mawala ang babaeng to ay kailangan mong sumama sakin ngayon din bago pa malaman ni Supremo ang lahat!" Sigaw nito.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Yun ba? Yun ba ang dahilan kung bakit nitong nakaraang araw ay parang wala sa sarili si Sky? Kaya ba may nararamdaman akong sakit at kirot sa tuwing tinitignan ko si Sky? Kasi dahil di kami pwede?

Nakayuko lang buong magdamag si Sky. Nakita ko ang bahagyang pagyugyog ng balikat nito. Nagulat ako nang tumingin ito sakin habang tumutulo ang mga luha sa pisngi nito. Bumalik na din sa pagiging kulay abo ang mga mata nito.

"Sky.." Sambit ko sa pangalan niya. Di parin ako makakilos kaya wala akong magawa kundi ang panoorin ang lalaking mahal ko.

Lumapit ito sakin at hinawakan ang mukha ko. "L-Lienne, M-Mahal na mahal kita." Sabi nito habang umiiyak. Di ko na napigilan ang sarili 'kong mapahikbi. Nasasaktan ako, Sky. Nasasaktan ako.

"G-Gusto pa kitang makasama ng matagal, marami pa akong gustong gawin na kasama kita. P-Pero ayokong mawala ka nang dahil lang sa pagmamahal na nararamdam natin, Lienne." Mahinang sabi nito sakin tsaka hinalikan nito ang mga mata ko.

"S-Sky." Naguguluhang sabi ko.

"Patawarin mo sana ako sa gagawin ko. Pero kailangan 'kong gawin to." Sabi nito pagkatapos ay dahan-dahang naglakad palapit sa babae. Nakatalikod ito sakin kaya di ko maananinag ang mukha nito.

"Sky! A-Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya habang humahagulhol.

Lumingon ito sakin at ngumiti ng malungkot. "Mahal na mahal kita, Lienne." Sabi nito.

Nakita ko nalang ang biglang pag-ilaw ng katawan nito. Kaya bigla nalang akong nakaramdam ng takot. Sinubukan 'kong gumalaw pero kontrolado parin ng mahika ng babae ang katawan ko.

"Sky! Please! Wag mokong iwan! Please!" Pagmamakaawa ko sa kanya habang sumisigaw.

Unti-unti nang kinakain ng liwanag ang katawan nila kaya buong lakas akong sumigaw. "Sky! Please! Please! Wag mokong iiwan! Diba sabi mo lalaban ka?! Sky! Diba sabi mo mahal mo 'ko?! Wag mokong iwan, Sky!" Sigaw ko.

"Sana maintindihan mo ang gagawin ko, Lienne. Patawarin mo 'ko. Paalam." Huling sabi nito hanggang sa kinain na nga nang liwanag ang buong katawan nila.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Napatulala at napatitig nalang ako sa kawalan.

Wala na siya. Wala na si Sky. Iniwan na niya ako.

Akala ko ba ipaglalaban niya ako? Akala ko ba gagawin niya ang lahat para samin? Pero bakit iniwan niya parin ako?

Bigla nalang umihip ng malakas ang hangin at narinig ko nalang ang muling pag-ingay ng buong paligid. Napaangat ang tingin ko para tignan ang buong park. Bigla nalang nagsi-sulputan kung saan ang mga tao. Nakita ko rin si Manong na nagtitinda ng street food, at yung mga batang naglalaro at nagtatakbuhan. Bumalik na ulit sa normal ang lahat. Na parang walang nangyari.

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang biglang napatingin sakin ang isang batang lalake na hawak-hawak ng isang babae.

Kung bibigyan man ako ng kahuli-hulihang kahilingan mula sa panginoon.

Hihilingin ko na sana bumalik si Sky sa buhay ko.

"Sky, mahal na mahal din kita. Please bumalik ka." Hagulhol na bulong ko sa hangin. Nagbabakasakaling marinig ito ng lalaking minamahal ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now